Pamilya Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Pamilya. Here they are! All 8 of them:

Pero sa Pilipino, magloloko ang teenager, bubuo ng pamilya...pero hindi aalis sa poder ng magulang hanggang magkaapo. Kuhang kuha natin ang mga katarantaduhan ng Hollywood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang---katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang---sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.
Bob Ong (Si)
Sulat-kamay niya. Sulat ng grade one. Ginawa long long time ago, noong nagmamahalan pa ang isa't isa sa pamilya nila. Ang lungkot isipin.
Lualhati Bautista (Sonata)
Ang masipag na kamay ay hindi kailanman mapapagod sa pagmamahal sa pamilya.
akosiastroboy (Bilog ng Kabutihan)
Makalipas ang ilang taon matapos nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Pilipinas, patuloy pa rin ang pagtulong ng mga international development organizations sa rehabilitasyon. Sa isip ko, mahirap pag-usapan ang tungkol sa sustainable development kung ang mga mag-aaral ay kailangan ipagsapalaran ang kanilang buhay makapunta lang sa paaralan; kung ang mga magsasaka at mangingisda ay napipilitang kunin kung anuman ang inaalok na presyo ng ahente dahil ang paghahatid ng kanilang ani at huli ay napakahirap. Ang ilang mga bayan ay napupuntahan lamang gamit ang mga bangka. Kapag umuulan, kailangang mamili ng mga pamilya kung ipagsasapalaran ang kanilang buhay o mawala ang kanilang kita. Sa puntong iyon ko napagtanto na kung nais natin makamit ang inclusive growth, kinakailangan ang isang mahusay na infrastructure network. Hindi ko akalain na matapos lang ang ilang taon ay sasali ako sa Build, Build, Build ni Pangulong Rodrigo Duterte.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 10, Bakit ko Sinusuportahan ang Build, Build, Build?)
Anna Mae Yu Lamentillo
Sanay akong nagbibigay sa iba--- ng aking oras, talento, payo, o tulong. Masaya akong gawin lahat ito. Ngunit masaya rin palang tumanggap --- at di lang basta tumanggap kundi maging 'mapagbigay na tagatanggap' o generous receiver. 'Yong ninanamnam mo ang kagandahang loob ng ibang tao, ang pagtulong nila sa iyo, at pag-aalaga. At ipinaalam mo sa kanila ang iyong kagalakan at pagpapasalamat. Hindi kailangang matatag sa lahat ng oras --- mainam ding maging mahina at umasa sa iba --- doon mo mas maahahalagahan ang pagiging ina, asawa, kaibigan, guro, at pati pagiging Filipino. At sa panahon ng iyong kahinaan, doon mo tunay na malalaman ang mga bagay na totoong mahalaga sa buhay (pamilya, pagmamahal, pakikipagkapuwa, kalusugan ng katawan at isip, pananalig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa Inang Kalikasan) at ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo. Ang pagiging ina sa panahaon ng pandemya ay pagiging malakas sa aking kahinaan, pagiging mapagbigay sa aking pagtanggap.
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
Sana sapat na ang isang milyong beses na narinig mong mahal ka namin ng pamilya mo; kaming mga taong natulungan mo
Arnold Subastil (Anong Nangyari Kay Wallace?)