Pagod Na Ako Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Pagod Na Ako. Here they are! All 7 of them:

Simula ngayon, dalawa tayong lalaban.. kung pagod ka na, ako ang lalaban para sayo.. wag kang matatakot. Hindi kita iiwan.. kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako.
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
Nakapagtatakang nagtataka pa ang nanay at tatay ko kung bakit di ako mapirmi-pirmi sa bahay ng sino man sa kanila. Bakit nga raw ba ako palipat-lipat ng trabaho? Bakit pabago-bago ng karelasyon? At paiba-iba ng mga kaibigan? Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanila na kapag matagal-tagal ka ring naging bola sa pingpong, di mo maiiwasang makasanayan ang pagpapadito at doon, dito, doon at ang pagpapadoon, dito, doon, dito. At sandaan pang pagpapadito-dito at pagpapadoon-doon. Sa sandali namang matapos ang laro o kahit sa pagkakataong datnan lamang ng pagod ang mga manlalaro, hahayaan ka nilang gumulong-gulong sa kung saan-saang sulok, kahit pa nga iyong namumutiktik sa alikabok. Hihingal-hingal ka ngayong maghihintay sa kung sino man sa kanila ang may awa o panahon para yumukod at pumulot.
Bebang Siy (It's a Mens World)
Ilang linggo na rin siyang hindi nagsasalita o tumatayo mula sa higaan. Si Ina. Alam kong naging lubhang mabigat na para sa kanya ang mga pangyayari, lalo ang pagkawala ni Ama. Nakahiga siya noon sa kama, luhaan, at nakapatong ang dalawang kamay sa tiyan nang sabihin sa aking pagod na siya. Hindi ko ito agad naunawaan, ngunit bago pa man ako makapagtanong ay lumipad na siya sa katauhan ng daan-daang paruparo na kakulay ng karagatan. Mabilis na napuno ng mga pumapagaspas na munting pakpak ang kubo na siyang bago naming tinutuluyan mula nang kamkamin ng mga Hapon ang aming tahanan. Ngunit agad ding lumabas ng bintana ang mga bughaw na nilikha at naglaho sa kawalan.
Bob Ong (Si)
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak— landas na tinahak ng punit na talampakan, ng pusong paulit-ulit ginugupo ng unos, ng kaluluwang laging kinikiliti ng pangamba. Ang iyong mga mata’y nakamasid lamang, ngunit hindi kailanman sumilip sa kailaliman ng aking katahimikan— kung saan ang bawat ngiti’y bantay lamang sa sugat na ayaw lumantad, at ang bawat luha’y pumapatak kahit bago pa man dumampi ang liwanag ng umaga. Hindi mo batid ang mga laban na isinugal ko nang walang saksi; ang mga pangarap na nilamon ng gabi, at muling itinaguyod ng isang paghinga sa gitna ng pagkawasak. Kaya bago mo ako sukatin at husgahan, isuot mo muna ang aking pagod na hakbang, lakbayin ang dilim na minsan kong niyakap nang walang katiyakan kung may bukas pa. At saka mo sabihin kung sino ang mali, kung sino ang tama— kung sino ang marapat tawaging buo at kung sino ang marapat tawaging durog. Ito ang aking buhay— hindi maringal, hindi malinis, ngunit totoo at hindi kailanman huwad. At sa bawat paglakad, sa bawat katahimikang tila bangin, sa bawat paghinga na parang huling pagkakataon, naroon ang pasya kong magpatuloy. Dahil sa huli, ang pagpapatuloy mismo— kahit sugatan, kahit pagod, kahit wasak— ang pinakamatinding anyo ng aking tagumpay.!
Napz Cherub Pellazo
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak. Sapagkat ang mata mo’y nakamasid lamang, ngunit ang puso ko— araw-araw na sinusubok ng laban. Hindi mo batid ang mga sugat na nakatago sa likod ng aking katahimikan, ni ang mga luha na lumulubog bago pa man sumikat ang araw. Kaya’t bago mo ako hatulan, damhin mo muna ang bigat ng aking mga yapak, lakbayin ang dilim na minsan kong tinahak, at saka mo sabihin kung anong tama, at kung anong mali sa aking pagkatao. Ito ang aking buhay— hindi perpekto, hindi maringal, ngunit tunay. At sa bawat hakbang, bawat katahimikan, bawat paghinga— naroon ang pasya kong magpatuloy, kahit sugatan, kahit pagod, dahil ang pagpapatuloy mismo ang aking tagumpay.
Napz Cherub Pellazo
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak. Sapagkat ang mata mo’y nakamasid lamang, ngunit ang puso ko— araw-araw na sinusubok ng laban. Hindi mo batid ang mga sugat na nakatago sa likod ng aking katahimikan, ni ang mga luha na lumulubog bago pa man sumikat ang araw. Kaya’t bago mo ako husgahan, damhin mo muna ang bigat ng aking mga yapak, lakbayin ang dilim na minsan kong tinahak, at saka mo sabihin kung anong tama, at kung anong mali sa aking pagkatao. Ito ang aking buhay— hindi perpekto, hindi maringal, ngunit tunay. At sa bawat hakbang, bawat katahimikan, bawat paghinga— naroon ang pasya kong magpatuloy, kahit sugatan, kahit pagod, dahil ang pagpapatuloy mismo ang aking tagumpay.
napzcherub