Akin Lang Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Akin Lang. Here they are! All 22 of them:

Walang pakealam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Pero kung lahat na lang sasabihan mo ng 'corny' kasi sosyal ka -- iba nga panlasa mo, mamamatay ka namang malungkot.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Tatawa lang sila. Tatawa lang sila at sisisihin ang sistema. Ang laging bida at walang kamatayang sistema.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
Walang pakialam ang tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina.
Eros S. Atalia
Walang pakialam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Magiging selfish ba ako kung sasabihin kong... gusto kong akin ka lang?
Maxinejiji (He's Into Her Season 2 Book 8)
...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Para sa akin, basta manliligaw, malinis ang hangarin. Bakit ka ba liligawan ng lalaki kung meron siyang masamang balak? Kung katawan ko lang ang habol, madadaan naman sa simpleng usapan ‘yun.
Carlo Vergara (Kung Paano Ako Naging Leading Lady)
Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw 'yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.
Bob Ong
Hindi ako malakas, ngunit may malakas akong Diyos na nagpoprotekta sa akin bawat sandali ng aking buhay.
Napz Cherub Pellazo
Maraming pwedeng humadlang sa'tin, but you have to promise me na sa akin ka lang maniniwala, that I will love and follow you until the end of time.
Jessica Adams (SIMPLY IRREPLACEABLE)
Noong nagsimula ang paggawa ng Skyway Stage 3, ako ay freshman sa law school. Halos araw-araw ay dumaraan ako sa ginagawang kalsada na kapag kompleto na ay mababawasan ang oras ng biyahe mula NLEX papuntang SLEX, mula sa dating 2.5 na oras, magiging 30 minuto na lang. Nagtatrabaho pa ako noon para sa United Nations at ang opisina namin ay nasa RCBC Plaza sa Ayala Avenue. Maraming beses kong hiniling na matapos agad ang paggawa. Ang pangakong mas maikling biyahe mula Makati papuntang QC ay magbibigay sa akin ng dagdag na oras para mag-aral, kumain, o matulog. Hindi ko batid na magiging parte ako ng proyektong iyon pagkalipas ng dalawang taon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 116, Mga Kritikal na Repormang Right-of-Way sa Pagkompleto ng Skyway Stage 3)
Anna Mae Yu Lamentillo
the story of the hunter in the jungle sounds very familiar to me, it's like i've heard it before pero hinde ko talaga maalala. Parang ang lungkot lang ng dating ng kwento para sa akin, parang may nagpapaalala sa akin pero di ko talaga matandaan but I like the story tho
abrina
Hindi naman kita pinagbabawalang makipag-usap sa iba. Ang akin lang, sana, ipadama mo rin sa iba na may ako, na may tayo, na taken ka na.
Mark Fermill (His Plastic Doll)