β
Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos. (Tranquil shores are only for those who boldly oppose raging waves during storms.)
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Sabi ng nanay ko, 'yan daw totoo... di raw dapat ikahiya!"
"E kung magnanakaw ka, di mo ikakahiya?"
"Sabi ng nanay ko, kung ikakahiya mo... h'wag mong gagawin!
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Hindi achievement ang tawag ko sa gano'n. Suwertihan lang 'yong ipinanganak ka nang maganda. Ang achievement e something you work hard to attain.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Minsa'y naiisip n'ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana'y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.
β
β
Lualhati Bautista (Desaparesidos)
β
Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka-make up at lipstick. Imbis na makaganda'y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hindi mananakaw ng kahit sino; ang kalayaan niyang mag-isip.
β
β
Lualhati Bautista
β
Look what's happening around us: war, hunger, poverty, epidemics... tapos, ang iniisip natin, pagandahan? My God, Pilar; ang importante sa tao'y ang kabuuan niya bilang tao... hindi kung maganda ba ang mukha niya o makinis ba ang kanyang binti!
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.
β
β
Lualhati Bautista
β
sanay na siya sa mga damdamin nya, matagal na niya 'yong tinanggap. Na siya'y isang babae: hindi itim hindi puti, hindi masama't hindi mabuti. . basta isang babaing malaya sa kadena ng mga inhibition at pagkukunwari.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Yan daw alak at gamot at pagkaapi, nakakasanayan. Kalaunan daw, hindi ka na tatablan pa. Pero hindi totoo 'yon. Lalo na sa kaso ng pagkaapi.
β
β
Lualhati Bautista (βGAPΓ (at isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown))
β
Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi pag-aari ng iba. Kaya binigyan ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Maaring Bartolo ang apelyido ko o Cruz o Santos-- pero apelyido 'yon na minana ko lang sa tatay ko, at minana ng tatay ko sa tatay niya. Oo nga pala,bakit puro sa tatay nagmamana ng apelyido? Bakit kahit minsan, hindi sa nanay?
β
β
Lualhati Bautista
β
Ang buhay ay di nagsisimula sa pagtuntong sa sisenta. Nagsisimula ito sa bawat ngiti ng umaga.
β
β
Lualhati Bautista (Sixty in the City)
β
Hindi naagaw ng iba ang tao dahil ang tao'y hindi paari ng iba. Kaya binigyan ang bawa't tao ng sariling isip ay para magkaro'n siya ng sarili niyang pagpapasiya.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.
Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Hinahawakan s'ya ni Ding kung saan-saan. Dito, d'yan... at nai-imagine niya si Raffy na hinahawakan din si Elinor dito at diyan. Hinahalikan sa buhok, sa mata, sa bibig, sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, sa mas mababa pa sa tiyan... sa lahat ng putang'nang parte ng katawan ng putang'nang Elinor!
β
β
Lualhati Bautista
β
Sino ang may sabi na may ipinagkaiba ang damdamin ng isang sisenta'y singko sa isang disisais? Walang pinagkaiba yan, magkasingtalim lang ang damdamin niyan ng pagkabigo, magkasingdami ang luhang ititigis sa kamatayan ng kanyang pag-asa." (p. 196, Sixty in the City)
β
β
Lualhati Bautista (Sixty in the City)
β
Alam mo, maski mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi nya pinapatay ang mga kaangkinan niya. - Lea, Bata, Bata... Pa'no ka ginawa?
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Pumapasok na nga ang 1975. Sana'y isang maganda at payapa kahit di na masaganang bagong taon. Isang taon ng kaligtasan sa mga di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, raids, mass arrest, encounter, assassination, at mga pa-traidor ng kamatayan!
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Tinawag niya ang luho ng 'pangangailangan'.
β
β
Lualhati Bautista (βGAPΓ (at isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown))
β
Na minsan, ang manunulat ay hindi lang ang manunulat kundi ang tauhan din ng kanyang kwento. Ang tauhan ay ang puso't kaluluwa, ang sarili, ng isang manunulat.
β
β
Lualhati Bautista (In SisterhoodβLea at Lualhati)
β
Ang manunulat ay pinakamabisa sa kanyang pag-iisa.
β
β
Lualhati Bautista (Sonata)
β
Alam mo naman pag walang sex life ang tao, puro sex ang sinasabi!" page 74
β
β
Lualhati Bautista (Sixty in the City)
β
Oo nga naman, mahirap nga namang maging malaki. Dahil pag malaki ka na,magpasiya ka na. At merong mga bagay na totoong mahirap pagpasiyahan. - Lea
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Ang Pilipino, sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan, ay patuloy na lumilikha ng magigiting na sandali sa pagsusulong ng kanilang sariling kinabukasan.
β
β
Lualhati Bautista (Desaparesidos)
β
Sulat-kamay niya. Sulat ng grade one. Ginawa long long time ago, noong nagmamahalan pa ang isa't isa sa pamilya nila.
Ang lungkot isipin.
β
β
Lualhati Bautista (Sonata)
β
Kung sambahin kasi natin ang US products, talo pa ang pagsamba natin sa Diyos.
β
β
Lualhati Bautista (βGAPΓ (at isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown))
β
Sapagkat ang babae ay hindi isinilang para sa musika at selebrasyon ng sariling buhay; ang babae ay isinilang para maging musika ng kanyang asawa't mga anak" (p. 90 - Sixty in the City)
β
β
Lualhati Bautista
β
Niyakap ko siya nang mahigpit, kung maaari lang na ibaon ko siya sa dibdib ko. Siya na mataas pa nga sa'kin pero kailan lang ay isang sanggol na kalong ko at ipinaghehele. Higit kailanman ay ngayon ko nadarama ang mga trahedya ng maging ina. Hindi pala natatapos ang hirap at kirot sa pagsisilang ng anak, may mga sakit na libong ulit na mas masakit kaysa mga oras ng panganganak.
Bakit gano'n, hindi mo maangkin ang mga dinaramdam ng anak mo. Bakit gano'n, wala kang magawa kundi iyakan ang mga pagdurusa niya!
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Wala akong maibibigay sa kanya," malungkot na sabi ni Angela. "Wala talaga. Ang alam ko lang ay mahal ko siya. Sabi n'yo'y hindi sapat 'yon? Pero matay ko mang pag-isipan, do'n mismo nag-uumpisa ang lahat ng relasyon. Ng babae sa lalaki, halimbawa. Ng kapatid sa kapatid. Ina sa anak.
β
β
Lualhati Bautista (Bulaklak sa City Jail)
β
Dampi ng tuwalya, kumportableng higaan, mainit na sabaw. Nararamdaman kong hindi ko sa kanya ginagawa ito kundi sa aking Jules.
Makikita ko rin pala ang anak ko sa anak ng iba.
Sana, ang ginagawa kong ito'y gagawin din ng lahat ng ina sa lahat ng batang galing sa labanan. Dahil isang araw - h'wag namang mangyari pero isang araw... maaaring ang anak ko naman ang iuwing sugatan sa bahay ng iba!
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Lalakas pa ang tinig ng paghihimagsik, iigting pa ang tapang ng masang Pilipino . . . hanggang sa makamit ng
sambayanan ang tunay at ganap na Kalayaan,β pagtatapos ni Amanda.
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Ang payapang pampang ay para lamang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
...Pero bakit imbis na mamanhid ay sugatan ang pakiramdam niya sa bawa't piraso ng kanyang laman?
β
β
Lualhati Bautista (βGAPΓ (at isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown))
β
...isang kabanata lang ng buhay ang tinatapos ng bawa't ending at hindi ang kabuuan ng kasaysayan, may mga kuwentong ayaw mo nang dugtungan. May mga tauhan na ayaw mo nang kumustahin.
β
β
Lualhati Bautista (In SisterhoodβLea at Lualhati)