Wikang Filipino Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Wikang Filipino. Here they are! All 32 of them:

[A]ng tiyanggê ay isang salitang Aztec . . . [A]ng salitang “tata” bilang isang tawag ng paggalang sa matandang lipunan ng Mexico. Akala ko, ito at ang tatay ay katutubo't mas maipagmamalaking kapalit sa “papa” at “daddy.” Subalit totoong marami pa tayong salitang Mexican sa ating pagkain dahil marami sa mga gulay at bungangkahoy natin ngayon ang mula sa mga binhing buhat sa Mexico. Ang iba sa mga halamang ito ay kilala natin sa pangalang Espanyol, tulad ng kalabasa, tsiko, at sapote. Pero may mga pangalan na korupsiyon ng orihinal gaya ng kamatsile na mula sa Aztec na cuamuchtl at pinaghanguan din ng Ingles na guamachil. Isa pa, ang abokado na mula sa Espanyol na avocado. Pero hango ito sa Nahuatl na ahuacatI---na ang literal na kahulugan ay 'bayag.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang wikang “Filipino” sa gayon ay isang ingklusibong wika at naglulunggating sumúlong at yumaman sa pamamagitan ng mga tunog, titik, at katangiang di-Tagalog ngunit taglay ng mga wika ng bansa.
Virgilio S. Almario (Pagpaplanong Wika at Filipino)
Ang wikang “Filipino” sa gayon ay isang ingklusibong wika at naglulunggating sumúlong at yumaman sa pamamagitan ng mga tunog, titik, at katangiang di-Tagalog ngunit taglay ng mga wika ng bansa
Virgilio S. Almario (Pagpaplanong Wika at Filipino)
Iwasan ang mga salitang “siyokoy” o mga salita na hindi wastong Espanyol at hindi rin wastong Ingles. Halimbawa, “amyenda” sa halip na enmiyenda (enmienda) ng Espanyol o amendment ng Ingles, “aspeto” sa halip na aspekto (aspecto)ng Espanyol, “respekto” sa halip na respeto ng Espanyol o respek (respect) ng Ingles, “dayalogo” sa halip na diyalogo (dialogo) ng Espanyol o dayalog (dialogue) ng Ingles, “endorso” sa halip na endoso ng Espanyol o indors (endorse) ng Ingles, “imahe” sa halip na imahen (imagen) ng Espanyol o imeyds (image) ng Ingles, “dekolonisasyon” sa halip na deskolonisasyon (descolonisacion) ng Espanyol o dekoloniseysiyon (decolonization) ng Ingles, “istandardisasyon” sa halip na estandardisasyon (estandardizacion) o istandardiseysiyon (standardization) ng Ingles, “istraktura” sa halip na estruktura (estructura) ng Espanyol o istraktiyur (structure) ng Ingles, "kotemporaryo” sa halip na kontemporaneo (contemporaneo) ng Espanyol o kontemporari (contemporary) ng Ingles, “obhektibo” sa halip na obhetibo (objetivo) ng Espanyol o objektiv (objective) ng Ingles, “pesante” sa halip na paysano (paisano) ng Espanyol o pesant (peasant) ng Ingles, “prayoridad” sa halip na priyoridad (prioridad) ng Espanyol o prayoriti (priority) ng Ingles, “subhetibo” sa halip na suhetibo (sujetivo) ng Espanyol o subjektiv (subjective) ng Ingles.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino. Ang edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong naniniwala na sila, bilang indibidwal o kolektibo, ay pantay sa ibang mga sambayanan. (Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)
Pamela C. Constantino (Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan)
Hindi naman natin laging mabibigyan ng katumbas na katutubo o likhang katawagan ang bawat modernong pangngalan na sumulpot sa ating buhay. Lalong malilito ang bayan at malaking gastos ang popularisasyon lamang ng ilang isina-Filipinong katawagan.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Sinasabing hindi tinatanggap na katwiran ang katangahan sa batas. Ngunit waring sinasadya ng ating mga mambabatas, alagad ng batas, at tagapangasiwa ng batas na manatiling tanga sa batas ang taumbayan sa pamamagitan ng paggawa at pagpapatupad ng mga tuntunin sa Ingles.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Tiyak na mali ang “gayunpaman” at dapat isulat na gayimpaman sang-ayon sa tuntunin tungkol sa pagbabago ng N kapag sinundan ng P o B.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Nagaganap din ang pag-iisang salita ng mga prase o parirala. Magandang halimbawa nito ang nangyari sa bakit, ngunit, subalit, datapwat, at sapagkat mula sa sinaunang “bakin at,” “nguni at,” “subali at,” “datapuwa at,” at “sapagka at.” Nito limang makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig isinagawa nina Alejandro G. Abadilla ang welding sa ngunit at mga kasama.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
MAY kawikaan sa amin na, “Ang hiram na hindi nabawi ay ari ng hindi nagsoli.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang lunggati ay ginagamit kong katugma ng desire at sang-ayon sa depinisyon nito ngayon sa sikolohiya. Ang mithi ay itinapat ko sa ideal . . . samantalang ang adhika ay sa ambition at goal sa buhay. Ang layon/layunin ay ginagamit na ngayon katumbas ng aim o objective sa lesson plan ng mga titser. Malimit namang lumitaw sa balitang krimen ang hangad/hangarin katapat ng motibo (motive).
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng salapong . . . may kahulugang pook na tagpuan ng dalawa o mahigit na landas o ilog. Kahawig ito ng mas ginagamit ngayong sangandaan at ng Ingles na fork. [T]inuturol ng salapong ang pagtatagpo halimbawa ng dalawang daloy upang bumuo ng isa na lamang daloy. Kung baga rin sa daloy, mula sa dalawang naging isa ang takbo ng salapong samantalang mula sa isang naging dalawa ang takbo ng sangandaan.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Katapat ng malíban ang except sa Ingles; katapat naman ng bukód ang aside.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng “lumilipad ang saya” ay nangangahulugan lamang na nagmamadali.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[P]aborito ko ang . . . masaalla (salawikain) ng mga Tausug: Gam muti' in bukug Ayaw in tikudtikud. “Mas mabuti pang pumuti ang butó kaysa pumuti ang sákong." Ang ibig sabihin, mainam pang mamatay (pumuti ang butó) kaysa maging duwag na tumakbo sa labanan (pumuti ang sákong).
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[P]inakapobre ang wika ng Metro Manila” pagdating sa karanasang pambansa.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng bulô ay isang batang kalabaw, ang baguntáo ay isang tin-edyer na kalabaw, ang kalakíyan at inahin ay maygulang at kung baga'y tatay at nanay na kalabaw, at ang matsóra ay isang babaeng kalabaw na hindi magkaanak.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Marami sa mga salita ngayong itinumbas sa mga moderno't teknikal na bagay-bagay ang hango sa karanasang agrikultural. Halimbawa, ang pítak (section) at pangúlong-tudlíng (editorial) sa peryodismo ay mula sa mga bahagi ng bukid. Ang kalinangán (culture) ay may ugat sa linang at taniman ng palay.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng isang binibini'y “may itsura.” Ibig sabihin, maganda at taliwas sa “maitsura” na ibig sabihi'y pangit.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng kundi ay ginagamit sa parirala o sugnay na pambaligtad sa isa pang parirala o sugnay sa loob ng isang pangungusap. Halimbawa: “Hindi pangit kundi kulang lang sa ganda.” Dili kaya'y pampatotoo sa sugnay na nag-uumpisa sa “wala.” Halimbawa: Walang pumayag kundi siya.” Sa mga Inglesero, kadiwa ng kundi sa ganitong mga pangungusap ang but sa Ingles. Ngunit iba ang gamit ng kung di. Pang-umpisa ito sa parirala o sugnay na kondisyon para sa katuparan o ikapangyayari ng isa pang parirala o sugnay sa loob ng isang pangungusap. Halimbawa: “Kung di ka susuko, lulutang ka sa dugo." Isa pa: “Maganda siya kung di lang sira ang ngipin.” Katapat naman ang magkahiwalay na kung di ng if sa Ingles. Tandaan din na ang hiwalay na kung di ng if ang ginagamit kapag may karugtong na man. Gaya sa: “Kung di man tao, hayop.” Sa isang uri lang ng kanta nagdidikit ang tatlo para maging “kundiman.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Noong araw, ang inihanay kong modelo ay binibigkas at isinusulat na “bakin at,” “bawa at,” “sapagka at,” 'nguni at,” “subali at,” at “datapuwa at.” . . . Ngunit sa ika-19 na siglo ay tila nawala ang mga anyong ito at higit na ginagamit sa anyong pinagdikit bagaman may kudlit bilang simbolo sa inalis na titik A: “baki't,” “bawa't,” “sapagka't,” “nguni't,” “subali't,” at “datapuwa’t.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Para kasi sa kaniya (Teodoro Agoncillo), trabahong tamad ang basta hiram nang hiram. Ikalawa, naniniwala siyang may katiyakan ang pagkabuo ng ilang luma nating salita at may kaugnayan sa ating sariling karanasan na nawawala sa paggamit natin ng hiram na bokabularyo.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng kundi ay ginagamit sa parirala o sugnay na pambaligtad sa isa pang parirala o sugnay sa loob ng isang pangungusap. Halimbawa: “Hindi pangit kundi kulang lang sa ganda.” Dili kaya'y pampatotoo sa sugnay na nag-uumpisa sa “wala.” Halimbawa: Walang pumayag kundi siya.” Sa mga Inglesero, kadiwa ng kundi sa ganitong mga pangungusap ang but sa Ingles. Ngunit iba ang gamit ng kung di. Pang-umpisa ito sa parirala o sugnay na kondisyon para sa katuparan o ikapangyayari ng isa pang parirala o sugnay sa loob ng isang pangungusap. Halimbawa: “Kung di ka susuko, lulutang ka sa dugo." Isa pa: “Maganda siya kung di lang sira ang ngipin.” Katapat naman ang magkahiwalay na kung di ng if sa Ingles. Tandaan din na ang hiwalay na kung di ng if ang ginagamit kapag may karugtong na man. Gaya sa: “Kung di man tao, hayop.” Sa isang uri lang ng kanta nagdidikit ang tatlo para maging “kundiman.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang itlog ng isda, halimbawa, sa Tagalog ay gayon nga lamang at nilalagyan ng panuring para maibukod sa itlog ng manok o itlog ng ibon. Ngunit bihud ang itlog ng isda mulang Legazpi hanggang Lungsod Davao, vihud sa mga Ivatan, vugi sa mga Ivanag, at bugi sa mga Ilokano. May talamarong sa Palawan at puwedeng itapat sa hiram na limon o lemon.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
NASA panlapi (affix) ang henyo ng ating wika . . . Parang ito ang kaluluwa ng Filipino. Nasa pagsapól ng iba't ibang salimuot ng mga unlapi, gitlapi, at hulapi ang tatak ng kadalubhasaan sa wikang Filipino.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Kinakalawang ang kaalaman sa kahit katutubong wika kapag hindi naihahasa; “lumalansa” ang dila kapag laging wikang banyaga ang ginagamit at pinag-aaralan.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang katamarang mag-aral sa Filipino ay sintomas lámang ng mababaw (o paimbabaw?) na nasyonalismo sa wika.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Wala sa tagal ng pag-aaral ang ikinahuhusay ng edukasyon kundi nasa uri at galing ng pagtuturo.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[N]akikilala natin ang anyong maramihan sa sumusunod na paraan: (1) sa pamamagitan ng paggamit ng mga . . . (2) pagbabago ng anyo ng panlapi . . . (3) pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat ng panuring . . . (4) paggamit ng numero at mga palatandaan ng bálang na maramihan . . . Iwasan natin ang “mga kababaihan " dahil plural na ang “kababaihan.” Tama ang kapulisan, sobra na ang “mga kapulisan.” Iwasan din ang “walong mga kotse” dahil sapat na ang walong kotse.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Ang kung saan ay tulad ng kung ano, kung bakit, at kung sino sa balarilang Filipino na nagpapahiwatig ng kawalang-katiyakan. Ang ibig sabihin, kung hindi tiyak ang lunan ng isang bagay o pangyayari ay tamang gamitin ang “kung saan.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[M]arami tayong tambalang salita na hiram sa Espanyol at isinusulat nang walang pang-angkop, walang gitling, at hindi rin pinagdidikit. . . [M]aaaring gamitin ang sistemang walang pang-angkop o pang-ukol sa mga tambalang pangalan ng pook.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ng pagkilala kay Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa” ay puwedeng pagtaluhan, dahil ang tunay namang nagsikap na isabatas ang Pambansang Wikang Filipino ay si dating Punong Mahistrado Norberto Romualdez, sa tulong ng mga mambabatas na nagmula sa iba’t ibang lalawigang hindi saklaw ng Tagalog. —Mula sa Ang Kaso ng Dekalogo ng Wikang Filipino, páhiná 162
Roberto T. Añonuevo (Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan)