Pagmamahal Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Pagmamahal. Here they are! All 24 of them:

β€œ
I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng simbahan sa buong mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kahit san ka magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, Athena. I love you, I love you, I love you.. UhnJaeNa, YongWonHee.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Bakit kahit simpleng pagmamahal ay kinakailangan ng materyal na kapital?
”
”
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β€œ
I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Malaya kang magmahal. Malaya kang ibigin ang kahit sino. Hindi mahalaga kung may katugon man o wala ang damdamin mo. Ang mahalaga ay magmahal ka nang malinis.
”
”
Victoria Amor (The Cursed Healer)
β€œ
Kung sana nga, naging ingrown na lang ng kuko ang pagmamahal na ito at kahit isa-isahin ko ang manikurista sa buong Pinas, matanggal lang ang lintek na pag-ibig na ito.
”
”
Eros Atalia Ligo na U Lapit na Me
β€œ
Ang relationship, parang flappy bird... Hindi mo ito pwedeng basta-basta nalang bitawan.
”
”
Prince Henry Chiong
β€œ
masarap mag mahal pero, mas masarap kapag may nagmamahal sayo. pero ang pinaka masarap ay ang pagmamahal ng LORD sa atin. Dahil nakakasigurado tayo na walang hanggan ang pagmamahal niya satin at walang katulad ang pagmamahal niya. :)))
”
”
Joanna Pauline Segarra
β€œ
Kaya makapal ang mukha ko at matigas ang bituka,e. Hindi kilala ang pagsuko dahil hangga't wala akong inaapakang tao, inilalaban ko ang magpapasaya sa puso ko- kahit mabasted nang ilang libong beses, 500 doon ay sa text pa; kahit hindi matanggap sa audition para sa role ni Pilosopo Tasyo sa El Fili; kahit madalas palakol sa exam; kahit hindi ako laging nakakapasa sa kung ano ang tingin ng iba na disente at tama, go pa rin. Sabi nga ng paborito kong mga philosophers, "Laban, laban!" [Sexbomb Girls]. Bawal bumawi kung ang gusto mo lang naman mapalanunan ay ligaya at pagmamahal.
”
”
Rod Marmol (Lahat Tayo May Period (At Iba Pang Punctuation Marks))
β€œ
Ang masipag na kamay ay hindi kailanman mapapagod sa pagmamahal sa pamilya.
”
”
akosiastroboy (Bilog ng Kabutihan)
β€œ
Ang mali mo, hindi mo ako pinili. Ang mali ko, patuloy pa rin kitang pinili.
”
”
Alexi Mora
β€œ
E, ano lang ba ang pagmamahal kundi ang araw-araw na pagpapasya na pahahalagahan ko ’tong taong ’to nang higit sa lahat? Kapag nagkapatong-patong ang pagkakataon na maramdaman mong hindi kita pinili, para ko na ring sinabi na hindi kita mahal.
”
”
Macky Cruz (Hoy, Pong!)
β€œ
Ngiti ka lang kahit naiinis ka at kahit hindi nangyayari ang mga gusto mo. Dahil ang ngiti na dinulot nito ang magpapagaan ng buhay mo.
”
”
akosiastroboy (Bilog ng Kabutihan)
β€œ
Alam ko ang abakada, ang kasaysayan ng Herusalem nang magkaroon ng Krusada, pero nabobo ako ng pagmamahal.
”
”
Lush Ericson (Agustin and Ariston's Version of the Universe)
β€œ
Kapag tahimik ang isip ko at pinagmamasdan kita, tinitimbang kung gaano kita kamahal, kung gaano kalaki ang bahagi mo sa puso ko, hindi ako makahinga. Dahil ikaw ang aking mundo, ang aking kalawakan. Hindi ko alam kung ako ay mabuting nanay. Maagang pumanaw ang ina ko... Bagama't wala siya para magturo sa akin kung paano ang pag-aaruga sa iyo, marami naman ang nagpakita sa akin kung paano magmahal. Pagmamahal na ipinadama sa akin sa iba't-ibang paraan. Ang pagmamahal na ito ay baon ko araw-araw. Sana maipadama ko ito sa iyo sa bawat minuto ng iyong buhay.
”
”
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β€œ
Sanay akong nagbibigay sa iba--- ng aking oras, talento, payo, o tulong. Masaya akong gawin lahat ito. Ngunit masaya rin palang tumanggap --- at di lang basta tumanggap kundi maging 'mapagbigay na tagatanggap' o generous receiver. 'Yong ninanamnam mo ang kagandahang loob ng ibang tao, ang pagtulong nila sa iyo, at pag-aalaga. At ipinaalam mo sa kanila ang iyong kagalakan at pagpapasalamat. Hindi kailangang matatag sa lahat ng oras --- mainam ding maging mahina at umasa sa iba --- doon mo mas maahahalagahan ang pagiging ina, asawa, kaibigan, guro, at pati pagiging Filipino. At sa panahon ng iyong kahinaan, doon mo tunay na malalaman ang mga bagay na totoong mahalaga sa buhay (pamilya, pagmamahal, pakikipagkapuwa, kalusugan ng katawan at isip, pananalig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa Inang Kalikasan) at ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ang pagiging ina sa panahaon ng pandemya ay pagiging malakas sa aking kahinaan, pagiging mapagbigay sa aking pagtanggap.
”
”
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β€œ
Masarap man ang pagmamahal na kayang patunayan, ang wagas na pagmamahal, walang patunay na kailangan.
”
”
Bob Ong (56)
β€œ
Ayaw ko ng rumaragasang pagmamahal. Gusto ko lang ng tahimik pero tuloy-tuloy na daloy.
”
”
Bob Ong (56)
β€œ
Ang mali mo, hindi mo ako pinili. Ang mali ko, patuloy pa rin kitang pinili.
”
”
Alexi
β€œ
Ang pag-ibig pala ay hindi makikita sa sweet na eksena, sa mahihigpit na yakapan, o sa maiinit na kissing scene. Minsan ang tunay na pagmamahal ay naroon sa kagustuhan mo na palayain ang taong mahal mo para sa ikaliligaya nito at ng mga tao sa paligid mo, maging sariling kaligayahan mo man ang maging kapalit.
”
”
Raye Amber (Loving Third)
β€œ
GANUN TALAGA" DI KITA NIYAKAP, AKALA KO’Y MAGIGING OKAY KA DI KITA KINAUSAP, AKALA KO’Y LALABAN KA LUHA KO’Y UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILA’Y WALA KANA NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA. SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT? BAKIT SA AMIN, SA AKI’Y NINAKAW KA’T PINAGKAIT? DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT DIBDIB KO’Y GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT. NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN OO NA, PERO BAKIT KA’Y BILIS NAMAN? PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT? SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI HABILIN MO’Y NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
”
”
Venancio Mary Ann
β€œ
Sumandal ka sa akin Sa isang haplos mo'y Bumalik ako sa pagiging iyo
”
”
Jessica Perez Dimalibot (Wind Bells)
β€œ
May mga umaalis man, pero mas marami ang dumarating "People come and go" ika nga nila, totoo nga naman pero Pahahalagahan ko ito, kahit na may maganda o hindi maganda kang naidulot sakin, Mananaig parin ang "Kapatawaran" at "Pagmamahal" salamat ng marami
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
Kung lagi natin Iisipin ang sasabihin ng ibang tao, baka hindi na natin Maranasan ang maging masaya. Ikalat lamang ang pagmamahal at kapayapaan! Disiplina ng positibong enerhiya at paniniwala!
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
A: Mahal? Ano’ng alam mo sa pagmamahal?! Isa lang ang hinahanap ninyo sa mga lalaki β€˜di ba? Basta mapuno lang β€˜yan mga bibig ninyo, masaya na kayo! B: Huhuhuhu! Hindi totoo β€˜yan, Lester! Mahal talaga kita! Hindi ka naman gan’on kalaki para mapuno ang bibig ko, maniwala ka, Lester! Huhuhu!
”
”
Carlo Vergara (Zsazsa Zaturnnah sa Kalakhang Maynila (Part One) (Zsazsa Zaturnnah sa Kalakhang Maynila, #1))