“
May isáng matandáng salitáng hindî na gamit at maanong kilalâ man lamang ngayón, nguni’t nakapagpapáhayag din ng pagpapasalamat na may diwang wari’y pakutyâ o paaglahì. Ang tinurang salitâ ay nangháw, na ang halimbawang n asatalatinigan ay:
Nangháw, at namatáy ang kaaway ko (salamat o mabuti at namatay . . .)
Sa kahulugáng pasaliwâ ng salamat, álalaóng bagá’y di-marunong magpasalamat o tumanáw ng utang na loób, ang karaniwang ginagamit ay mga pariralang waláng turing, waláng utang na loób, o kaya’y ang mga salitáng lanuwáng, busóng; nguni’t ang mga parirala’t salitáng itó’y malamáng na mga pang-urì kaysá pang-abay.
”
”
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)