Para Sa Anak Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Para Sa Anak. Here they are! All 6 of them:

...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong
Sapagkat ang babae ay hindi isinilang para sa musika at selebrasyon ng sariling buhay; ang babae ay isinilang para maging musika ng kanyang asawa't mga anak" (p. 90 - Sixty in the City)
Lualhati Bautista
Maraming masamang epekto ang pandemya sa relasyon ng mga tao dahil sa pinairal na social distancing. Kasama na rito ang relasyon ng mga mag-asawa. Sa kaso namin, nabawasan ang aming privacy dahil bente kuwatro oras na nariyan ang mga bata. Dahil sa pagbibisikleta, napananatili pa rin namin ang intimacy - sa kalsada. Napapag-usapan namin ang mga bagay tungkol sa aming mga anak habang kami'y pumapadyak o habang nakahinto kami sa isang tabi para magpahinga. Na-improve rin ang koordinasyon naming mag-asawa; sa tinginan pa lang at hand signal, nagkakaintindihan na. Kung ang iba'y nagbibisikleta pa para makapasok, kami'y nagbibisikleta para makalabas. Kilo-kilometro ang aking nabisikleta. Sa panahon ng kalamidad, may natuklasan akong natatagong lakas. Natitiyak kong kaya ko nang mag-isandaan sa mga susunod na buwan.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
[K]ayong mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang pagpapalaki sa batá, samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg anak. Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang maasim.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)