Pakinabang Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Pakinabang. Here they are! All 6 of them:

Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako.
Jayson G. Benedicto (To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter)
Kapaki-pakinabang ang social media para sa napakaraming bagay, pero hindi para sa mga taong hindi gustong matuto.
Bob Ong (56)
[H]indi ang nakasuot ng abito ang tunay na alagad ng Diyos kundi ang lahat ng nagpapahayag ng Kaniyang Kaluwalhatian sa mga gawaing mabuti at kapaki-pakinabang para sa lalong nakararaming nilikha Niya, pagsusumikapan kong maging tapat sa iyong kalooban hangga’t may lakas ako sa pagtupad nito.
Apolinario Mabini (The Philippine Revolution)
Ang makabuluhang buhay ay may patutunguhan, kapaki-pakinabang, at may silbi sa kapwa tao.
Gerardo V. Cabochan
Iyang mga tao sa una, . . . mga balakid lámang ang nakikita sa lahat ng bagay. Magmungkahi ka ng isang bagay sa kanila at mga balakid lámang ang makikita sa halip na makita ang mga pakinabang. —Isagani, Kabanata 2
José Rizal (El Filibusterismo)
[M]alinaw ang aral ni Jacinto sa kaniyang pambungad na sanaysay: Hindi lahat ng liwanag ay kapaki-pakinabang. May “ningning” na nakabubúlag at magdarayà, at sa gayo’y nagdudulot pa ng higit na karimlan sa ísip.
Virgilio S. Almario (Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa)