Wikang Katutubo Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Wikang Katutubo. Here they are! All 4 of them:

[A]ng tiyanggê ay isang salitang Aztec . . . [A]ng salitang “tata” bilang isang tawag ng paggalang sa matandang lipunan ng Mexico. Akala ko, ito at ang tatay ay katutubo't mas maipagmamalaking kapalit sa “papa” at “daddy.” Subalit totoong marami pa tayong salitang Mexican sa ating pagkain dahil marami sa mga gulay at bungangkahoy natin ngayon ang mula sa mga binhing buhat sa Mexico. Ang iba sa mga halamang ito ay kilala natin sa pangalang Espanyol, tulad ng kalabasa, tsiko, at sapote. Pero may mga pangalan na korupsiyon ng orihinal gaya ng kamatsile na mula sa Aztec na cuamuchtl at pinaghanguan din ng Ingles na guamachil. Isa pa, ang abokado na mula sa Espanyol na avocado. Pero hango ito sa Nahuatl na ahuacatI---na ang literal na kahulugan ay 'bayag.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
May mga salita na nabago ang anyo dahil marahil sa malîng pakinig ng ating mga ninuno o dahil na rin sa walang-ingat na bigkas ng mga hindi naman edukadong dayuhang tagapagsalita, gaya ng “padér” mula sa paréd, “kómang” mula sa manco. May nagbago ng bigkas, gaya ng may mga impit sa dulong “kampanà” (campana), “kandilà” (candela), “bintanà” (ventana) mula sa wikang wala namang impit ang bigkas sa patinig. May mga salita na aakalaing katutubo kung hindi aaninawin ang pinagmulan, gaya sa “siláhis” (mula sa celaje+s) at “kalatas” (mula sa carta+s). May mga hiniram na palagiang nàsa anyong maramihan, gaya ng “sapatos,” “mansanas,” “materyales,” “prutas,” “medyas,” “mesiyas,” “perlas,” at marami pa. Mga pagbabago itong bunga ng kawalan ng wasto at pampublikong edukasyon sa wikang Español sa loob ng tatlong dantaon ng pananakop.
Virgilio S. Almario (Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahín para sa Baguhan)
Ang wikang katutubo na yumayabong ay nakatutulong sa katutubong pag-iisip. (Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)
Pamela C. Constantino (Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan)
Hindi naman natin laging mabibigyan ng katumbas na katutubo o likhang katawagan ang bawat modernong pangngalan na sumulpot sa ating buhay. Lalong malilito ang bayan at malaking gastos ang popularisasyon lamang ng ilang isina-Filipinong katawagan.
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)