β
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong 'di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
β
β
Bob Ong
β
Sadyang mailap ang humanap ng tunay na pag-ibig. Madaling sabihing mahal kita, madaling isiping mahal ka niya, pero paano mo malalamang... ito na, eto na talaga?
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. Iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa utak.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal kaβy dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga.
β
β
JosΓ© Rizal (Noli Me Tangere)
β
Samantalang sa tunay na buhay, pag nangyari, iyon na. Walang revision.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Alam nyo namang hindi tayo totoo. Gawa lang tayo sa mga letra!
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
All love starts with a sense of attraction or liking- physical, spiritual, intellectual or emotional. Pero hindi lahat ng pagkagusto ay masasabing tunay na pag-ibig.
β
β
Ronald Molmisa (Lovestruck: Love Mo Siya, Sure Ka Ba?)
β
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, ... umiibig ka!
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin
Masaya ako.
Dahil mahal, gaano man kahaba ang araw,
Uuwi ako sa 'yo. (p. 33)
β
β
Juan Miguel Severo (Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig)
β
Never go out of bounds. There are certain boundaries para sa bawat tao at doon lang ang lugar mo. Kapag lumagpas ka, maaari ka nang makapanakit ng iba.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Malaya kang magmahal. Malaya kang ibigin ang kahit sino. Hindi mahalaga kung may katugon man o wala ang damdamin mo. Ang mahalaga ay magmahal ka nang malinis.
β
β
Victoria Amor (The Cursed Healer)
β
Baβt hindi ikaw? I damn love you, Coreen. Hindi ko kaya. How many times do I have to tell you that? Namulat na lang ako na mahal kita at hindi iyon tulad sa pag ibig mo kay Noah na biglaan na lang naglalaho.
β
β
Jonaxx (Heartless)
β
At naniniwala ako na kung maging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniniwala ako sa'yo.
β
β
Juan Miguel Severo (Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig)
β
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal kaβy dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero pag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Kung sana nga, naging ingrown na lang ng kuko ang pagmamahal na ito at kahit isa-isahin ko ang manikurista sa buong Pinas, matanggal lang ang lintek na pag-ibig na ito.
β
β
Eros Atalia Ligo na U Lapit na Me
β
Ang pag-ibig parang rubber band na hawak ng dalawang tao on both ends. Kapag bumitaw yung isa, yung nag-hold on ang masasaktan.
β
β
Chico Garcia, Delamar Arias, Gino Quillamor
β
Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin.
Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Piliin mo ang lalaking bubusog di lang sa puso mo kundi pati sa tiyan mo
β
β
Stanley Chi (Men Are From QC, Women Are From Alabang)
β
Ang nagmamahal ay laging may misyon na iligtas ang minamahal nito.
β
β
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
β
Pag mahal mo ang isang tao, palayain mo. Kapag bumalik siya, ibig sabihin wala siyang pamasahe.
β
β
Jayson G. Benedicto (Daily Dairy Diarrhea Diary)
β
Mahal nga pala kita. Mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.
β
β
Juan Miguel Severo (Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig)
β
Ang pag-ibig na nararamdaman, mas masarap kapag hindi pinipigilan.
β
β
Maxinejiji (Heβs Into Her Season 2 Book 3)
β
Ang relationship, parang flappy bird...
Hindi mo ito pwedeng basta-basta nalang bitawan.
β
β
Prince Henry Chiong
β
Minsan, ang buhay pag-ibig ng isang tao ay parang balon. Ibibigay mo ang lahat. Kapag natuyo ka na at walang pakinabang, hindi ka na nila papansinin. At malamang mauwi ka bilang isang wishing well, na tatapunan ng barya o gagawing props sa isang pelikula kung saan mula sayo lilitaw si Sadako.
β
β
Jayson G. Benedicto (To Share Why I Like My Neighbor Skype and Her Tumblr Named Twitter)
β
Kaunti na lang. Malapit na akong isilang sa mundo kung saan mararanasan ang buhay. Kung saan ako magmamahal. At masasaktan. At muling magmamahal nang walang hangganan. Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa ba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali. Nais kong magmahal. At nais kong magmahal, mahalin, at maranasan ang lahat ng napakagandang hiwaga sa pagitan ng dalawa.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Pag-ibig mo man ay walang mabiling
mamahaling bagay, pero wagas naman
ang iyong saloobin, push mo yan,
yan ang true love.
β
β
akosiastroboy
β
Ganoon siguro talaga ang pag-ibig, masasaktan ka pero tatanggapin mo. Alam mong wala namang pag-asa pero aasa ka. Iiyak pero susubok uli. Dahil ang pag-ibig ay isang bagay na sulit ipaglaban.
β
β
Raye Amber (Loving Third)
β
Kung importante ang pag-ibig dahil ito ang magpapatibok ng puso mo, importante rin naman ang trabaho at career dahil ito ang magpapatibok ng bituka mo. Maaaring ito rin ang panggalingan ng purpose mo sa buhay.
β
β
Bebang Siy (Nuno sa Puso: Pag-ibig)
β
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
β
β
Ricky Lee

Ang real love, 'yon 'yong pakiramdam na gusto mong magalit pero hindi mo magawa dahil mas nangingibabaw ang pagmamamahal mo sa kanya. Iyong tipong kahit na gaano mo pa ipilit sa sarili mong 'wag na siyang mahalin, mamahalin at mamahalin mo pa rin siya. Iyong tipong wala kang pakialam sa sasabihin ng iba dahil mas importante sa'yo ang pag-ibig na nararamdaman mo para sa kanya.
β
β
Nikki Karenina (The Lovelornβs Fairy Tale)
β
Minsan talaga ay kailangan mo munang maranasan ang kahirapan, ang kalungkutan at kawalan bago mo ganap na maintindihan ang totoong kahulugan ng kaligayahan at pag-ibig.
β
β
Belle Feliz (The Gift)
β
Suriin namang mabuti ang katotohanan bago magsulat. Iba ang erotika sa pornograpiya. Iba ang pag-ibig sa karahasan. Huwag laitin ang babae o ilagay sa panganib ng karahasan. Ilagay niyo ang kwento sa tamang perspektiba. Itaas n'yo naman ang pagtingin niyo sa babae, at pati sa inyong mga sarili. At, oo... sa inyong panulat.
β
β
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β
Love has a quote. For every five people who fall in love, only one will be happy. The other four will love someone who does not love them back. Or they'll love without learning anything. OR they'll love no one. Or they'll just not experience love at all.
Sandra laughed with disbelief.
Look around you, the Writer said. Look at all your friends and your office mates. How many of them are truly happy?
But happiness is relative, Sandra said.
A rationalization that unhappy people make, the Writer said.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
The train has it better than I do. It has no mind, but has somewhere to go.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Just be aware that love is always connected to ideology. Everything we do is a political act. Even falling in love.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Ang pag-ibig ay pagpili sa taong mahal mo araw-araw, kahit na ikaw ay dismayado at nabigo, kahit na ang mas madaling opsiyon ay ang bumitiw na lang.β - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 327, Isang Mahalagang Aral mula sa Aking Ama)
β
β
Anna Mae Yu Lamentillo
β
Panauhin ng balintataw ko ang iyong mukha
(Yakap Ng Aking Mahal, 1980)
β
β
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β
Malayo kang malapit na hindi ko maabot
Ang tinig at pagsuyo'y nagmamaramot.
(Ibig Kang Makita, Ibig Kang Marinig, 1987)
β
β
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β
Ngunit bakit hindi mo mapagaling
Sugat ng dibdib kong ikaw ang nagtanim?
(Soneto Sa Isang Ginoo, 1987)
β
β
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β
Bugtong kang muling kumatok:
Hanap ngayo'y tamang sagot
(Ikaw, 1987)
β
β
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β
Sumasanib ang aking kaakuhan sa iyong kaikawan
β
β
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β
Kaibigan/Kasintahan: Ito ba'y dalawang salitang magkasingkahulugan, o dalawang kahulugang iisa ang sagisag sa isipan?
(Kaibigan/Kasintahan, 1992)
β
β
Ruth Elynia S. Mabanglo (Kung Di Man: Mga Tula ng Pag-ibig (1970-1992))
β
Ang ibig sabihin ng pag-ibig ay ang paglikha ng mga alaala. Ang isang libong alaala ng pag-ibig ay kayang paslangin ng isang pagkakamali. Ang umibig ay ang patuloy na lumikha ng mga alaala.
β
β
Rogelio Braga (Sa Pagdating ng Barbaro At Iba Pang Mga Dula)
β
Ano ang pagkatao kung walang pag-ibig? Ano ang pag-ibig kung walang maratabat?
β
β
Rogelio Braga (Sa Pagdating ng Barbaro At Iba Pang Mga Dula)
β
Ang pag-ibig ay tila isa ring pananakop at ang mangingibig, isang dakilang mananakop; nais mo ng kasagutan at katubusan sa sarili mong pag-iisa, sa sarili mong kahinaan, sa mga katanungang hindi matapus-tapos ni matukoy sa simula. Ang trahedya ng pag-ibig ay kung sakaling makamtan mo na ang iniibig, hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo sa kanya na nasa iyong mga kamay, at ayaw mo naman siyang pakawalan dahil hindi mo na makita ang pagkakaiba ng lumaya at umibig. Inaakala mo na kasi na ikaw at siya ay iisa, tinanggap mo na nang walang pagdududa na siya na ang iyong kahinaan o pinagmumulan ng lakas at ikaw ang kanyang kahinaan at pinagmumulan din ng lakas. At inaakala mo na ang nakaraan at bukas niya ay hawak mo sa iyong mga paladβat ganoon din siya sa iyo. Na ikaw, ikaw palagi ang nasa kanyang nakaraan. Na ang umibig ay ang tanging dakila at banal sa buhay. Malupit
na pananakop ang umibig kaya ko ito kinatatakutan.
β
β
Rogelio Braga (Colon)
β
[M]insan lamang akong umibig, at kung walang pag-ibig ay walang maaaring umangkin sa akin kailanman.
βMula kay Maria Clara sa Kabanata 61: Ikakasal si Maria Clara
β
β
Virgilio S. Almario (Noli Me TΓ‘ngere (Touch Me Not).)
β
Si Pong ang isa sa mga nagpaningas, ugat ng apoy kung bakit mas masidhing lumaganap ang FNB sa Cavite. Nagpatuloy ito, naganap at nakapanghikayat ng iba't-ibang indibiduwal, mga musikero, mga makata, mga pintor, mga graffiti artist, mga skater, mga film maker, mga estudyante tropahan, at maging magulang ng mga ito hanggang sa kasalukuyan. Ang FNB ay kadalasan naisasagawa sa mga covered court, nasunog na day care center, mga bangketa, mga eskinita, mga barangay, mga excess lot, o mga butas ma espasyo kung saan mas malapit ito sa komunidad. Nang sa gayon ay mas maibabahagi ang turo at prinsipyo ng nabanggit na payapang protesta. Dahil sa ganitong mga ganap at makataong gawi, unti-unting nawawala ang pagkagulat at panghuhusga sa postura ng mga punk. Nararamdaman ng mga nagboboluntaryo sa FNB ang munting butil ng pag-ibig sa kanilang mga puso sa tuwing magagawa ang pagbabahagi. Gayundin, dahan-dahang tinatalakay sa mga taong dumalo at napadaan kung ano ba talaga ang FNB.
β
β
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β
Sanay akong nagbibigay sa iba--- ng aking oras, talento, payo, o tulong. Masaya akong gawin lahat ito. Ngunit masaya rin palang tumanggap --- at di lang basta tumanggap kundi maging 'mapagbigay na tagatanggap' o generous receiver. 'Yong ninanamnam mo ang kagandahang loob ng ibang tao, ang pagtulong nila sa iyo, at pag-aalaga. At ipinaalam mo sa kanila ang iyong kagalakan at pagpapasalamat. Hindi kailangang matatag sa lahat ng oras --- mainam ding maging mahina at umasa sa iba --- doon mo mas maahahalagahan ang pagiging ina, asawa, kaibigan, guro, at pati pagiging Filipino. At sa panahon ng iyong kahinaan, doon mo tunay na malalaman ang mga bagay na totoong mahalaga sa buhay (pamilya, pagmamahal, pakikipagkapuwa, kalusugan ng katawan at isip, pananalig sa Diyos, pag-ibig sa bayan, pagpapahalaga sa Inang Kalikasan) at ang mga taong tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa iyo.
Ang pagiging ina sa panahaon ng pandemya ay pagiging malakas sa aking kahinaan, pagiging mapagbigay sa aking pagtanggap.
β
β
Jenny Ortuoste (In Certain Seasons: Mothers Write in the Time of COVID)
β
Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang buntonghininga.
β
β
JosΓ© Rizal (Noli Me TΓ‘ngere (Touch Me Not).)
β
Para saan ang pag-ibig na hindi nadarama? At bakit ko hahabulin ang taong ayaw mapalapit sa akin? May puso ako ngunit hindi nito alipin ang isip ko!
β
β
Bob Ong (Si)
β
Madaling balewalain ang mga tanggap nating pangkaraniwan na. Pero alam ng mga hindi nakatatagpo ng tunay na pag-ibig na ang inakala nating karaniwan ay totoong mga milagro.
β
β
Bob Ong
β
Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa iba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Kung kilig lang ang habol mo, ihi ang kailangan mo, hindi pag-ibig.
β
β
Bob Ong (56)
β
Ang mali mo, hindi mo ako pinili.
Ang mali ko, patuloy pa rin kitang pinili.
β
β
Alexi
β
Sabi Spinoza ikaw parang sisig,
Sizzling lang sa umpisa.
Kung isang init lang: pag-ibig!
Order na lang sana pizza.
β
β
Paolo Manalo (Jolography Retconned: Poems)
β
Ang pag-ibig pala ay hindi makikita sa sweet na eksena, sa mahihigpit na yakapan, o sa maiinit na kissing scene. Minsan ang tunay na pagmamahal ay naroon sa kagustuhan mo na palayain ang taong mahal mo para sa ikaliligaya nito at ng mga tao sa paligid mo, maging sariling kaligayahan mo man ang maging kapalit.
β
β
Raye Amber (Loving Third)
β
SUMUKO ka. Pero hindi ibig sabihin nun titigil ka. Ang pagsuko ay ang pag-alam sa tunay at dalisay na takbo at hangarin ng iyong buhay. Hubaran mo ang iyong pagkatao, katulad ng mga panahong wala ka pang muwang sa mundo. Burahin mo ang bawat katotohanang ikinintal at pilit ipinaintindi ng magulong umiinog na globo. Magsimula ka sa wala. SUMUKO ka, kapara ng unang pagkakataon na HUBAD at BATA ka pa. Nang sa gayun makita mo, kung SINO ka ngang talaga.
β
β
Sycamore Wild
β
Pinanday ng apoy at alon.
Pinagbuklod ng tadhana... ng pag-ibig.
At patuloy na nakikinaka at patuloy na nakikisabay sa tinikling ng daigdig.
Itong mga Perlas na hinumog ng galit at lambing.
Itong Lupang Hinirang.
β
β
Emiliana Kampilan (Dead Balagtas Tomo 1: Sayaw ng mga Dagat at Lupa)