Pagkakaisa Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Pagkakaisa. Here they are! All 5 of them:

Kaya naman sa gabing ito ng makauring pagkakaisa, dadamputin ko ang remote control at papatayin kita!
Dennis Espada
Aralin sa Ekonomyang Pampulitika Nang matuklasan ng isang Aleman Ang labis na halaga, Ay nakalkula na rin Ang lahat-lahat na. Halaga ng tao Halaga ng lupa Halaga ng tula Halaga ng digma Kung sa loob pa lamang Ng tatlong minutong trabaho Ay nalilikha na ng manggagawa Ang buong araw niyang suweldo, Ang tantos ng pagsasamantala Ay ilang porsyento? Ay, ang labis na halaga — O pagpapahalaga — Sa superganansya’t supertubo! Binibilang ko ang mga bagay Na mahalaga sa akin: Bubong, saplot, araw-araw na kakanin. Binibilang ko ang araw At ako’y napapailing: Bawat minuto, Kinikita ng mga kumpanya ng langis Ang katumbas ng walong oras kong pawis. Bakit ba napakahalaga Ng paghahangad ng labis, Kung ang labis-labis, Ang katumbas ay krisis? Tinatantya ko kung kailan: 1. mapipigtas sa tanikala ng monopolyo ang pinakamahina nitong kawing 2. aawitin ng kapitalismo ang punebre sa sarili niyang libing. Pansamantala lamang ba ang pagsasamantala? Anu-ano ang mga pagkakataong Dapat nating samantalahin? Natuklasan din ng Aleman Na ang manggagawa ay walang bansa, At kanilang pakikibaka Ay walang baybayin. Kaya’t kinakalkula ko muna, Samantala, kung ano ang mahalaga Para sa araw-araw nating gawain. At kung gaano kahalaga, Mga kasama, ang pagkakaisa sa atin.
Kerima Lorena Tariman
Walang komunidad, lalawigan, gobyerno, o bansa na kayang lutasin ang krisis ng COVID-19 nang mag-isa. Higit kailanman, ang pagkakaisa ng tao ay susi. Naghahanda tayo para sa mga digmaan bago pa man ito mangyari. Sa pagkakataong ito, dapat tayong magtulungan, anuman ang lahi, etnisidad, kaakibat sa pulitika, at relihiyon, sa paghahanap ng solusyon sa isang bantang yumanig sa ating mismong kahulugan ng sibilisasyon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 313, Physical (hindi social) distancing)
Anna Mae Yu Lamentillo
[N]agmula ang “talinghagà” sa praseng “talì ng hiwagà”—isang talìng mahiwagà—isang bigkis ng sari-saring diwà o isang bigkis para sa pagkakaisa ng samot-samot na diwà.
Virgilio S. Almario (Sapantahang Wika)
Kahabag-habag ang mga mamamayang walang pagkakaisa, ngunit higit na kalunos-lunos ang lahing walang kaluluwa.
Bob Ong