Ikaw Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ikaw. Here they are! All 40 of them:

Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Walkout kapag alam mong sinasaktan ka na at wala nang patutunguhan ang relasyon niyo. Walkout kapag ikaw na lang ang laban ng laban. Walkout kapag mukha ka nang tanga.
Marcelo Santos III (Para sa Broken Hearted)
Athena." "Kenji yah, mi an hae (sorry)." "Algettso (I understand). Bogoshipda (I miss you)." "Na do (me too)." "Yun lang alam ko, hehe. Hindi na ako makapag construct ng sentence sa Korean. Gawa mo?" "Wala naka higa lang. Ikaw?" "Eto.. iniisip ka. Lumilipad yung kukote ko papunta sayo.
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng simbahan sa buong mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kahit san ka magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, Athena. I love you, I love you, I love you.. UhnJaeNa, YongWonHee.
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong
Bob Ong
What do you want, Alvaro? - Kristine Ikaw. Marry me. - Alvaro
Martha Cecilia (Kristine Series 11: Wild Rose)
Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
Ba’t hindi ikaw? I damn love you, Coreen. Hindi ko kaya. How many times do I have to tell you that? Namulat na lang ako na mahal kita at hindi iyon tulad sa pag ibig mo kay Noah na biglaan na lang naglalaho.
Jonaxx (Heartless)
Basta ikaw,” I use his words now and translate, “as long as it’s with you, because it’s you.
Krista Ritchie (Charming Like Us (Like Us, #7))
Hindi masama ang dumayo sa banyagang lupalop upang paunlarin ang sarili. Pero kung ikaw e maunlad na'y dapat bumalik sa pinagmulan at du'n gamitin ang kaunlaran. Walang lupang dayuhan na maaari mong ipalit sa 'yong sinilangan.
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
Mag-sorry kung ikaw ang may kasalanan. Kung hindi naman, ikaw ang unang mag-reach out. I-tae sa kubeta ang lecheng pride. Kung simpleng away lang naman, kabobohan ang patagalin o palalain pa ito. Tandaan, walang perpektong relasyon. Pero ang "pagbabati" mula sa isang away, ang isa sa pinakamatamis na bahagi nito.
Jayson G. Benedicto
Bakit ba sa mga hindi inaasahang oras ay ikaw ang kasama ko? Ikaw `yong nandiyan? Bakit ba parati na lang nagkatatagpo ang mga landas natin?
Maxinejiji (He’s Into Her Season 2 Book 1)
People are like stars in the Milky Way. There are millions of them. There are big, small, dead, and dying stars out there. Hindi ikaw ang nag-iisang bituin d'yan sa langit, kaya hindi sa'yo umiikot ang mundo. Puweding makinang ka ngayon, pero asahan mong parating may darating na mas makinang pa sa'yo. Malaki ang posibilidad na mawala sa'yo ang atensiyon ng iba, pero tandaan mo ang isang bagay. "Whatever happens, you're still a star. There will still be people looking at you, admiring your beauty, and wishing for great things to happen to them with your help. You can't let them down, so you have to continue shining for them. You have to show them directions. That's what stars are for.
Luna King (Supernova)
Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw 'yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.
Bob Ong
Kahit na anong talino mo pero ikaw ay tamad wala rin mangyayari sayo.
Napz Cherub Pellazo
Kung ikaw, Blesilda, ano ang pipiliin mo: ang bagsakan ka ng bomba sa loob ng masjid sa Buliok o bigyan ka ng masigabong palakpakan ng mga Filipino?
Rogelio Braga (Colon)
Ganito pala ang ibig nilang sabihin ng bigat ng pagkawalay kumpara sa paghihiwalay. Sa paghihiwalay, wala ka nang inaasahan pang babalik o babalikan kaya madaling magpatuloy; sa pagkawalay, sinusukat mo pa ang mga paglalakbay ninyo ikaw, kung gaano ka na kalayo sa pinaggalingan mo, at siya kung gaano na siya kalapit sa patutunguhan niya. Ang tagpuan ninyong dalawa sa paglalakbay na ito ay ang walang katapusan at nakakaiinip na paghihintay. Marami raw namamaty sa bagot ng paghihintay. Natawa ako sa aking sarili.
Rogelio Braga (Colon)
Kung dumating man ang panahong hindi ka na rin nakakapagsalita o nakakakilos, kung dumating man ang araw na hindi mo na 'ko kilala. Kahit mawala man lahat sa'yo, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko.
Felipe Nas (The 100th Guy Who Passed By Her)
Pero isang malaking tulong sa faith at prayer ang ma-realize na kapag walang paggabay mula sa langit kapag gumagawa ng desisyon, hindi ito nangangahulugan na ang Diyos o ikaw ay nabigo. Kadalasan, kabaligtaran ito - alam ng Diyos na mas lalago ka sa paggawa ng desisyon kaysa sa pagtanggap lang ng memo mula sa langit.
John Ortberg (What Is God's Will for My Life?)
Kung ikaw ay bahagi ng Build, Build, Build sa anumang paraan, maging matatag. Ang katotohanan ay hindi magbabago ng dahil sa mga ipinakakalat na alternatibong katotohanan. Huwag kayong masiraan ng loob. Marami pa tayong kailangang gawin. Habang nakompleto na natin ang 29,264 kilometrong kalsada, patuloy pa rin ang 15,134 kilometro. Habang nakagawa na tayo ng 5,950 tulay, mayroon pa tayong 1,859 na tulay na itatayo.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 238, Proyektong Build, Build, Build Tangway ng Zamboanga)
Anna Mae Yu Lamentillo
Ang pag-ibig ay pagpili sa taong mahal mo araw-araw, kahit na ikaw ay dismayado at nabigo, kahit na ang mas madaling opsiyon ay ang bumitiw na lang.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 327, Isang Mahalagang Aral mula sa Aking Ama)
Anna Mae Yu Lamentillo
Ngunit bakit hindi mo mapagaling Sugat ng dibdib kong ikaw ang nagtanim? (Soneto Sa Isang Ginoo, 1987)
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
Ang katumbás sa katuturán ng katá ay akó at ikáw, ang katumbás ng kitá ay ikaw ay aking, o ko ikáw, at ang sa kanitá ay akin at iyó, magkasama o pisán.
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)
Bugtong kang muling kumatok: Hanap ngayo'y tamang sagot (Ikaw, 1987)
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
Pangarap, ikaw pa rin ang kahulugan ko ng salitang ito.
RM Topacio-Aplaon (Lila Ang Kulay ng Pamamaalam (Imus Novel 3))
Ang pag-ibig ay tila isa ring pananakop at ang mangingibig, isang dakilang mananakop; nais mo ng kasagutan at katubusan sa sarili mong pag-iisa, sa sarili mong kahinaan, sa mga katanungang hindi matapus-tapos ni matukoy sa simula. Ang trahedya ng pag-ibig ay kung sakaling makamtan mo na ang iniibig, hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo sa kanya na nasa iyong mga kamay, at ayaw mo naman siyang pakawalan dahil hindi mo na makita ang pagkakaiba ng lumaya at umibig. Inaakala mo na kasi na ikaw at siya ay iisa, tinanggap mo na nang walang pagdududa na siya na ang iyong kahinaan o pinagmumulan ng lakas at ikaw ang kanyang kahinaan at pinagmumulan din ng lakas. At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
Rogelio Braga (Colon)
At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
Rogelio Braga (Colon)
At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga palad—at ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
Rogelio Braga (Colon)
Kahit ano pang sabihin mo, nandito pa rin ako para sayo. Kahit na di ka naniniwala na gagawin ko lahat para sayo, ok lang. Kahit na sabihin mong natatakot kang baka di ko kayang maghintay at baka nahihirapan na ako, ok lang. Pero alam mo madali lang namang maghintay e, ang higit na kinakatakot ko ay ang mawala ka sa buhay ko. · Kamusta ka na? Balita ko wala na kayo? Balita ko malungkot at masamang-masama ang loob mo? Ang sakit diba? Pero buti nga sayo! E di naramdaman mo rin ang naramdaman ko nung ako ang iniwan mo. · Balita ko mahal mo pa sha? Totoo ba? Ouch! Sensha ka na ha? Mahal kasi kita. Pero kapag ayaw na niya sayo, nandito lang ako. Kahit panakip-butas lang, ok na. Kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw.
LuckyGirl12
Kapag alam mo na kung kailan ka mamamatay, makakapaghanda ka,” sabi ko. “Gagawin mo na lahat ng gusto mong gawin.” Tumawa si Raya nang malakas. “Dante, kung ikaw ’yong tipo ng tao na kailangan muna ng mga ganyan bago gawin ang gusto mong gawin, hindi kamatayan ang problema mo.
Macky Cruz (Hoy, Pong!)
Kapag tahimik ang isip ko at pinagmamasdan kita, tinitimbang kung gaano kita kamahal, kung gaano kalaki ang bahagi mo sa puso ko, hindi ako makahinga. Dahil ikaw ang aking mundo, ang aking kalawakan. Hindi ko alam kung ako ay mabuting nanay. Maagang pumanaw ang ina ko... Bagama't wala siya para magturo sa akin kung paano ang pag-aaruga sa iyo, marami naman ang nagpakita sa akin kung paano magmahal. Pagmamahal na ipinadama sa akin sa iba't-ibang paraan. Ang pagmamahal na ito ay baon ko araw-araw. Sana maipadama ko ito sa iyo sa bawat minuto ng iyong buhay.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
Kung may mga pagkakamali ka man nagawa sa buhay, huwag mong sisihin ang sarili mo o isipin na ikaw ay talunan, Dahil bawat pagsubok na pinagdaanan mo dun ka nagiging matatag sa iyong landas at natuto sa mga pagkakamaling nagawa mo.
Napz Cherub Pellazo
Sabi Spinoza ikaw parang sisig, Sizzling lang sa umpisa. Kung isang init lang: pag-ibig! Order na lang sana pizza.
Paolo Manalo (Jolography Retconned: Poems)
GANUN TALAGA" DI KITA NIYAKAP, AKALA KO’Y MAGIGING OKAY KA DI KITA KINAUSAP, AKALA KO’Y LALABAN KA LUHA KO’Y UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILA’Y WALA KANA NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA. SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT? BAKIT SA AMIN, SA AKI’Y NINAKAW KA’T PINAGKAIT? DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT DIBDIB KO’Y GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT. NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN OO NA, PERO BAKIT KA’Y BILIS NAMAN? PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT? SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI HABILIN MO’Y NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
Venancio Mary Ann
Palaging ipaalala sa iyong sarili na ikaw ay pinagpala sa maraming paraan, Huwag kalimutan magpasalamat.
Napz Cherub Pellazo
Ang buhay ay laging paghahanap sa mga wala. Marahil, talagang di ibinibigay nang buong-buo ang mga ito sa atin. Minsan pakonti-konti, minsan papira-piraso. Madalas ay di natin napapansing matagal na palang nasa atin ang mga hinahanap natin. Minsan naman, talagang hinding-hindi na ibinibigay ang ating hinahanap upang patuloy tayong mabuhay nang may pag-asa at pagsisikap. Sabi nga, kapag umayaw o bumitaw ka sa paghahanap ng iyong gustong makita, ikaw ang talo!
Genaro R. Gojo Cruz (Connect the Dots o Kung Paano Ko Kinulayan ang Aking Buhay)
Mahal na mahal talaga kita," sabi niya. "Kung hindi ikaw, salamat nalang sa lahat.
Beeyotch (Control The Game (Game Series, #4))
Utang sa matalinong pag-aaral ng gurong Lope K. Santos ang pagbabalak na ipalit ang salitâng “kakana” sa salitâng “cuento.” . . . Ang salitâng kakana ay siyang kahulugan sa Tagalog ng salitâng cuento sa wikang Kastila ayon sa talatingigan nina Padre Noceda at San Lucar. . . . Ang kakana ay isang salitâng panlansangan noong araw. . . . ‘Ako naman ang kakana ngayon!...” o kayâ’y ‘Ikaw naman ang kumana...” . . . Samakatwid, ang kakana ay isang galaw ng bibig, bigkas, . . . paglalahad ng búhay o bahagi ng isang búhay na di isinusulat. —Mula sa Ang Maikling Kathang Tagalog ni Fausto J. Galauran, páhiná 137
Fausto J. Galauran (Mga Lektura sa Kasaysayan ng Panitikan)
Are you speaking to an older man or woman? Then use the second person plural — kayó, inyó, or ninyó. You are branded disrespectful and impolite if you use the second person singular: ka, mo, or ikaw. —Part I Pre-Colonial Philippines, The Setting, page 7
Teodoro A. Agoncillo (History of the Filipino People)