“
Dahil isang arkipelagong bansa ang Pilipinas, mas nagiging mahirap ang pagsubaybay at pagpapatupad ng mga proyektong Build, Build, Build. Paano nga ba epektibong masusubaybayan ang 20,000 proyekto nang sabay-sabay sa isang bansang binubuo ng humigit-kumulang 7,640 isla?
Paano natin maaalis ang mga ghost project at mga pagpapasyang lihis sa mga itinakdang alituntunin sa ahensiya?
Desidido si Secretary Mark Villar na humanap ng mga solusyon na progresibo at posibleng maisakatuparan. Ipinakilala niya ang isang automated monitoring system na tinatawag na Infra-Track App, na gumagamit ng geo-tagging, satellite technology, at drone monitoring.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 174, Proyektong Build, Build, Build MIMAROPA)
”
”