“
Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.
”
”
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)