β
GANUN TALAGA"
DI KITA NIYAKAP, AKALA KOβY MAGIGING OKAY KA
DI KITA KINAUSAP, AKALA KOβY LALABAN KA
LUHA KOβY UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILAβY WALA KANA
NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA.
SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT?
BAKIT SA AMIN, SA AKIβY NINAKAW KAβT PINAGKAIT?
DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT
DIBDIB KOβY GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT.
NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN
NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN
ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN
OO NA, PERO BAKIT KAβY BILIS NAMAN?
PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT
IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT
UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT
SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT?
SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI
TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI
HABILIN MOβY NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI
MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
β
β