“
Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sumakay, umalis at lumayo. Paunti-unti. Hindi naman biglaan. Konting andar. Konting lakad. Konting kembot pakanan. Darating din ako doon.Kung saan maaliwalas na ang lahat.
”
”
Jayson G. Benedicto (Daily Dairy Diarrhea Diary)