Paulit Ulit Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Paulit Ulit. Here they are! All 8 of them:

Isang beses lang tayo makapipili ng daan at pagkatapos noon, paulit-ulit na tayo sa daan na iyon- paikot-ikot, habang kinukumbinsi natin ang sarili na umuusad naman talaga tayo, na nagpapatuloy tayo, na mayroon tayong pinatutunguhan- kahit wala nga, wala naman talaga, paikot-ikot lang tayo sa iisang daan na noon, noong hindi natin alam, noong wala tayong kamalay-malay, ay nagpasya na pala tayo’t pinili nga ito.
Edgar Calabia Samar (Walong Diwata ng Pagkahulog)
Naniniwala ako na kapag gusto mo ang isang bagay, walang mahirap para sa'yo. Kada semplang... Pagpag, bangon, sugod lang. Magkakamali ka ng paulit-ulit pero magpapatuloy ka parin, dahil minsan kailangan nating madapa para sa mas tamang paraan ng pagtayo.'PADAYON LANG!
Napz Cherub Pellazo
Nasa pakiramdam lang ang pagiging hiwalay sa iba. Paulit-ulit itong sinasabi ni Daniel sa sarili nang maisip isang araw na baka nga may sarili siyang mundo.
Edgar Samar
Langit at...impyerno, pero hindi 'yung impyernong may kumukulong lawa ng apoy. Kun'di ay underworld. Ganun. Sa Kamurawayan ay binibigyang pagkakataon ang mga kaluluwa na maging masaya, matupad ang mga gusto nila noong nabubuhay pa sila bilang sukli na rin sa mga naging kabutihan nila bago sila isilang muli. Samantalang sa Gagamban naman pinararanas sa kanila ang kasalanang nagawa nila nang paulit-ulit hanggang makita ni Asuang ang tapat na pagsisisi sa kanila.
Carissa Cestina (Si Larry Arao at ang Mangkukulam ng Poblacion)
Paulit-ulit mo man akung saktan ng ganito. Paulit-ulit mo man akung sabihan na itigil ko na ang kahebangan ko sa iyo. Heto pa rin ako, lumalaban sa mundo at sa sakit na nagawa mo. Dahil ang alam ko nang dahil sa’yo nagmamahal ako ng ganito.
Desmond S. King
Tila nagiging mga episode na raw ng SpongeBob ang mga nangyayari, paulit-ulit. Ngunit iyon naman daw talaga ang kahulugan at pagsubok ng pag-ibig: kung patuloy kang manonood o papatayin mo na ang inyong palabas. —Mula sa Sa Mga Naiwan ni Sheila Abarra
Stefani J. Alvarez (Saanman: Mga Kuwento Mula Sa Biyahe, Bagahe at Balikbayan Box)
Gumagalaw tayo sa isang abot-tanaw na malabo at tiyak. Malabo, sapagkat hindi natin lubusang masasakyan ang abot-tanaw at lalo na ang mga detalye. Tiyak, palibhasa malinaw sa atin na, kahit patisud-tisod ang ating paghahagilap, at kahit na paulit-ulit nating iniiba at iwinawasto ang ating mga pag-aakala, meron pa rin mga katiyakan na umiiral at mapagkakatiwalaan.
Roque Ferriols (Pilosopiya ng Relihiyon)
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak— landas na tinahak ng punit na talampakan, ng pusong paulit-ulit ginugupo ng unos, ng kaluluwang laging kinikiliti ng pangamba. Ang iyong mga mata’y nakamasid lamang, ngunit hindi kailanman sumilip sa kailaliman ng aking katahimikan— kung saan ang bawat ngiti’y bantay lamang sa sugat na ayaw lumantad, at ang bawat luha’y pumapatak kahit bago pa man dumampi ang liwanag ng umaga. Hindi mo batid ang mga laban na isinugal ko nang walang saksi; ang mga pangarap na nilamon ng gabi, at muling itinaguyod ng isang paghinga sa gitna ng pagkawasak. Kaya bago mo ako sukatin at husgahan, isuot mo muna ang aking pagod na hakbang, lakbayin ang dilim na minsan kong niyakap nang walang katiyakan kung may bukas pa. At saka mo sabihin kung sino ang mali, kung sino ang tama— kung sino ang marapat tawaging buo at kung sino ang marapat tawaging durog. Ito ang aking buhay— hindi maringal, hindi malinis, ngunit totoo at hindi kailanman huwad. At sa bawat paglakad, sa bawat katahimikang tila bangin, sa bawat paghinga na parang huling pagkakataon, naroon ang pasya kong magpatuloy. Dahil sa huli, ang pagpapatuloy mismo— kahit sugatan, kahit pagod, kahit wasak— ang pinakamatinding anyo ng aking tagumpay.!
Napz Cherub Pellazo