“
Noong nagsimula ang paggawa ng Skyway Stage 3, ako ay freshman sa law school. Halos araw-araw ay dumaraan ako sa ginagawang kalsada na kapag kompleto na ay mababawasan ang oras ng biyahe mula NLEX papuntang SLEX, mula sa dating 2.5 na oras, magiging 30 minuto na lang. Nagtatrabaho pa ako noon para sa United Nations at ang opisina namin ay nasa RCBC Plaza sa Ayala Avenue. Maraming beses kong hiniling na matapos agad ang paggawa. Ang pangakong mas maikling biyahe mula Makati papuntang QC ay magbibigay sa akin ng dagdag na oras para mag-aral, kumain, o matulog. Hindi ko batid na magiging parte ako ng proyektong iyon pagkalipas ng dalawang taon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 116, Mga Kritikal na Repormang Right-of-Way sa Pagkompleto ng Skyway Stage 3)
”
”