Luha Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Luha. Here they are! All 6 of them:

GANUN TALAGA" DI KITA NIYAKAP, AKALA KO’Y MAGIGING OKAY KA DI KITA KINAUSAP, AKALA KO’Y LALABAN KA LUHA KO’Y UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILA’Y WALA KANA NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA. SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT? BAKIT SA AMIN, SA AKI’Y NINAKAW KA’T PINAGKAIT? DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT DIBDIB KO’Y GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT. NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN OO NA, PERO BAKIT KA’Y BILIS NAMAN? PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT? SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI HABILIN MO’Y NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
Venancio Mary Ann
Ay, ano nga ba ang ating kaugnayan? Hindi tayo magkaano-ano. Ganitong mga nagdaang danas lamang naman ang ating napagsaluhan, mga insidente at aksidenteng puta-putaking nagdaan sa ating buhay. Malapit na malayo't Malayong malapit, nakatanod sa pagtatalamitam. Naiiba ba ito sa mga sinaunang salaysay? May darating at may magpapaalam, may iibis at may sasakay, sa bawat kasalukuyan ng ating pag-iral. Maaaring kumurot ang tuwa, umusbong ang luha, at lagi, may antak na iwa. Nawa'y hindi tumiwalag ang puso kung ugnaya'y yumao. Nawa'y hindi masaling ang kaluluwa. kahit magtakipsilim ang umaga. Nawa'y hindi mapatid ang awit sa pagtigil ng hininga.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
Sapagkat may mga damdaming hindi nailalarawan ng kataga, hindi nahuhugasan ng luha.
Macario Pineda (Halina sa Ating Bukas)
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak— landas na tinahak ng punit na talampakan, ng pusong paulit-ulit ginugupo ng unos, ng kaluluwang laging kinikiliti ng pangamba. Ang iyong mga mata’y nakamasid lamang, ngunit hindi kailanman sumilip sa kailaliman ng aking katahimikan— kung saan ang bawat ngiti’y bantay lamang sa sugat na ayaw lumantad, at ang bawat luha’y pumapatak kahit bago pa man dumampi ang liwanag ng umaga. Hindi mo batid ang mga laban na isinugal ko nang walang saksi; ang mga pangarap na nilamon ng gabi, at muling itinaguyod ng isang paghinga sa gitna ng pagkawasak. Kaya bago mo ako sukatin at husgahan, isuot mo muna ang aking pagod na hakbang, lakbayin ang dilim na minsan kong niyakap nang walang katiyakan kung may bukas pa. At saka mo sabihin kung sino ang mali, kung sino ang tama— kung sino ang marapat tawaging buo at kung sino ang marapat tawaging durog. Ito ang aking buhay— hindi maringal, hindi malinis, ngunit totoo at hindi kailanman huwad. At sa bawat paglakad, sa bawat katahimikang tila bangin, sa bawat paghinga na parang huling pagkakataon, naroon ang pasya kong magpatuloy. Dahil sa huli, ang pagpapatuloy mismo— kahit sugatan, kahit pagod, kahit wasak— ang pinakamatinding anyo ng aking tagumpay.!
Napz Cherub Pellazo
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak. Sapagkat ang mata mo’y nakamasid lamang, ngunit ang puso ko— araw-araw na sinusubok ng laban. Hindi mo batid ang mga sugat na nakatago sa likod ng aking katahimikan, ni ang mga luha na lumulubog bago pa man sumikat ang araw. Kaya’t bago mo ako hatulan, damhin mo muna ang bigat ng aking mga yapak, lakbayin ang dilim na minsan kong tinahak, at saka mo sabihin kung anong tama, at kung anong mali sa aking pagkatao. Ito ang aking buhay— hindi perpekto, hindi maringal, ngunit tunay. At sa bawat hakbang, bawat katahimikan, bawat paghinga— naroon ang pasya kong magpatuloy, kahit sugatan, kahit pagod, dahil ang pagpapatuloy mismo ang aking tagumpay.
Napz Cherub Pellazo
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak. Sapagkat ang mata mo’y nakamasid lamang, ngunit ang puso ko— araw-araw na sinusubok ng laban. Hindi mo batid ang mga sugat na nakatago sa likod ng aking katahimikan, ni ang mga luha na lumulubog bago pa man sumikat ang araw. Kaya’t bago mo ako husgahan, damhin mo muna ang bigat ng aking mga yapak, lakbayin ang dilim na minsan kong tinahak, at saka mo sabihin kung anong tama, at kung anong mali sa aking pagkatao. Ito ang aking buhay— hindi perpekto, hindi maringal, ngunit tunay. At sa bawat hakbang, bawat katahimikan, bawat paghinga— naroon ang pasya kong magpatuloy, kahit sugatan, kahit pagod, dahil ang pagpapatuloy mismo ang aking tagumpay.
napzcherub