We've searched our database for all the quotes and captions related to Kalayaan. Here they are! All 10 of them:
“
Pero ang babae (ang tao, for that matter), talian man ang katawan o suutan ng chastity belt, ay may uri ng kalayaang hindi mananakaw ng kahit sino; ang kalayaan niyang mag-isip.
”
”
Lualhati Bautista
“
Saan ba ako pwedeng magpasya? Ang kaluluwa ko, kargo ng pari. Marka ko sa eskwelahan, nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. Yung gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng tatay ko. Yung kalayaan ko, kahit bahagya ko palang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang nagbigay ng bagong kahulugan nun, kahit hindi kami kinonsulta.
”
”
Jun Cruz Reyes
“
Walang kapayapaan dahil walang kalayaan.
”
”
Rogelio Braga (Sa Pagdating ng Barbaro At Iba Pang Mga Dula)
“
Pumapasok na nga ang 1975. Sana'y isang maganda at payapa kahit di na masaganang bagong taon. Isang taon ng kaligtasan sa mga di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, raids, mass arrest, encounter, assassination, at mga pa-traidor ng kamatayan!
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
... sa isip nagmumula ang kalayaan ng isang tao. Ang lahat ng nais mong magawa, masabi, at marating ay kasinglawak lamang ng kaya mong isipin. Sa isip ay walang mananakop na hindi mo pinahintulutan o pang-aabuso na hindi mo ginawa.
”
”
Bob Ong (Si)
“
[D]alawa ang maituturing na pangkalahatang layunin sa pagsasalin: Imitasyon o panggagaya ang tawag ko sa gawaing sumasaklaw sa paghahanap ng katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda . . . Reproduksiyon o muling-pagbuo ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maaari itong mangahulugan ng pagsasapanahon. Sa gayon, maaari itong umabot sa paglalapat ng wikang higit na naiintindihan ng mambabasá ng salin. Maaari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal túngo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla.
”
”
Virgilio S. Almario (Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahín para sa Baguhan)
“
Lalakas pa ang tinig ng paghihimagsik, iigting pa ang tapang ng masang Pilipino . . . hanggang sa makamit ng
sambayanan ang tunay at ganap na Kalayaan,” pagtatapos ni Amanda.
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Mahirap man ay kailangang gawin ang pagtuturo upang maunawaan ng mga nag-aaral ang kahalagahan ng iba’t ibang bagay . . . At upang mapangalagaan ang kalayaan at katarungan.
”
”
Andrés Cristóbal Cruz (Ang Tundo Man May Langit Din)
“
Laro ang lahat sa buhay ng tao. Laro ng ako at hindi ako, pagtatalaban ng kapalaran at tadhana, ng kalayaan at pagkatakda, at ng kasalukuyan, hinaharap at nakaraan. Upang maisatupad niya ang dapat, ang kaniyang katalagahan sa larong ito, kailangan ng tao ng tunay na kakayahang unawain ang nagpepresensiya nang tapat sa pagdirito nito.
”
”
Agustin Martin G. Rodriguez (May Laro ang Diskurso ng Katarungan)
“
[A]ng kahirapan ang kalagayan ng pagkabinawian ng kakayahang maging malaya’t malikhain ng isang indibidwal o uri. . . . Hindi lang sila mahirap dahil nagkukulang ang kanilang kita. Mahirap sila dahil binawian sila ng kakayahang makibahagi sa mundo ayon sa kanilang kalayaan at malikhaing kakayahan.
”
”
Agustin Martin G. Rodriguez (May Laro ang Diskurso ng Katarungan)