We've searched our database for all the quotes and captions related to Dekada 70. Here they are! All 7 of them:
“
Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos. (Tranquil shores are only for those who boldly oppose raging waves during storms.)
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Pumapasok na nga ang 1975. Sana'y isang maganda at payapa kahit di na masaganang bagong taon. Isang taon ng kaligtasan sa mga di-pagkakaunawaan, sakit, aksidente, raids, mass arrest, encounter, assassination, at mga pa-traidor ng kamatayan!
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Niyakap ko siya nang mahigpit, kung maaari lang na ibaon ko siya sa dibdib ko. Siya na mataas pa nga sa'kin pero kailan lang ay isang sanggol na kalong ko at ipinaghehele. Higit kailanman ay ngayon ko nadarama ang mga trahedya ng maging ina. Hindi pala natatapos ang hirap at kirot sa pagsisilang ng anak, may mga sakit na libong ulit na mas masakit kaysa mga oras ng panganganak.
Bakit gano'n, hindi mo maangkin ang mga dinaramdam ng anak mo. Bakit gano'n, wala kang magawa kundi iyakan ang mga pagdurusa niya!
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Dampi ng tuwalya, kumportableng higaan, mainit na sabaw. Nararamdaman kong hindi ko sa kanya ginagawa ito kundi sa aking Jules.
Makikita ko rin pala ang anak ko sa anak ng iba.
Sana, ang ginagawa kong ito'y gagawin din ng lahat ng ina sa lahat ng batang galing sa labanan. Dahil isang araw - h'wag namang mangyari pero isang araw... maaaring ang anak ko naman ang iuwing sugatan sa bahay ng iba!
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Lalakas pa ang tinig ng paghihimagsik, iigting pa ang tapang ng masang Pilipino . . . hanggang sa makamit ng
sambayanan ang tunay at ganap na Kalayaan,” pagtatapos ni Amanda.
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
“
Ang payapang pampang ay para lamang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))