“
Kung binabasa mo ito at bahagi ka ng Build, Build, Build Team, ako na mismo ang magsasabi sayo—kung wala ka, hindi tayo makagagawa ng 29,264 kilometrong kalsada, 5,950 na mga tulay, 11,340 na mga estrukturang pang-iwas ng baha, 222 evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 214 na mga paliparan, at 451 na mga daungan. Ang Pilipinas ay nasa mas magandang katayuan ngayon dahil sa inyong husay, trabaho, at sakripisyo.
Kung hindi dahil sa tulong ninyo sa pagtatayo ng Pigalo Bridge, ang mga magsasaka sa Isabela na gustong dalhin ang kanilang mga produktong pang-agrikultura sa Maynila o Tuguegarao, ay kailangan pang tahakin ang 76-kilometrong Alicia-Angadanan-San Guillermo-Naguilian Road. Ngayon, naaabot na ng mga magsasaka ang parehong pamilihan sa loob lamang ng sampung minuto.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 1, Sa 6.5 Milyong Kasapi ng Build, Build, Build Team)
”
”