Akin Ka Na Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Akin Ka Na. Here they are! All 21 of them:

ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Mahihirapan kang maghanap ngayon ng soap opera na walang elemento ng love triangle.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Tama na sa akin 'yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
the problem is, lahat na lang kasi ng pelikula pinipilit gawing pampamilya. one size fits all. kaya tuloy ang material for movies nagiging too mature for kids and too cheesy for adults.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Pero kung lahat na lang sasabihan mo ng 'corny' kasi sosyal ka -- iba nga panlasa mo, mamamatay ka namang malungkot.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. parehas lang naman palang nakakapagod. at least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
MHARILYN: Naku, sobrang thank you po, talaga! URSULA: Bakit sobra? Hindi ba pwedeng eksakto ang--eksaktong thank you? Sayang naman yung sobrang hindi na magagamit!
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Gusto ng producer, feel good movie. Ubos na ang dalawang oras. Anuman ang nangyari, automatic happy ending tayo.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Hindi ba mas tama na sa halip na maliitin ang kabataan dahil sa binabasa nilang manunulat ay purihin sila sa pagbabasa, at saka samantalahin ang pagkakataon para hikayatin sila at ipakilala sa iba pang makabuluhang libro? O masyadong malaking abala 'yon sa inyo?
Bob Ong
Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. gugustuhin ka nila at aariin, nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Aalagaan ka at pagsisilbihan, ngunit para lamang sa sarili nilang kaligayahan. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso. Ibibigay nila ang lahat ng hilingin mo at ipagkakaloob nila anuman ang iyong gusto. Dahil alam nilang sa ganitong paraan nila maipapalimot ang totoong kailangan mo. Ipakikita nila ang hindi nila maipadarama. Ipagmamalaki nila ang hindi naman nasusukat. Ipapangako nila sa'yo ang wala sa kanila.
Bob Ong (Si)
Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw 'yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.
Bob Ong
Kapag inililigpit na natin ang ating mga sarili, maglalakad akong patungo sa iyong tabi bago ka tuluyang agawin ng gabi. Susumahin ko sa isang munting pag-uusap ang bawat inumit na sulyap. Dito sa minsang pagpadpad mo sa akin alam nating tila natagpuan ko ang katubusan ng lahat at muli akong mangangarap ng mga tagpong alam natin.
Lean Borlongan (Sansaglit)
sa pagkakataon na makita kita inagaw ka sakin kahit hndi,na tau bsta alm ko na akin ka parin #hai mga kepeted...:)
juliannamarieaustin
Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. Gugustuhin ka nila at aariin nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso.
Bob Ong (Si)
Hindi naman kita pinagbabawalang makipag-usap sa iba. Ang akin lang, sana, ipadama mo rin sa iba na may ako, na may tayo, na taken ka na.
Mark Fermill (His Plastic Doll)
Maraming pwedeng humadlang sa'tin, but you have to promise me na sa akin ka lang maniniwala, that I will love and follow you until the end of time.
Jessica Adams (SIMPLY IRREPLACEABLE)
Dahil sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko kung saan ay kinamuhian ko na ang sarili ko, naniwala ka pa rin sa akin. Naniwala kang mabuti ako.
Victoria Amor (The Cursed Healer)