Iwasan Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Iwasan. Here they are! All 4 of them:

Iwasan ang mga salitang “siyokoy” o mga salita na hindi wastong Espanyol at hindi rin wastong Ingles. Halimbawa, “amyenda” sa halip na enmiyenda (enmienda) ng Espanyol o amendment ng Ingles, “aspeto” sa halip na aspekto (aspecto)ng Espanyol, “respekto” sa halip na respeto ng Espanyol o respek (respect) ng Ingles, “dayalogo” sa halip na diyalogo (dialogo) ng Espanyol o dayalog (dialogue) ng Ingles, “endorso” sa halip na endoso ng Espanyol o indors (endorse) ng Ingles, “imahe” sa halip na imahen (imagen) ng Espanyol o imeyds (image) ng Ingles, “dekolonisasyon” sa halip na deskolonisasyon (descolonisacion) ng Espanyol o dekoloniseysiyon (decolonization) ng Ingles, “istandardisasyon” sa halip na estandardisasyon (estandardizacion) o istandardiseysiyon (standardization) ng Ingles, “istraktura” sa halip na estruktura (estructura) ng Espanyol o istraktiyur (structure) ng Ingles, "kotemporaryo” sa halip na kontemporaneo (contemporaneo) ng Espanyol o kontemporari (contemporary) ng Ingles, “obhektibo” sa halip na obhetibo (objetivo) ng Espanyol o objektiv (objective) ng Ingles, “pesante” sa halip na paysano (paisano) ng Espanyol o pesant (peasant) ng Ingles, “prayoridad” sa halip na priyoridad (prioridad) ng Espanyol o prayoriti (priority) ng Ingles, “subhetibo” sa halip na suhetibo (sujetivo) ng Espanyol o subjektiv (subjective) ng Ingles.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[N]akikilala natin ang anyong maramihan sa sumusunod na paraan: (1) sa pamamagitan ng paggamit ng mga . . . (2) pagbabago ng anyo ng panlapi . . . (3) pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat ng panuring . . . (4) paggamit ng numero at mga palatandaan ng bálang na maramihan . . . Iwasan natin ang “mga kababaihan " dahil plural na ang “kababaihan.” Tama ang kapulisan, sobra na ang “mga kapulisan.” Iwasan din ang “walong mga kotse” dahil sapat na ang walong kotse.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
Lahat tayo ay gustong umasenso at gumanda ang buhay pero iwasan natin manghila pababa para lang umangat, Laging tandaan na mas masarap sa pakiramdam kung wala kang tinatapakan na ibang tao, respeto sa kapwa ang lagi mong baunin tiyak na mas aasenso ka pa patungo sa gusto mong marating.
Napz Cherub Pellazo
Iwasan mong ulit-ultin sa isipan mo ang mga pangit na nangyari, na wari mo’y isa kang sirang plaka. Higit sa lahat, huwag mong hayaan ang sarili mong mairita, mainis, maging hysterical, o maawa sa sarili.
Gerardo V. Cabochan