Lope K Santos Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Lope K Santos. Here they are! All 20 of them:

Ang katumbás sa katuturán ng katá ay akó at ikáw, ang katumbás ng kitá ay ikaw ay aking, o ko ikáw, at ang sa kanitá ay akin at iyó, magkasama o pisán.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
walâ (sero) 0 isá 1 dalawá 2 tatló 3 apat 4 limá 5 anim 6 pitó 7 waló 8 siyám 9 sampuô (isáng puô) 10 sandaán (isáng daán) 100 sanlibo (isáng libo) 1000 sanlaksâ (isáng laksâ) 10,000 sangyutà (isáng yutà) 100,000 sang-angaw (isáng angaw) 1,000,000
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Kapág ang unang titik ng salitáng-ugát ay k-, gaya ng kahoy, kitíl, kuha, atb. —karaniwang ang náturang titik ay nawawalâ, at ang mang ay lúbusan nang ikinakamá at ibinibigkás sa unang patinig na napag-iiwan. Anupá’t ganitó sa banghayan: mangahoy, . . . mangitíl, . . . manguha
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
May mga salitáng-ugát na, ayon sa talátinigan, ay nagsísimulâ sa titik ng (dati’y ḡ o nḡ), bagamán ang ilán ay kiníkilala ring nagsísimulâ sa k—gaya ng ngambá, nganib, ngatî (katî), ngilíg (kilíg), nginíg (kiníg), ngunyapít (kunyapít), nguyumpís (kuyumpís), atb.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Ang pang-abay na parati ay dî hangò sa dati, na gaya ng palagì sa lagì; sapagká’t may ibáng kahulugán at diwà. Ang ibig sabihin ng parati ay palagì, samantalang ang dati ay noóng araw, nang panahóng nagdaán.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
This is the mentality of the capitalists: that the workers should get only barely enough to survive, and not that the workers should get what they need to live. This is a shameful attitude.
Lope K. Santos (Banaag at Sikat (Radiance and Sunrise))
May isáng matandáng salitáng hindî na gamit at maanong kilalâ man lamang ngayón, nguni’t nakapagpapáhayag din ng pagpapasalamat na may diwang wari’y pakutyâ o paaglahì. Ang tinurang salitâ ay nangháw, na ang halimbawang n asatalatinigan ay: Nangháw, at namatáy ang kaaway ko (salamat o mabuti at namatay . . .) Sa kahulugáng pasaliwâ ng salamat, álalaóng bagá’y di-marunong magpasalamat o tumanáw ng utang na loób, ang karaniwang ginagamit ay mga pariralang waláng turing, waláng utang na loób, o kaya’y ang mga salitáng lanuwáng, busóng; nguni’t ang mga parirala’t salitáng itó’y malamáng na mga pang-urì kaysá pang-abay.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Ang kahit ay kabuuán ng kahí-at, at ang bagamán at káhiman, na binubuô ng bagá at man, kahì at man, ay madalás na nangag-tatagláy ng pang-angkóp t sa karaniwang pangungusap.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Ang kung ay nagdiriwà ng panahóng kasulukuyan o ng kaugalian, at ang pag ay ng panahóng hinaharáp o gagawín pa lamang.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
[K]apág sa mga araw na nagdaán na, ang unlapì ay ka, at kapág sa mga dáraan pa, ang unlapi’y sa; . . . paglampás sa ikaapat na araw, magíng sa nagdaán at magíng sa daraán, ay tinatawag na sa talagáng pangalan ang araw na náuukol.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Itóng lubha at lalò ay nagagamit na magkapálitan; dátapwá’t nagkakáibá lamang sa paggamit ng panakdáng na at pa: ang karaniwang abay na hinihingî ng lubhâ ay pa, at ang sa lalò ay na.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Bagamán itóng bakit ay pinag-angkupán lamang ng salitáng bakin at katagáng at, dapwa’t siyá nang ugaling gamitin sa mga pananalitâ. Ang bakin ay sa iláng lalawigan na lamang náririníg, o sa mga pangungusap na pampánitikan.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Sa mga pangalang-tao na nápapangunahan ng tawag sa tungkulin niláng hawak, ang ginagamit na pantukoy ay panangì kung ang tawag-tungkól ay salitáng banyagà, at pantukoy na pambálaná kung salitáng tagalog. SI Henerál Aguinaldo Ang Punong-hukbóng Aguinaldo
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
nang (ng), manga (mga), Ang mga may-kulóng na katagâ ay anyông dinaglát ng mga buóng salitáng sinusundán. Ang mga tinurang daglát ay siyáng kaugalian nang ginagamit sa mga pagsulat at paglilimbág, upáng bukód sa mapaiklî, ay maiwasan ang pagkakámalî sa ibáng salitáng katulad na may ibáng tungkulin sa pangungusap, gaya ng manga sa pandiwà, at ng mga nang na pang-abay at pangatníg, sa mga pariralang sumusunód: mangatulog na kayó bakâ silá mangagalit nang (noong) kabataan ni Rizal lumakad nang paluhód walâ nang salapî mag-aaral, nang (upáng) dumunong
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
(a) Kapág patinig ang unang titik ng salitáng-ugát, ang um ay unlapì; gaya sa umalís, umibig, umuwî. (b) Kapág katinig, ang um ay nagiging gitlapì: násisingit sa pagitan ng tinurang unang katinig at ng patinig na kasunód; gaya sa bumasa, humingî, tumutol.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Wherever the workers’ lives turn, it all seemed to land up on capital. Capital rents their labour and the labourers also pay back to the capital.
Lope K. Santos (Banaag at Sikat (Radiance and Sunrise))
[A]ng paggunita ay hindi lamang pag-alaala. Ang paggunita ay isa ring paglimot. Bahagi ng anumang paggunita ang pagkawala sa isip ng anumang dating batid o alam. —Mula sa Ang Kasaysayang Pampanitikan Bilang Paggunita ni Galileo S. Zafra, páhiná 8
Lope K. Santos (Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan)
Ang mga páaralang siyáng punlaan ng mga binhî ng alinmang pánitikan, ay di-maaaring pag-anihan ng mga bungang máiibá pa sa mga bínhing ipinupunlà at sa pag-aalagang sa kanilá’y pinaiiral. —Mula sa Tinging Pahapaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog ni Lope K. Santos
Lope K. Santos (Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan)
[M]ayroon na tayong kinatawan sa pananalangin . . . Ang Alagar ay lalaki at ang Katalonan ay babae. —Mula sa Ang Dulang Tagalog ni Severino Reyes
Lope K. Santos (Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan)
Utang sa matalinong pag-aaral ng gurong Lope K. Santos ang pagbabalak na ipalit ang salitâng “kakana” sa salitâng “cuento.” . . . Ang salitâng kakana ay siyang kahulugan sa Tagalog ng salitâng cuento sa wikang Kastila ayon sa talatingigan nina Padre Noceda at San Lucar. . . . Ang kakana ay isang salitâng panlansangan noong araw. . . . ‘Ako naman ang kakana ngayon!...” o kayâ’y ‘Ikaw naman ang kumana...” . . . Samakatwid, ang kakana ay isang galaw ng bibig, bigkas, . . . paglalahad ng búhay o bahagi ng isang búhay na di isinusulat. —Mula sa Ang Maikling Kathang Tagalog ni Fausto J. Galauran, páhiná 137
Fausto J. Galauran (Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan)