Ako Lang To Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ako Lang To. Here they are! All 59 of them:

β€œ
Simula ngayon, dalawa tayong lalaban.. kung pagod ka na, ako ang lalaban para sayo.. wag kang matatakot. Hindi kita iiwan.. kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga β€˜to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon…
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
Ok lang ako.. Hinde madaling kalimutan ka.. wag kang mag alala.. sususbukan ko.. gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang makalimutan kita..
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Kenji, okay lang ba kung makalin kita? 'I love you', gusto kong sabihin sayo pero natatakot ako. Hindi ko alam kung saan ako natatakot. Pag sinabi ko bang 'I love you', sasabihin mo rin ng 'I love you too'. Sigh.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Mag-date tayo. Hinde ko mapropromise na hinde kita masasaktan pero susubukan kong hinde. Kilala mo naman ako eh.. Hinde ako sweet na tao. Kaya nga binansagan mo akong GANGSTER eh, dahil sa ugali ko. Let’s date again.. Wala ng deal.. Date lang naman eh.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Athena." "Kenji yah, mi an hae (sorry)." "Algettso (I understand). Bogoshipda (I miss you)." "Na do (me too)." "Yun lang alam ko, hehe. Hindi na ako makapag construct ng sentence sa Korean. Gawa mo?" "Wala naka higa lang. Ikaw?" "Eto.. iniisip ka. Lumilipad yung kukote ko papunta sayo.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Mas sumaya nga lang nang dumating sya. Pero bakit nung umalis sya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa sya dumating?
”
”
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β€œ
kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
”
”
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β€œ
Lumala ang late, dumami ang absences. β€˜Yan ang katangian ng 2 sem ko. Pero noong panahon na β€˜yon hindi ko pa rin alam kung ano na nangyayari sa pag-aaral ko. May isang bagsak na subject, pero ayos lang. Kumbaga sa action film e, nadaplisan lang ako ng bala sa braso. Walang problema.
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya." "Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat." PERO "Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.
”
”
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β€œ
I.. I.. I love you." "Ano ka ba. Bakit ba masyado kang nagiging seryoso? Okay ka lang ba?" "Because I am serious. Seryoso ako sa mga sinabi ko.. sa nafifeel ko. I love you Kenji." "Yung binitawan mong salita, parang katumbas sa pag sabing hindi ka na makahinga. Alam mo ba yun? Sige na umuwi ka na. Goodnight." "You know what? Fine. Just forget everything that I have said. It meant nothing naman diba, kasi I was too serious. Sorry for feeling this way. Goodnight." "Athena.. Athena wait... I.. I.. I can't breathe.
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Alam ko, may mas malaki pang mundo na naghihintay kong magalugad, madaanan, matapakan o masulyapan man lang. Pupunta rin ako dyan. Hinay-hinay lang. Dayuhan pa ako sa sarili kong mundo. Parang alien.
”
”
Eros S. Atalia
β€œ
Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β€œ
Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β€œ
I’ll wait for you.. I can do that, right? hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakaintay sayo.. hanggang sa mapagod ako.. hanggang sa mawalan na ako ng lakas kakaintay sayo..” β€œWag na Athena.. please. Wag mo na akong intayin..” β€œPero gusto ko.. Hayaan mo na lang akong mag hintay kahit na alam kong wala na akong iniintay pa. Tama na, please.. Wag mo na akong intayin.. yun na lang hinihiling ko..” he sighed while I cried. β€œWag ka namang umiyak oh.. please.. β€œBakit hinde ako iiyak? Eh mawawala ka na sakin..” β€œHinde naman ako mawawala eh.. β€œMagkatabi naman tayo sa classroom diba? Magkakasama rin naman tayo.. Magkaibigan pa rin tayo..” naiyak ako lalo sa huling sinabi niya.. β€œI love you.. I’m sorry Athena.. Bye..
”
”
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β€œ
Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β€œ
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya. Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya? Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β€œ
Magiging selfish ba ako kung sasabihin kong... gusto kong akin ka lang?
”
”
Maxinejiji (He's Into Her Season 2 Book 8)
β€œ
Ba’t hindi ikaw? I damn love you, Coreen. Hindi ko kaya. How many times do I have to tell you that? Namulat na lang ako na mahal kita at hindi iyon tulad sa pag ibig mo kay Noah na biglaan na lang naglalaho.
”
”
Jonaxx (Heartless)
β€œ
Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina.
”
”
Eros S. Atalia
β€œ
Ipinangako ko sa sarili ko: tulad ng butil ng palay, hindi ako mapupunta sa batuhan o hihipan lang ng hangin. Mapupunla ako sa mayamang bukirin.
”
”
Rene O. Villanueva (Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita)
β€œ
Ang mga sagot ngayo'y baon-baon mo na sa kung saan ka man papunta. Sa paglisan mo ngayon, hindi ka na talaga babalik. Babalik ka man sa aking isip, nakaapak pa rin ako sa lupa kung saan bawat buhos ng ulan ay magsisimula akong mangarap muli. Ako na lang, mag-isa.
”
”
Don Vittorio C. Villasin
β€œ
Ayokong mahalin mo ako dahil lang alam mong mahal kita. Gusto kong mahalin mo ako dahil iyon talaga ang nararamdaman mo.
”
”
Maan Beltran (My Love, My Sunrise)
β€œ
Dati naman akong masaya bago pa siya dumating. Mas sumaya nga lang nung dumating siya. Pero bakit nung umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko siya sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago siya dumating, pwede rin akong maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β€œ
Kung mamamatay man ako dahil sa ginagawa ko, masasabi kong kahit paano, naging makabuluhan pala 'yung buhay ko sa mundo. Na kahit sa pamamagitan lang ng mga motivational messages na ipinopost ko sa Facebook page ko, nakakatulong ako sa mga tao. Siguro, 'yun 'yung purpose ko.
”
”
Marcelo Santos III (Mahal Mo Siya, Mahal Ka Ba?)
β€œ
Madalas ipangako iyon--kapag nagsesentimyento, o nagpapakaromantiko lang--walang makapapalit sa 'yo, o--wala ako kung wala ka. 'Langhiyang pagsesenti sa wala. O dahil iyon lang naman kasi talaga ang puwedeng pagsentihan--ang wala, ang wala na, ang wala pa, ang wala naman talaga.
”
”
Edgar Calabia Samar (Sa Kasunod ng 909)
β€œ
Para sa akin, basta manliligaw, malinis ang hangarin. Bakit ka ba liligawan ng lalaki kung meron siyang masamang balak? Kung katawan ko lang ang habol, madadaan naman sa simpleng usapan β€˜yun.
”
”
Carlo Vergara (Kung Paano Ako Naging Leading Lady)
β€œ
Hindi lahat ng bagay na nakahain sa harap mo ay dapat mong kainin. Mas lalo na kung kasalukuyan ka nang ngumunguya sa nauna mong sinubong pagkain. Baka mabulunan ka. Hindi rin sapat na dahilan ang "tao lang ako". Dahil yun mismo ang paliwanag kung bakit dapat kang umiwas. Tao ka. Hindi isang penguin na pwedeng makipag-mate kahit kanino, dahil pinagtabi kayo ng zoo keeper sa iisang pugad.
”
”
Jayson G. Benedicto
β€œ
Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw 'yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.
”
”
Bob Ong
β€œ
Person 1: O mahal ko, me’ naaalala akong kasabihan… Pwede kang magreklamo dahil ang rosas ay may tinik; ngunit pwede kang magdiwang dahil ang tinik ay may rosas. Person 2: Ha? Ano na naman problema mo? Person 1: Bibigyan sana kita kaso kapos ang budget ko. Pwede akong magreklamo dahil wala akong pera… Ngunit pwede akong magdiwang dahil ang pera ay wala lang. Person 1: Pwede akong magreklamo dahil ang mahal mabuhay… Ngunit pwede akong magdiwang dahil sa buhay ko’y meron akong mahal! Person 2: Pwede akong magreklamo dahil ang korni-korni mo… Ngunit pwede akong magdiwang dahil ang korni’y β€˜di ako. Person 1: Omaygahd! Natututo ka na! Hwooh Ay lab yu!
”
”
Manix Abrera (Venn Man at iba pang Kalupitan ng Kapalaran! (Kikomachine Komix, #6))
β€œ
Kaunti na lang. Malapit na akong isilang sa mundo kung saan mararanasan ang buhay. Kung saan ako magmamahal. At masasaktan. At muling magmamahal nang walang hangganan. Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa ba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali. Nais kong magmahal. At nais kong magmahal, mahalin, at maranasan ang lahat ng napakagandang hiwaga sa pagitan ng dalawa.
”
”
Bob Ong (Si)
β€œ
Sana naging pilas na lang ako ng libro para naging kaparte ng buhay mo.
”
”
akosiastroboy
β€œ
Kaya makapal ang mukha ko at matigas ang bituka,e. Hindi kilala ang pagsuko dahil hangga't wala akong inaapakang tao, inilalaban ko ang magpapasaya sa puso ko- kahit mabasted nang ilang libong beses, 500 doon ay sa text pa; kahit hindi matanggap sa audition para sa role ni Pilosopo Tasyo sa El Fili; kahit madalas palakol sa exam; kahit hindi ako laging nakakapasa sa kung ano ang tingin ng iba na disente at tama, go pa rin. Sabi nga ng paborito kong mga philosophers, "Laban, laban!" [Sexbomb Girls]. Bawal bumawi kung ang gusto mo lang naman mapalanunan ay ligaya at pagmamahal.
”
”
Rod Marmol (Lahat Tayo May Period (At Iba Pang Punctuation Marks))
β€œ
We are Ex with Benefits. Asan nga ba ang benepisyo ko? Ah oo. Mahal ko siya at gusto ko siyang makasama kahit sa ganitong set-up lang. Masisisi niyo ba ako? Nagmahal lang ako. Kung sa tingin ng ibang tao mali ang ginagawa ko o ginagawa namin, wala na akong magagawa doon. - Arkisha
”
”
Ruth Mendoza (Ex with Benefits)
β€œ
Simple lang naman ang gusto ko sa taong mamahalin ko.. -gusto ko ung taong mas gusto makasama ako kay sa ibang tao.. -ung taong marunong umunawa sa mood ko.. -ung kayang sakayan mga biro ko. -un bang marunong magpakita kung wala sa kanya ang oras ko. -ung marunong magalit pag pasaway ako. -at higit sa lahat ung hindi niya ako isasabay sa iba dahil alam niyang masasaktan ako.
”
”
mosh ley
β€œ
Nangako lang ako sa sarili ko! -- Na wala dapat sa ating mamamatay nang mag-isa!
”
”
Macoy (School Run: Who are the Black Squadron? (School Run, #6))
β€œ
Mahal kita. Sabi mo mahal mo din ako. Kaya heto ako umaasang magiging tayo. Pero nung dumating sha, nagbago ka na. Ang sabi mo pa nga sha na ang mahal mo. Tanong ko lang sayo, paano na ako? Β· Pumayag akong mawala ka dahil doon ka masaya. Pumayag akong masaktan dahil alam kong doon ka masaya. Pumayag akong umiyak dahil doon ka masaya. Napilitan akong pumayag kasi alam kong sa iba ka sasaya.
”
”
LuckyGirl12
β€œ
Kahit ano pang sabihin mo, nandito pa rin ako para sayo. Kahit na di ka naniniwala na gagawin ko lahat para sayo, ok lang. Kahit na sabihin mong natatakot kang baka di ko kayang maghintay at baka nahihirapan na ako, ok lang. Pero alam mo madali lang namang maghintay e, ang higit na kinakatakot ko ay ang mawala ka sa buhay ko. Β· Kamusta ka na? Balita ko wala na kayo? Balita ko malungkot at masamang-masama ang loob mo? Ang sakit diba? Pero buti nga sayo! E di naramdaman mo rin ang naramdaman ko nung ako ang iniwan mo. Β· Balita ko mahal mo pa sha? Totoo ba? Ouch! Sensha ka na ha? Mahal kasi kita. Pero kapag ayaw na niya sayo, nandito lang ako. Kahit panakip-butas lang, ok na. Kahit masaktan pa ako, wag lang ikaw.
”
”
LuckyGirl12
β€œ
I do not care. My baby, my baby, oh, Janna. Ako na lang sana.” People gasped at her last words and made the sign of the cross. It was very bad luck, what she said, to wish that it had been she who had died instead.
”
”
Tess Uriza Holthe (When the Elephants Dance)
β€œ
Bakit humantong dito ang aking kabaliwan? Akala ko'y sa nobela lang nagaganap ang mga eksenang tulad nito. Heto ako ngayon, hubad, nakakalat sa sahig, sa ibabaw ng mesang sulatan, nakasabit sa shelf. Hindi ko alam kung paano pinalayas ng gutom na halik ang aking blusa. Kung paano ako binalatan, ngayong nakatanghod ang lukot na kumpol ng pantalong maong at hinahanap ko kung saan na nga ba gumulong ang aking panty. Walang kumibot ng pagtutol sa aking malay, ni minsan. Ayaw ko munang magisip. Parang pagharap sa makinilyang altar. Nais kong maging sagrado ang daloy ng panahon, walang interapsiyon, walang sagwil.
”
”
Luna Sicat Cleto (Makinilyang Altar)
β€œ
Hindi ako malakas, ngunit may malakas akong Diyos na nagpoprotekta sa akin bawat sandali ng aking buhay.
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
Kinilig na sana ako eh, Parang kayo, pero hindi. Parang mahal ka, tanga hindi. Friendly ka lang pala.
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
wala na akong itatanggi, i admit all this because of my stupidity lalong lumalala 'to. i'm trying my best for yves to forgive me because i don't want to leave with regrets. as for Iovelorn i'm sorry i you got dragged into this. i've apologize to you guys many times already, and i know na hindi n'yo tinatanggap that's why i'm asking you guys to tell me what should i do? i'm willing to do anything para lang mapatawad n'yo ako.
”
”
Saint
β€œ
hindi ako nagalit nung time na nag decide si ji na iend na yung kung ano ang meron saamin, kumbaga i am just upset kaya hindi ko agad matanggap sa una na friends na lang kami but, in the end i agreed sa closure na sinabi ni ji saakin kasi i know i did them wrong and treated them like shit.
”
”
Pablo
β€œ
Do you see yourself poor? Has poverty become your identity? You know you have a poverty mindset if you feel poor; you talk poor, you walk poor, and you act poor. Subconsciously, you plan on being poor for the rest of your life. And when you fail in anything that you do, your favorite excuse is, "Mahirap lang ako." (I'm just a poor person.)
”
”
Bo SΓ‘nchez (Nothing Much Has Changed (7 Success Principles from the Ancient Book of Proverbs for Your Money, Work, and Life)
β€œ
lagi mo akong sinasagot β€œOkay lang ako.” Pero hindi ako naniniwala.
”
”
Arnold Subastil (Anong Nangyari Kay Wallace?)
β€œ
Noong 2016, nag-uumpisa pa lang ang Build, Build, Build. Marami ang may duda na kaya itong isakatuparan. Tinitigan ako ng isang kaibigan sa mata at sinabing, β€œIsa na naman itong pangako sa kampanya na sadyang hindi tutuparin.” Inihalintulad kami sa masugid na manliligaw na handang ipangako ang lahat. Hindi ko sila masisi. Noong panahong iyon, β‚±3.5 bilyon ang nawawala sa atin kada araw dahil sa trapik sa Metro Manila. Nalampasan na ng EDSA ang maximum capacity nito. Ang mga proyekto ng gobyerno ay naantala ng maraming taon o dekada. Bagama’t pamilyar tayo sa katotohanang ito, hindi kami handang tanggapin na lamang ito. Malayo pa ang Pilipinas sa buong potensiyal nito. Ito na ang pagkakataon upang matupad ang isang pangarap na hubugin ang kasaysayan at ihatid tayo sa β€œGolden Age of Infrastructure.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 112, Ang Solusyon sa 3.5 Bilyong Pisong Pasanin)
”
”
Anna Mae Yu Lamentillo
β€œ
Noong nagsimula ang paggawa ng Skyway Stage 3, ako ay freshman sa law school. Halos araw-araw ay dumaraan ako sa ginagawang kalsada na kapag kompleto na ay mababawasan ang oras ng biyahe mula NLEX papuntang SLEX, mula sa dating 2.5 na oras, magiging 30 minuto na lang. Nagtatrabaho pa ako noon para sa United Nations at ang opisina namin ay nasa RCBC Plaza sa Ayala Avenue. Maraming beses kong hiniling na matapos agad ang paggawa. Ang pangakong mas maikling biyahe mula Makati papuntang QC ay magbibigay sa akin ng dagdag na oras para mag-aral, kumain, o matulog. Hindi ko batid na magiging parte ako ng proyektong iyon pagkalipas ng dalawang taon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 116, Mga Kritikal na Repormang Right-of-Way sa Pagkompleto ng Skyway Stage 3)
”
”
Anna Mae Yu Lamentillo
β€œ
Makalipas ang ilang taon matapos nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Pilipinas, patuloy pa rin ang pagtulong ng mga international development organizations sa rehabilitasyon. Sa isip ko, mahirap pag-usapan ang tungkol sa sustainable development kung ang mga mag-aaral ay kailangan ipagsapalaran ang kanilang buhay makapunta lang sa paaralan; kung ang mga magsasaka at mangingisda ay napipilitang kunin kung anuman ang inaalok na presyo ng ahente dahil ang paghahatid ng kanilang ani at huli ay napakahirap. Ang ilang mga bayan ay napupuntahan lamang gamit ang mga bangka. Kapag umuulan, kailangang mamili ng mga pamilya kung ipagsasapalaran ang kanilang buhay o mawala ang kanilang kita. Sa puntong iyon ko napagtanto na kung nais natin makamit ang inclusive growth, kinakailangan ang isang mahusay na infrastructure network. Hindi ko akalain na matapos lang ang ilang taon ay sasali ako sa Build, Build, Build ni Pangulong Rodrigo Duterte.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 10, Bakit ko Sinusuportahan ang Build, Build, Build?)
”
”
Anna Mae Yu Lamentillo
β€œ
Naniniwala ako na kapag gusto mo ang isang bagay, walang mahirap para sa'yo. Kada semplang... Pagpag, bangon, sugod lang. Magkakamali ka ng paulit-ulit pero magpapatuloy ka parin, dahil minsan kailangan nating madapa para sa mas tamang paraan ng pagtayo.'PADAYON LANG!
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
Naaalala ko rin na kapag di ko nakikita ang tatay mo, para akong pumupusag-pusag na isda. Hindi ako makahinga, siya ang aking dagat. At ang pagtatangi ko sa kanya ay kasinlawak din ng karagatan. Alam konhg siya na dahil kung ako ay magnanakaw ng kambing, siya ang aking pipiliing makasama. Isipin mong mabuti. Magnanakaw ng kambing. Sino ang baliw na sasamahan ako kahit sa gawaing-kawatan na ito? Ang tatay mo. At naimadyin ko na bawat hakbang ay puno ng katatawanan, hanggang mahuli na lang kami ng pulis o di kaya ay umuwing bigo. Pero OK lang, kasi kasama ko ang iyong tatay.
”
”
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β€œ
Naaalala ko rin na kapag di ko nakikita ang tatay mo, para akong pumupusag-pusag na isda. Hindi ako makahinga, siya ang aking dagat. At ang pagtatangi ko sa kanya ay kasinlawak din ng karagatan. Alam kong siya na dahil kung ako ay magnanakaw ng kambing, siya ang aking pipiliing makasama. Isipin mong mabuti. Magnanakaw ng kambing. Sino ang baliw na sasamahan ako kahit sa gawaing-kawatan na ito? Ang tatay mo. At naimadyin ko na bawat hakbang ay puno ng katatawanan, hanggang mahuli na lang kami ng pulis o di kaya ay umuwing bigo. Pero OK lang, kasi kasama ko ang iyong tatay.
”
”
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β€œ
Hindi lang talaga ako nag-isip. I was just...” Hindi ko matuloy. β€œI was... busy catching feelings for you.
”
”
Jonaxx (To Fall Again)
β€œ
Gusto ko lang naman na malaman niya na kahit ano siya, at kahit anong nararamdaman niya, mahal siya ng diyos.
”
”
Richard Mercado (Nang Mainlove Ako Sa Isang Sakristan)
β€œ
Kapag nawala na ako, sabi ng bahay sa gitna ng pagkukuwento, at nalulungkot ka, lagi mo lang iisipin, ang kalungkutan ay kaligahayang nagtatago lang. Lilitaw din sa tamang panahon.
”
”
Ricky Lee (Bahay ni Marta)
β€œ
For sure, nahalata na niya sa unang pagkikita pa lang namin na virgin pa ako. Almost everyone in our office knows about it even though I never did mention it. Hindi ko nga alam kung paano nangyayari iyon, eh. Naaamoy ba iyon? Gagi.
”
”
Mark Fermill (Nothing Wrong With This)
β€œ
Hindi naman kita pinagbabawalang makipag-usap sa iba. Ang akin lang, sana, ipadama mo rin sa iba na may ako, na may tayo, na taken ka na.
”
”
Mark Fermill (His Plastic Doll)
β€œ
sa mundong ako lang ang may kayang makarating; sa mundong gabi-gabi akong lumuluha at dumaraing. sa mundo kung saan ang pagkahimbing ay ganap na paggising; at ang paggising ay pinakakinatatakutan kong pagkahimbing. (Luciong Panaginip)
”
”
Kelvin G Lansang (MGA Hubad Na Anino (Filipino Edition))