Umasa Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Umasa. Here they are! All 5 of them:

Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Every rejection, failure, heartache- may dahilan lahat. Hindi mo man maintindihan ngayon kasi nasaktan ka. Kasi masama ang loob mo. Kasi umasa ka, tapos hindi mo nakuha. Pero balang araw, malalaman mo rin ang dahilan. Makikita mo rin kung saan pupunta ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Maaaring hindi pa panahon. Maaaring hindi lang ukol. O maaaring may mas magandang nakalaan para sa iyo.
Noringai
Sanay akong nagbibigay sa iba--- ng aking oras, talento, payo, o tulong. Masaya akong gawin lahat ito. Ngunit masaya rin palang tumanggap --- at di lang basta tumanggap kundi maging 'mapagbigay na tagatanggap' o generous receiver. 'Yong ninanamnam mo ang kagandahang loob ng ibang tao, ang pagtulong nila sa iyo, at pag-aalaga. At ipinaalam mo sa kanila ang iyong kagalakan at pagpapasalamat. Hindi kailangang matatag sa lahat ng oras --- mainam ding maging mahina at umasa sa iba --- doon mo mas maahahalagahan ang pagiging ina, asawa, kaibigan, guro, at pati pagiging Filipino. At sa panahon ng iyong kahinaan, doon mo tunay na malalaman ang mga bagay na totoong mahalaga sa buhay (pamilya, pagmamahal, pakikipagkapuwa, kalusugan ng katawan at isip, pananalig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa Inang Kalikasan) at ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ang pagiging ina sa panahaon ng pandemya ay pagiging malakas sa aking kahinaan, pagiging mapagbigay sa aking pagtanggap.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
May pag-asa nga ba sa mga bagay na hindi natin alam? Dapat ba akong matakot sa mga posibleng mangyari o magtiwala sa mga posibleng mangyari? O maaaring dalawa? Matakot at umasa?
Arnold Subastil (Anong Nangyari Kay Wallace?)