“
Bakit humantong dito ang aking kabaliwan? Akala ko'y sa nobela lang nagaganap ang mga eksenang tulad nito. Heto ako ngayon, hubad, nakakalat sa sahig, sa ibabaw ng mesang sulatan, nakasabit sa shelf. Hindi ko alam kung paano pinalayas ng gutom na halik ang aking blusa. Kung paano ako binalatan, ngayong nakatanghod ang lukot na kumpol ng pantalong maong at hinahanap ko kung saan na nga ba gumulong ang aking panty. Walang kumibot ng pagtutol sa aking malay, ni minsan. Ayaw ko munang magisip. Parang pagharap sa makinilyang altar. Nais kong maging sagrado ang daloy ng panahon, walang interapsiyon, walang sagwil.
”
”