Sa Panahon Ngayon Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Sa Panahon Ngayon. Here they are! All 8 of them:

β€œ
...ang nabubuhay sa kahapon ay nabubuhay sa buntong hininga at ang nabubuhay sa kinabukasan ay nag-aaksaya ng hininga. Ngayon ako humihinga. Ngayon ako dapat mabuhay.
”
”
Eros S. Atalia
β€œ
Every rejection, failure, heartache- may dahilan lahat. Hindi mo man maintindihan ngayon kasi nasaktan ka. Kasi masama ang loob mo. Kasi umasa ka, tapos hindi mo nakuha. Pero balang araw, malalaman mo rin ang dahilan. Makikita mo rin kung saan pupunta ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Maaaring hindi pa panahon. Maaaring hindi lang ukol. O maaaring may mas magandang nakalaan para sa iyo.
”
”
Noringai
β€œ
Anu't anuman, dito naganap ang mga unang pangamba ko, na ang anak ko'y hindi na isang estudyante sa loob ng kampus...unti-unti'y nagiging bahagi na rin siya ng mas malawak at balisang lipunan, ng mga bagong tao ng ngayon na siyang magpapasiya ng bukas: isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon.
”
”
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β€œ
Nalunod tayo / kahapon sa salita / at kapuwa alaalang lulutang-lutang / na lamang / ngayon. / Walang naisalba ang panahon. (p. 47)
”
”
Edgar Calabia Samar (Pag-aabang sa Kundiman: Isang TulambΓΊhay)
β€œ
Bakit humantong dito ang aking kabaliwan? Akala ko'y sa nobela lang nagaganap ang mga eksenang tulad nito. Heto ako ngayon, hubad, nakakalat sa sahig, sa ibabaw ng mesang sulatan, nakasabit sa shelf. Hindi ko alam kung paano pinalayas ng gutom na halik ang aking blusa. Kung paano ako binalatan, ngayong nakatanghod ang lukot na kumpol ng pantalong maong at hinahanap ko kung saan na nga ba gumulong ang aking panty. Walang kumibot ng pagtutol sa aking malay, ni minsan. Ayaw ko munang magisip. Parang pagharap sa makinilyang altar. Nais kong maging sagrado ang daloy ng panahon, walang interapsiyon, walang sagwil.
”
”
Luna Sicat Cleto (Makinilyang Altar)
β€œ
Tiis lang kung anong meron tayo ngayon. Huwag tayo mainggit sa kung anong meron yung iba, iba't ibang panahon, kanya-kanyang pagkakataon.
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
Di porke't talo ka ngayon, olats ka na habambuhay, Magtiwala ka lang sa kakayahan mo, Papabor din sayo ang panahon at pagkakataon na nakalaan para sa panalo mo.
”
”
Napz Cherub Pellazo
β€œ
Ang isang paraan para magsimula ay sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang will ng Diyos hindi sa paroroonang lugar o darating na panahon, kundi dito at ngayon.
”
”
John Ortberg (What Is God's Will for My Life?)