β
Kumikirot ang tyan? Kumikirot ang ulo? Correlation? I therefore conclude na ang utak ay parang tyan, sumasakit kapag walang laman.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Meron bang taong walang itsura? Anu yun, abstract?
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Hindi lahat ng tama, totoo.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Mabuti na nga siguro yung ganito, na papaniwalain ko sya na hindi ko sya mahal at baka sakali, sa ganitong pamamaraan ay minamahal nya ako.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Pukang ama talaga, sa karami-ramihan ng pwedeng siksikan nya, bakit sa isip pa.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Mas sumaya nga lang nang dumating sya. Pero bakit nung umalis sya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa sya dumating?
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Tapusin ang dapat tapusin nang may masimulan namang bago.
β
β
Eros S. Atalia
β
Bakit kahit simpleng pagmamahal ay kinakailangan ng materyal na kapital?
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Hindi naman porkeβt may hiwa at dyoga ay okay na. Titigas na. Hindi naman DPWH ang kargada ko na βBasta may lubak, tambak. Basta may butas, pasak.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Kaya nga sa fairy tale, lagi na lang sinasabing 'and they live happily ever after' kasi hindi maikwento ano talaga ang naging ending. Nung magpakasal ang prinsesang maganda sa isinumpang prinsipe na naging palaka na bumalik uli sa pagiging gwapo ng prinsipe(matapos mahalikan), hindi pa naman ending yun. Kalagitnaan pa lang ng buhay nila yun. Ilan ang anak nila? Nanganak kaya ang prinsesa ng butete? Ano ang nangyari sa kanila nung tumanda sila? Sino ang unang namatay? kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
E, kung lahat kami, special... Sino pa ang hindi special? Kaya nga special , hindi pangkaraniwan. Kakaiba. Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special? Para maging special, dapat may egg, may dalawang scoop ng ice cream, may ube't leche plan.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
...ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga. Ngayon ako humihinga. Ngayon ako dapat mabuhay.
β
β
Eros S. Atalia
β
Alam ko, may mas malaki pang mundo na naghihintay kong magalugad, madaanan, matapakan o masulyapan man lang. Pupunta rin ako dyan. Hinay-hinay lang. Dayuhan pa ako sa sarili kong mundo. Parang alien.
β
β
Eros S. Atalia
β
Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Kung pareparehas kaming special, sino pa ang special?
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Kung magkikita uli kami, bahala na uli si Batman. Ayokong paghandaan ang malayo sa katotohanan.
β
β
Eros S. Atalia
β
Wala pa akong nakikitang aso na nagpapakitang-aso. Pero maraming taong nagkukunwaring tao.
β
β
Eros S. Atalia
β
Maaari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Kahit nga ang buhay sa mundo, matapos di umano ang katapusan ng mundo, magsisimula uli ang tao sa bagong paraiso. Wala pa ring closure.
β
β
Eros S. Atalia
β
Kaugnay nito, tao lang yata ang may insecurities at ayaw nilang makitang may mas mahusay sa kanila. Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung-bulungan o parinigan, upakan at banatan na agad.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Marami sana akong dapat maging requirement sa babaeng pwedeng ipalit kay Jen. Kaso nagising na ako sa katotohanan, na sa itsura ko at sa laman ng bulsa ko9, pahirapang makukuha ang lahat ng gusto ko.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong).
β
β
Eros S. Atalia
β
Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Siguro kaya naimbento ang salitaβt konseptong closure ay para sa mga tinatamad malaman ang magiging wakas. Yung mga atat na atat malaman ang ending. Yung mga naburyong na sa pagkainip sa dapat kahinatnan. Kesa nga naman maghintay sa pagkahaba-habaβt pagkatagal-tagal ng ending, mabuti pang putulin nalang.
β
β
Eros S. Atalia
β
Kung sana nga, naging ingrown na lang ng kuko ang pagmamahal na ito at kahit isa-isahin ko ang manikurista sa buong Pinas, matanggal lang ang lintek na pag-ibig na ito.
β
β
Eros Atalia Ligo na U Lapit na Me
β
Kung ang paglilibang ay gamot na pampalimot, paniguradong maraming taong sasama ang loob na kalimutan na lang ang kagustuhang makalimot dahil sa mahal ang makalimot.
β
β
Eros S. Atalia
β
Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makitaβt makausap si Jen. At kapag nangyari βyun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahayβ¦ Pukang amaβ¦ Hindi ko na sya pakakawalan.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Sabi ko noon, pag nagkita kami, marami akong itatanong at sasabihin. Pero ngayon, magkasama kami, ito lang ang mahalaga. Saka na halungkatin ang nakaraan. Saka na pagusapan ang hinaharap. Kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin at kalimutan, ang hinaharap ay para tanawin at pangarapin.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina.
β
β
Eros S. Atalia
β
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya.
Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya?
Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo, kesa mamatay sa kakaiwas ng ayaw mo
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
Dati naman akong masaya bago pa siya dumating. Mas sumaya nga lang nung dumating siya. Pero bakit nung umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko siya sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago siya dumating, pwede rin akong maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
kow... kakaway-kaway at ipapangako ang ipinangako ng tatay niya, ng kapatid niya, ng anak niya, ng asawa niya, at ng lolo niya, putang ina nilang lahat.
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
...may nakikibaka sa lansangan, nakikipagbarilan sa kabundukan at may nakikipagdebatehan sa tanghalan.
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
Tang na, may nalalaman pa kayong 'find your own voice', pero gusto nyo maging echo nyo kami.
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
Mega-national defense ang beauty ko sa korona
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
Babalik ka sa Magapok, dahil sa iyo, makikilala ang lugar na ito.
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
...matutulungan po nating mamulat at mag-isip ang masa kahit paano. Na hindi totoong ang kausap lang ng matalino ay kapwa matalino.
β
β
Eros S. Atalia (Tatlong Gabi, Tatlong Araw)
β
Sa buhay na ito, minsan kailangang mamili kahit parang walang mapagpilian, at minsan kailangang mamili kahit sa anuman ang piliin, talo ka pa rin.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)