“
Mag-date tayo. Hinde ko mapropromise na hinde kita masasaktan pero susubukan kong hinde. Kilala mo naman ako eh.. Hinde ako sweet na tao. Kaya nga binansagan mo akong GANGSTER eh, dahil sa ugali ko. Let’s date again.. Wala ng deal.. Date lang naman eh.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
“
Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.
”
”
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
“
kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
“
I.. I.. I love you."
"Ano ka ba. Bakit ba masyado kang nagiging seryoso? Okay ka lang ba?"
"Because I am serious. Seryoso ako sa mga sinabi ko.. sa nafifeel ko. I love you Kenji."
"Yung binitawan mong salita, parang katumbas sa pag sabing hindi ka na makahinga. Alam mo ba yun? Sige na umuwi ka na. Goodnight."
"You know what? Fine. Just forget everything that I have said. It meant nothing naman diba, kasi I was too serious. Sorry for feeling this way. Goodnight."
"Athena.. Athena wait... I.. I.. I can't breathe.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
“
Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
“
Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
“
Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
“
I’ll wait for you.. I can do that, right? hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakaintay sayo.. hanggang sa mapagod ako.. hanggang sa mawalan na ako ng lakas kakaintay sayo..”
“Wag na Athena.. please. Wag mo na akong intayin..”
“Pero gusto ko.. Hayaan mo na lang akong mag hintay kahit na alam kong wala na akong iniintay pa.
Tama na, please.. Wag mo na akong intayin.. yun na lang hinihiling ko..” he sighed while I cried. “Wag ka namang umiyak oh.. please..
“Bakit hinde ako iiyak? Eh mawawala ka na sakin..” “Hinde naman ako mawawala eh..
“Magkatabi naman tayo sa classroom diba? Magkakasama rin naman tayo.. Magkaibigan pa rin tayo..” naiyak ako lalo sa huling sinabi niya.. “I love you.. I’m sorry Athena.. Bye..
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
“
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya.
Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya?
Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
“
Dati naman akong masaya bago pa siya dumating. Mas sumaya nga lang nung dumating siya. Pero bakit nung umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko siya sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago siya dumating, pwede rin akong maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
“
Baka ako naman talaga ang nawala, ako, si Tito Tony, si Lola Bining, kaming mga naiwan, baka kami naman talaga ang nawala. Kailangan bang iyong laging umalis ang nawala, nawawala? Baka nga mas natagpuan nila ang sarili sa paglayo.
”
”
Edgar Calabia Samar (Walong Diwata ng Pagkahulog)
“
Madalas ipangako iyon--kapag nagsesentimyento, o nagpapakaromantiko lang--walang makapapalit sa 'yo, o--wala ako kung wala ka. 'Langhiyang pagsesenti sa wala. O dahil iyon lang naman kasi talaga ang puwedeng pagsentihan--ang wala, ang wala na, ang wala pa, ang wala naman talaga.
”
”
Edgar Calabia Samar (Sa Kasunod ng 909)
“
Para sa akin, basta manliligaw, malinis ang hangarin. Bakit ka ba liligawan ng lalaki kung meron siyang masamang balak? Kung katawan ko lang ang habol, madadaan naman sa simpleng usapan ‘yun.
”
”
Carlo Vergara (Kung Paano Ako Naging Leading Lady)
“
Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sumakay, umalis at lumayo. Paunti-unti. Hindi naman biglaan. Konting andar. Konting lakad. Konting kembot pakanan. Darating din ako doon.Kung saan maaliwalas na ang lahat.
”
”
Jayson G. Benedicto (Daily Dairy Diarrhea Diary)
“
Person 1: O mahal ko, me’ naaalala akong kasabihan… Pwede kang magreklamo dahil ang rosas ay may tinik; ngunit pwede kang magdiwang dahil ang tinik ay may rosas.
Person 2: Ha? Ano na naman problema mo?
Person 1: Bibigyan sana kita kaso kapos ang budget ko. Pwede akong magreklamo dahil wala akong pera… Ngunit pwede akong magdiwang dahil ang pera ay wala lang.
Person 1: Pwede akong magreklamo dahil ang mahal mabuhay… Ngunit pwede akong magdiwang dahil sa buhay ko’y meron akong mahal!
Person 2: Pwede akong magreklamo dahil ang korni-korni mo… Ngunit pwede akong magdiwang dahil ang korni’y ‘di ako.
Person 1: Omaygahd! Natututo ka na! Hwooh Ay lab yu!
”
”
Manix Abrera (Venn Man at iba pang Kalupitan ng Kapalaran! (Kikomachine Komix, #6))
“
Kaya makapal ang mukha ko at matigas ang bituka,e. Hindi kilala ang pagsuko dahil hangga't wala akong inaapakang tao, inilalaban ko ang magpapasaya sa puso ko- kahit mabasted nang ilang libong beses, 500 doon ay sa text pa; kahit hindi matanggap sa audition para sa role ni Pilosopo Tasyo sa El Fili; kahit madalas palakol sa exam; kahit hindi ako laging nakakapasa sa kung ano ang tingin ng iba na disente at tama, go pa rin. Sabi nga ng paborito kong mga philosophers, "Laban, laban!" [Sexbomb Girls]. Bawal bumawi kung ang gusto mo lang naman mapalanunan ay ligaya at pagmamahal.
”
”
Rod Marmol (Lahat Tayo May Period (At Iba Pang Punctuation Marks))
“
Bagaman maaaring sabihin na ang pagkilala sa figura ay isang palasukong posisyon (may mas malakas sa akin, nandito lamang ako sa labas, kawawa naman ako, hindi ako kasali sa kanila), mas pinipili kong tingnan ang kakambal na katangian ng tagalabas: ang kanyang integral na papel sa depinisyon ng loob at ang kanyang radikal na potensiyal na paguhuin ang loob, na siya namang laging takot sa kanyang presensiya, kaya nga siya pinananatili sa labas.
”
”
Chuckberry J. Pascual (Ang Tagalabas sa Panitikan)
“
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, “Isa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, ₱3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa “Golden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
”
”
Anna Mae Yu Lamentillo
“
pahingi naman ako ng papel – papel sa buhay mo.
”
”
Miriam Defensor Santiago (Stupid Is Forever)
“
I walk to Starbucks for a quick caffeine fix when I hear a voice too familiar and annoying to be real. ‘Tsk tsk pati ba naman dito sinusundan mo ako? Grabe a, are you stalking me?
”
”
Kath C. Eustaquio-Derla (Before I Do)
“
Simple lang naman ang gusto ko sa taong mamahalin ko..
-gusto ko ung taong mas gusto
makasama ako kay sa ibang tao..
-ung taong marunong umunawa sa mood ko..
-ung kayang sakayan mga biro ko.
-un bang marunong magpakita kung
wala sa kanya ang oras ko.
-ung marunong magalit pag pasaway ako.
-at higit sa lahat
ung hindi niya ako isasabay sa iba dahil alam niyang
masasaktan ako.
”
”
mosh ley
“
Kapag tahimik ang isip ko at pinagmamasdan kita, tinitimbang kung gaano kita kamahal, kung gaano kalaki ang bahagi mo sa puso ko, hindi ako makahinga. Dahil ikaw ang aking mundo, ang aking kalawakan.
Hindi ko alam kung ako ay mabuting nanay. Maagang pumanaw ang ina ko... Bagama't wala siya para magturo sa akin kung paano ang pag-aaruga sa iyo, marami naman ang nagpakita sa akin kung paano magmahal. Pagmamahal na ipinadama sa akin sa iba't-ibang paraan.
Ang pagmamahal na ito ay baon ko araw-araw. Sana maipadama ko ito sa iyo sa bawat minuto ng iyong buhay.
”
”
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
“
Hindi naman kita pinagbabawalang makipag-usap sa iba. Ang akin lang, sana, ipadama mo rin sa iba na may ako, na may tayo, na taken ka na.
”
”
Mark Fermill (His Plastic Doll)
“
Gusto ko lang naman na malaman niya na kahit ano siya, at kahit anong nararamdaman niya, mahal siya ng diyos.
”
”
Richard Mercado (Nang Mainlove Ako Sa Isang Sakristan)
“
GANUN TALAGA"
DI KITA NIYAKAP, AKALA KO’Y MAGIGING OKAY KA
DI KITA KINAUSAP, AKALA KO’Y LALABAN KA
LUHA KO’Y UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILA’Y WALA KANA
NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA.
SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT?
BAKIT SA AMIN, SA AKI’Y NINAKAW KA’T PINAGKAIT?
DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT
DIBDIB KO’Y GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT.
NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN
NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN
ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN
OO NA, PERO BAKIT KA’Y BILIS NAMAN?
PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT
IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT
UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT
SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT?
SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI
TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI
HABILIN MO’Y NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI
MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
”
”
Venancio Mary Ann
“
ang kwento ng mangangahoy sa gubat, bakit parang ang lungkot ng kwento? di ba po hinde yon mangangaso kundi mangangahoy kasi yon isa gumamit ng palakol ang isa naman ay chainsaw! if i were to choose, mas pipiliin ko gumamit ng palakol kahit parehong marunong ako humawak ng chainsaw and axe
”
”
abrina