Duwag Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Duwag. Here they are! All 4 of them:

Maraming mundo ang bawat tao. Gagawin mo iyon kung wala kang makapa. Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala. Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng mga matatapang para makagawa ng iba.
Edgar Calabia Samar (Walong Diwata ng Pagkahulog)
Kumpleto nga kayo, saksakan naman ng duwag! May lakas nga kayo, di niyo naman ginagamit!
Russell Molina (Sixty Six: Chapter 3 (Sixty Six, #3))
[P]aborito ko ang . . . masaalla (salawikain) ng mga Tausug: Gam muti' in bukug Ayaw in tikudtikud. “Mas mabuti pang pumuti ang butó kaysa pumuti ang sákong." Ang ibig sabihin, mainam pang mamatay (pumuti ang butó) kaysa maging duwag na tumakbo sa labanan (pumuti ang sákong).
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)
[A]ko’y hindi matapang . . .[A]yoko lámang maging duwag.
Macario Pineda (Halina sa Ating Bukas)