Ronaldo Vivo Jr. Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ronaldo Vivo Jr.. Here they are! All 14 of them:

Sabi ng demonyo, ipaubaya mo ang kapalaran sa kapangyarihang higit sa ating lahat, ang pagkakataon— na pare-pareho nating hindi hawak.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Kung kanila ’yan, hindi nila papayagang kutahan ng mga kriminal na pulis ’yan.” “Redundant ka.” “Saan?” “Kriminal na pulis.” “Emphasis.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)
[H]indi ibig sabihing hindi nakakulong ang isang tao ay mabuti na ito.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Kapag ang tao tumatanda, ay nagbabago rin ang mga katotohanang kinakapitan.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Tumatakbo siya, takbo nang takbo. Sa paa at ligalig ng isang pitong taong gulang na bata. Hinahabol ang kamusmusan sa mga bakanteng lote, eskinita, court, at lansangan. Dinadama ang hapdi ng init ng panahon sa tustadong balat. Nilalanghap ang alikabok. Nakikipagparamihan ng paltos at libag sa mga kalaro. Binabaka ang hikbi kung natutukso. Tinatawanan ang sarili kung nadadapa. Lulubugan ng araw nang nagwawala. At magigising siya, sa ulirat ng isang siyam na taong gulang na bata, gulong- gulo. Balot ng takot at pangamba ang loob ng bungo at sikmura sapagkat ang tabing na kurtina na ang nagsisilbing hudyat ng kaniyang dapit-hapon at hindi na ang mga ulap sa himpapawid.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
[H]indi dahilan ang pag-iingat ng pangalan ng isang institusyon para i-invalidate ang sumbong o kadaingan ng indibidwal na naaagrabyado.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)
Pa’no matatakot ang kaisa sa naghahasik ng takot?
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)
[T]akot kayong itaya ang sarili n’yong buhay kaya buhay ng ibang tao ang itataya n'yo.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)
[A]ng taong alam na alam ang katarantaduhang ginawa niya, anumang oras may nakahandang depensa.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)
Kinuha ni Butsok ang sigarilyong nakaipit sa kanang tainga, isinubo't nagsindi. Sa paghithit-buga, wari'y nagkahugis ang isang buntong-hininga sa anyo ng puting usok-wangis ng pagwawala, katumbas ng pagtangis.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Matagal na kaming patay. . . . [A]ng pagkamatay, di lang sa pagratay sa kabaong nasusukat, dahil kahit na walang kabaong, sugal at padasal, araw-araw kaming naglalamay dahil araw-araw din kaming namamatay.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Isang bagay siguro kung bakit napakapait para sa ’tin ang mamatayan o kahit na maisip man lang ang kamatayan, ay dahil masyado tayong maraming alaalang iniingatan, maganda man o hindi.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
[H]igit na nakagigimbal ang bangungot hábang gisíng.
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat)
Sa sobrang labnaw ng tiwala ng mga tao d'yan . . . , kapag ginawa nila ’yong trabaho nila, binibigyan sila ng award!
Ronaldo S. Vivo Jr. (Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa)