Roque Ferriols Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Roque Ferriols. Here they are! All 20 of them:

[A]ng kamunduhang walang kaluluwa ay hindi pa rin kaibig-ibig
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Bakit kayâ sa teatro’y nalulugdan ang táong magpakalungkot sa mga pagsasagupaan at trahedya na hindi naman niya papayagan kung siya mismo ang dapat magtiis?
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Hinahanap ninyo ang búhay na maligaya sa lupain ni Kamatayan . . . Paanong liligaya ang búhay sa lupaing walang búhay?
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
[K]ung sa bibig ng maysakit ay masamâ ang lasa ng tinapay, na masarap sa magalíng. At na ang mata ng may karamdaman ay nasasaktan sa liwanag, na kaibig-ibig sa matang dalisay.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Iba ang halagang kuwarta at halagang-kalooban. . . hawig sa kaibhan ng utang na kuwarta sa utang na loob.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Sa langit lamang ang katiyakan. Ang búhay-lupa ay isa lamang papanaw na anino.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Ang pagbibitiw sa pag-asa ay isang pagtataksil sa ikaw at sa Ikaw.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Masasabi natin na ang nagpapasensiya ay nananalig sa isang proseso ng pagtubo at pagiging matino.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Sa mga gulo ng malaking sansinukob, may maliit na sansinukob na palagi nilang mauuwian, kaya’t sumasariwa at sumusulong ang búhay.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Alam nila na hindi totoo ang interpretasyon ng ilang pilosopo na ang pinaniniwalaan ng mga may paniniwala ay basta’t inimbento nila upang maaliw sila sa dilim ng búhay o sapagkat takót siláng humarap sa daigdig na walang pag-asa. Alam ng naniniwala na ang kanyang inaasahan ay hindi niya inimbento, bagkus tinawag siya sa hindi niya inaakala.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Sapagkat ang tao ay malaya, palaging may posibilidad ng pagtataksil, ngunit, sapagkat ang tao ay malaya, palagi ring may posibilidad ng pananatiling tapat, sa gitna ng mga pag-aalinlangan at pagbabaliktad ng búhay.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Ang iyong nadaramang pag-ibig ay nagmumula sa iyo, sa pagbaling ng iyong kalooban: pagbaling na isang uri ring pagsuko. Hinayaan mong mahila ng pag-akit ang iyong kalooban. Kaya't madalas sabihin: "Nahuhulog ang kanyang loob kay kung sino." Sa simula, ang paghulog ng loob ay maaring walang isip, gaya ng pagkusa ng isang tanim na tumutubo. Kaya't madalas sabihin: "Tinubuan sya ng pag-ibig." Pagkatapos, maaring mamalayan ang pagkahulog ng loob, timbangin, angkinin... gawing kusang-loob. At kapag ginawa nang kusang-loob ang pag-ibig ay maari nang sabihin: "Pinapatubo niya ang pag-ibig." At habang lahat nito ay nagaganap sa iyong kalooban, nadarama mo rin na may hawig diyan na nagaganap sa kanyang kalooban. Kalooban at kalooban ay nakikipagtagpo. Dumaramdam at nakikiramdam.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Ang paniniwala na walang pakialam kung talagang meron ang paniniwalaan ay hindi paniniwala.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
[D]umadaan ang biyaya ng Maykapal sa landas ng kanyang mga kinapal. Maaring dumaan ang biyaya sa kagandahan ng kalikasan, sa katapatan sa isa’t isa ng mga nagkakaibigan . . . at sa hirap at hapis ng mga nagsisikap na manatiling tapat sa pinakamatinong pag-unawa na káya nilang maratnan.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Sapagkat kapag inuunawa natin ang mismo nating pag-unawa ay nagigisnan natin na ang ating kakayahang umunawa ay hindi natin linikha kundi ipinagkaloob sa atin. Sa mismong akto ng pag-iisip ay lumilitaw ang katangiang “ito’y tinanggap,” “ito’y ipinagkaloob.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Ang akto ng pakikibahagi ay akto ng pagiging talagang totoo.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Ang tao'y isang uring bato palibhasa'y mabigat siya at kayang gumulong, isang uring tanim palibhasa'y tumutubo at nagkakasupling, isang uring hayop palibhasa'y nakakatakbo, nakakakita't nakadaramdam.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Madalas sabihin ng mga mangungutya, “Mapalad ang taong walang inaasam, hindi siya mabibigo.” Buong ligaya at pananabik na sinabi ni San Francisco, “Mapalad ang taong walang inaasam, matutuwa siya sa lahat.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Gumagalaw tayo sa isang abot-tanaw na malabo at tiyak. Malabo, sapagkat hindi natin lubusang masasakyan ang abot-tanaw at lalo na ang mga detalye. Tiyak, palibhasa malinaw sa atin na, kahit patisud-tisod ang ating paghahagilap, at kahit na paulit-ulit nating iniiba at iwinawasto ang ating mga pag-aakala, meron pa rin mga katiyakan na umiiral at mapagkakatiwalaan.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Ang pag-asa ay isang atitud na angkop at nararapat sa táong nagsisikap mabuhay sa pakikipagtagpo sa Banal.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)