β
Aralin sa Ekonomyang Pampulitika
Nang matuklasan ng isang Aleman
Ang labis na halaga,
Ay nakalkula na rin
Ang lahat-lahat na.
Halaga ng tao
Halaga ng lupa
Halaga ng tula
Halaga ng digma
Kung sa loob pa lamang
Ng tatlong minutong trabaho
Ay nalilikha na ng manggagawa
Ang buong araw niyang suweldo,
Ang tantos ng pagsasamantala
Ay ilang porsyento?
Ay, ang labis na halaga β
O pagpapahalaga β
Sa superganansyaβt supertubo!
Binibilang ko ang mga bagay
Na mahalaga sa akin:
Bubong, saplot, araw-araw na kakanin.
Binibilang ko ang araw
At akoβy napapailing:
Bawat minuto,
Kinikita ng mga kumpanya ng langis
Ang katumbas ng walong oras kong pawis.
Bakit ba napakahalaga
Ng paghahangad ng labis,
Kung ang labis-labis,
Ang katumbas ay krisis?
Tinatantya ko kung kailan:
1. mapipigtas sa tanikala ng monopolyo ang pinakamahina nitong kawing
2. aawitin ng kapitalismo ang punebre sa sarili niyang libing.
Pansamantala lamang ba ang pagsasamantala?
Anu-ano ang mga pagkakataong
Dapat nating samantalahin?
Natuklasan din ng Aleman
Na ang manggagawa ay walang bansa,
At kanilang pakikibaka
Ay walang baybayin.
Kayaβt kinakalkula ko muna,
Samantala, kung ano ang mahalaga
Para sa araw-araw nating gawain.
At kung gaano kahalaga,
Mga kasama, ang pagkakaisa sa atin.
β
β