Ikaw Ang Mundo Ko Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ikaw Ang Mundo Ko. Here they are! All 3 of them:

I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng simbahan sa buong mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kahit san ka magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, Athena. I love you, I love you, I love you.. UhnJaeNa, YongWonHee.
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw 'yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.
Bob Ong
Kapag tahimik ang isip ko at pinagmamasdan kita, tinitimbang kung gaano kita kamahal, kung gaano kalaki ang bahagi mo sa puso ko, hindi ako makahinga. Dahil ikaw ang aking mundo, ang aking kalawakan. Hindi ko alam kung ako ay mabuting nanay. Maagang pumanaw ang ina ko... Bagama't wala siya para magturo sa akin kung paano ang pag-aaruga sa iyo, marami naman ang nagpakita sa akin kung paano magmahal. Pagmamahal na ipinadama sa akin sa iba't-ibang paraan. Ang pagmamahal na ito ay baon ko araw-araw. Sana maipadama ko ito sa iyo sa bawat minuto ng iyong buhay.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)