Pangarap Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Pangarap. Here they are! All 12 of them:

Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?
Bob Ong (Si)
Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.
Lualhati Bautista
Sa alaala'y hindi mamamatay ang mga pangarap.
Andrés Cristóbal Cruz (Ang Tundo Man May Langit Din)
Habulin mo ang iyong mga pangarap.
Ana Huang (King of Pride (Kings of Sin, #2))
Matatalino ang mga taong mas maraming pangarap na hindi masisira ng realidad!
Napz Cherub Pellazo
Iba-iba, sari-sari, sa huli pare-pareho rin Shenazcasas, 28102023 Iba-ibang lenguahe, iba-iba ang pang-unawa, Iba-ibang tugtog, iba-iba ang indayog, Iba-ibang tao, iba-iba ang pakikisama, Iba-ibang sitwasyon, iba-iba ang atake, Iba-ibang problema, iba-iba ang solusyon. Sari-sari ang makakasalamuha, Sari-sari ang mararamdaman, Sari-sari ang pangarap, Sari-sari ang masusumpungan, Sari-sari ang matututunan. Pare-parehong lalang ng iisang Diyos, Pare-parehong nananahan sa iisang mundo, Pare-parehong nagpapahinga sa gabi kasama ng iisang buwan, Pare-parehong bumabangon sa iisang araw, Pare-parehong tatahak na may kanya-kanyang daan.
Sheryl Nazaret-Casas
Habulin mo ang iyong mga pangarap. Chase your dreams. Our family motto.
Ana Huang (King of Pride (Kings of Sin, #2))
Madalas itanong ng mga tao—ano ang Build, Build, Build? Ito ay isang pambuwelo, isang pagkakataong magkatotoo ang pangarap na pag-ugnayin ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Nangangahulugan ito ng pag-uugnay sa 81 lalawigan, 146 na lungsod, at 1,489 na munisipalidad ng bansa.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 80, 10 Road Trip sa Pilipinas)
Anna Mae Yu Lamentillo
Nakilala ko ang isang 4th year high school na estudyante. Tatlong buwan na lang ay magtatapos na siya. Bago ang paghagupit ng Yolanda, nag-aaral siya para sa kaniyang mga pagsusulit kasama ang kaniyang kasintahan. Pangarap nilang maglakbay nang magkasama pagkatapos ng kolehiyo. Ito ang magiging kanilang unang pagkakataon. Kailangan lang nilang maghintay ng ilang buwan. Ang hindi niya inaasahan, sa tindi ng paghagupit ng bagyo ay kinailangan niyang pumili sa pagitan ng pagliligtas sa kaniyang kasintahan at sa kaniyang isang taong gulang na pamangkin. Sa loob ng maraming buwan, pinagmamasdan niya ang mismong lugar kung saan natagpuan niya ang kaniyang kasintahang may isang pirasong yero na nakatusok sa tiyan nito. Para akong nakahinga ng maluwag nang ang isa sa mga unang proyektong sinimulan namin sa ilalim ng pamumuno ni DPWH Secretary Mark Villar ay ang Leyte Tide Embankment, ang magsisilbing unang linya ng depensa para sa mga residente ng Tacloban, Palo, at Tanauan sa Leyte kung sakaling tumamang muli ang bagyo sa rehiyon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 226, Proyektong Build, Build, Build Silangang Visayas)
Anna Mae Yu Lamentillo
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, “Isa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, ₱3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa “Golden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
Anna Mae Yu Lamentillo
Pangarap, ikaw pa rin ang kahulugan ko ng salitang ito.
RM Topacio-Aplaon (Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3))
Ang utak ang kabán ng aking mga pangarap, ang buóng aklat ng aking buhay. At doo’y nakatitik ang aking mga ligaya na inuulit-ulit kong mulíng danasin sa pangarap. At doo’y lagì kong iníingatang huwág ulíng mabuklat ang mga dahon ng aking mga kalungkutan. Mula sa Dugô at Utak ni Cornelio S. Reyes
Bienvenido L. Lumbera (Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo)