Tagalog Hugot Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Tagalog Hugot. Here they are! All 30 of them:

Malaya ka sa mga oras na wala ka nang pakialam sa kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sayo
Napz Cherub Pellazo
Matatalino ang mga taong mas maraming pangarap na hindi masisira ng realidad!
Napz Cherub Pellazo
Sana maalala mo munang maghilom ang mga sugat mong mag-isa bago ka sumubok ulit, Huwag mo muna ipilit, kung di ka pa handa.
Napz Cherub Pellazo
Hindi ako malakas, ngunit may malakas akong Diyos na nagpoprotekta sa akin bawat sandali ng aking buhay.
Napz Cherub Pellazo
Mas mahusay na maghintay, kaysa pilitin ang mga bagay na gusto mo agad mangyari.
Napz Cherub Pellazo
Kung malabo man sa tingin ng iba yung mga bagay na ginagawa mo, wag kang gagawa ng dahilan para sumuko, Hindi uso ang salitang mahirap sa taong pursigido.
Napz Cherub Pellazo
Huwag kang matakot sumubok, lagi mong tandaan na ang pag-katalo ay silbing aral sa mga karanasan mo at dun ka natututo.
Napz Cherub Pellazo
Padumating na yung oras na sinusubok na tayo ng panahon, sana mas piliin natin ang lumaban kaysa sumuko.
Napz Cherub Pellazo
Sangkatutak na kape para simulan ang araw mo, Sabayan mo ng ngiti, eto ang tamang timpla sa nakakapagod na mundo.
Napz Cherub Pellazo
Kinilig na sana ako eh, Parang kayo, pero hindi. Parang mahal ka, tanga hindi. Friendly ka lang pala.
Napz Cherub Pellazo
Iwanan mo na ang lungkot at lumbay, Mabuhay ng masaya, at huwag sumabay sa agos ng problema.
Napz Cherub Pellazo
Tandaan palagi na kung wala sayo ang bagay na gusto mo, mas mabuting gustuhin mo ang bagay na mayroon ka, Sa ganito natin mahahanap ang tunay na saya.
Napz Cherub Pellazo
Palaging ipaalala sa iyong sarili na ikaw ay pinagpala sa maraming paraan, Huwag kalimutan magpasalamat.
Napz Cherub Pellazo
Kailan ka ba magigising sa katotohanan na yung taong pinaglalaban mo ay may pinaglalaban ng iba.
Napz Cherub Pellazo
Lahat tayo ay gustong umasenso at gumanda ang buhay pero iwasan natin manghila pababa para lang umangat, Laging tandaan na mas masarap sa pakiramdam kung wala kang tinatapakan na ibang tao, respeto sa kapwa ang lagi mong baunin tiyak na mas aasenso ka pa patungo sa gusto mong marating.
Napz Cherub Pellazo
Lahat ng pagsisikap mo ay hindi lang mapupunta sa wala, Magtiwala ka lang sa proseso at kakayahan mo, dahil yun ang hakbang patungo sa gusto mong marating.
Napz Cherub Pellazo
Madalas hindi yung lugar ang nagpapa-espesyal kundi ang mga kasama mo, Solido yung saya pag kasama kayo.
Napz Cherub Pellazo
Kung may mga pagkakamali ka man nagawa sa buhay, huwag mong sisihin ang sarili mo o isipin na ikaw ay talunan, Dahil bawat pagsubok na pinagdaanan mo dun ka nagiging matatag sa iyong landas at natuto sa mga pagkakamaling nagawa mo.
Napz Cherub Pellazo
Pick up line 101 Q: Ano ang paborito mong lomi? A: Ang LOMIgaya ka sa piling ko
Napz Cherub Pellazo
Bitawan ang nawala, asahan ang darating, magpasalamat sa kung ano ang mananatili.
Napz Cherub Pellazo
Ang simula at wakas ay magkamukha; sa bawat wakas ay may nakalaang simula.
Napz Cherub Pellazo
Karanasan ang magsilbing aral sa tinatahak mong buhay.
Napz Cherub Pellazo
Unti-unti ko ng natutunan tanggapin ang mga bagay na dati ayaw kong mawala.
Napz Cherub Pellazo
May mga bagay na alam mong walang patutungohan pero pinagpapatuloy mo pa rin kasi dun ka masaya.
Napz Cherub Pellazo
Di porke't talo ka ngayon, olats ka na habambuhay, Magtiwala ka lang sa kakayahan mo, Papabor din sayo ang panahon at pagkakataon na nakalaan para sa panalo mo.
Napz Cherub Pellazo
Mas ituon ang pansin sa mga taong nagbibigay inspirasyon sa sarili mo, kaysa sa mga taong naninira sayo. Mas Makakakuha ka ng positibong pananaw sa buhay.
Napz Cherub Pellazo
May mga umaalis man, pero mas marami ang dumarating "People come and go" ika nga nila, totoo nga naman pero Pahahalagahan ko ito, kahit na may maganda o hindi maganda kang naidulot sakin, Mananaig parin ang "Kapatawaran" at "Pagmamahal" salamat ng marami
Napz Cherub Pellazo
Ang magagandang desisyon ay nagmula sa karanasan at ang karanasan ay nagmumula sa hindi magagandang desisyon, at Sa bawat PagKakaMali natin dun naman tayo Natututo.
Napz Cherub Pellazo
Sulitin ang bawat sandali na mag kakasama pa kayo, dahil balang araw magiging kwento at alaala nalang ito.
Napz Cherub Pellazo
Stay safe ka ng stay safe..' bakit nung safe ka sakin nagstay ka ba?..'
Napz Cherub Pellazo