“
Sa Maisan *
* Ang tula ay malayang pagsalin ni Jun Cabochan sa tulang “In Flanders Fields” na sinulat ni Lieut.-Col. John McCrae. �Namatay siya sa digmaan noong January 28, 1918.
Sa maisan umiihip ang damo
sa pagitan ng mga lapida,
mga tanda ng aming dugo
Sa itaas, lumilipad ang mga ibon,
patuloy sa pag-awit
Halos di madinig sa gitna ng putukan
Kami ang mga patay
Kailan lamang ay buhay kami
Dama ang bukang-liwayway,
Tanaw ang tanglaw ng lumulubog na araw
Nagmamahal at minamahal
Ngayon, nakaratay kami sa maisan
Ipagpatuloy ang aming laban
para sa kapayapaan
Mula sa mga namamanhid na kamay
ipapasa sa iyo ang sulo
Sa iyo na ito para iwagayway
Kapag sumira ka sa ating sumpaan
Di kami matatahimik, kahit pa
Kumakalat ang damo sa maisan
”
”
Gerardo V. Cabochan