“
Datapwat ang pagmamadali ay lagi nang kakambal ng kawalang-ingat, hindi tayo makaaasang sa pagmamadali natin ay makagawa tayo nang buong husay . . . [G]agawin natin ang lahat ng paraan, mabuti man o hindi. . . . [N]alilimot na nila ang sariling budhi at ang pananagutan sa harap ng bayan. . . . Ang mabilisang pagkilos ay madaling makapagal sa isipan at di nagpapahintulot sa guniguni upang makapaglakbay nang malayo. . . . [A]ng pagmamadali upang matamo ang kadakilaan ay para na ring pagmamadali upang makarating sa huling hantungan.
—Mula sa “Bakit Tayo Nagmamadali” ni Gemiliano Pineda
”
”
Vivian L. Balaris-Tica (Mga Talumpati ng Ating Kasaysayan)