Bagyo Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Bagyo. Here they are! All 3 of them:

Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
Nakilala ko ang isang 4th year high school na estudyante. Tatlong buwan na lang ay magtatapos na siya. Bago ang paghagupit ng Yolanda, nag-aaral siya para sa kaniyang mga pagsusulit kasama ang kaniyang kasintahan. Pangarap nilang maglakbay nang magkasama pagkatapos ng kolehiyo. Ito ang magiging kanilang unang pagkakataon. Kailangan lang nilang maghintay ng ilang buwan. Ang hindi niya inaasahan, sa tindi ng paghagupit ng bagyo ay kinailangan niyang pumili sa pagitan ng pagliligtas sa kaniyang kasintahan at sa kaniyang isang taong gulang na pamangkin. Sa loob ng maraming buwan, pinagmamasdan niya ang mismong lugar kung saan natagpuan niya ang kaniyang kasintahang may isang pirasong yero na nakatusok sa tiyan nito. Para akong nakahinga ng maluwag nang ang isa sa mga unang proyektong sinimulan namin sa ilalim ng pamumuno ni DPWH Secretary Mark Villar ay ang Leyte Tide Embankment, ang magsisilbing unang linya ng depensa para sa mga residente ng Tacloban, Palo, at Tanauan sa Leyte kung sakaling tumamang muli ang bagyo sa rehiyon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 226, Proyektong Build, Build, Build Silangang Visayas)
Anna Mae Yu Lamentillo
hindi naman talaga mahirap ang buhay kahit may dumaang bagyo... hindi mo naman kasi kailangan magpakalunod dito eh... pwede ka sumilong o magsuot ng rain coat.
Paul Ian Guillermo