Ngiti Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Ngiti. Here they are! All 12 of them:

Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga.
José Rizal (Noli Me Tangere)
Kapag gusto mo yung tao, madali mong pagselosan yung kahit pinakamaliit na bagay... pero madali ka rin magpatawad. Isang ngiti lang, ayos na.
Ariesa Jane Domingo (Mission Impossible: Seducing Drake Palma)
kapag ako ay umalis kapag ako ay bumalik ipagkait mo na sa akin ang tinapay, ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol huwag lamang ang iyong ngiti dahil ito'y aking ikasasawi
Pablo Neruda
Ang buhay ay di nagsisimula sa pagtuntong sa sisenta. Nagsisimula ito sa bawat ngiti ng umaga.
Lualhati Bautista (Sixty in the City)
Sangkatutak na kape para simulan ang araw mo, Sabayan mo ng ngiti, eto ang tamang timpla sa nakakapagod na mundo.
Napz Cherub Pellazo
Sa kanya ang medalya at pagkilala, sa akin naman ang magandang ngiti niya.
inksteady (Mistakes We Can't Laugh About (Losers Series #2))
Sumulat ako ng plano sa eroplanong papel. Pinalipad ko ito, pero bumagsak lang sa sahig. Pinulot ko ulit, pinalipad sa himpapawid. Alam kong babagsak lang sya sa sahig. Kaya hindi na masakit. Duon ko naisip na kahit ilang beses man syang bumagsak sa sahig. Nakalipad sya,kahit na sandali. Nag bigay ng kasiyahan sa aking mga mata. Sinabayan ng kaunting ngiti, sa aking labi. Napagod ako at nilukot ang eroplanong papel. Subalit ang plano ay nakalagay na sa pag-iisip. Ang tanging masasabi ko lang salamat Paginoon. Dahil binigyan ninyo kami ng papel sa napakagandang mundong ito. -Aron Micko
Aron Micko H.B
1. Kapag maganda ang nangyayari, sabihin mo sa sarili mo na life is good, at hayaan mong maramdaman mo ang kaligayan. Kapag pangit ang nangyayari, pilitin mong magmukhang masaya hanggang abot ng iyong makakaya. Pagaanin mo ang isang alanganing sitwasyon sa pamamagitan ng kaunting patawa, kabutihan, o ngiti.
Gerardo V. Cabochan
GANUN TALAGA" DI KITA NIYAKAP, AKALA KO’Y MAGIGING OKAY KA DI KITA KINAUSAP, AKALA KO’Y LALABAN KA LUHA KO’Y UMAGOS, SAPAGKAT SABI NILA’Y WALA KANA NANDILIM MGA MATA KO HABANG HABOL-HABOL ANG PAGHINGA. SINISI KO ANG LANGIT, BAKIT NGAUN PA, BAKIT SYA PA, BAKIT? BAKIT SA AMIN, SA AKI’Y NINAKAW KA’T PINAGKAIT? DUMALOY ANG MGA LUHA SABAY SA AKING PAGPIKIT DIBDIB KO’Y GUSTONG SUMABOG, KUMAWALA SA GALIT. NAISIP KONG IKAW AY SUNDAN NGUNIT PINIGIL AKO NG KARAMIHAN ORAS MONA DAW KAYA HAYAAN OO NA, PERO BAKIT KA’Y BILIS NAMAN? PAGKAWALA MO AMA MALALIM ANG DULOT IKINULONG AT IPINIIT AKO NITO NG LUNGKOT UMUSBONG AT NADAMA KO PATI ANG TAKOT SAKIT NA NARARANASAN, MERON PABANG GAMOT? SUSUKO NA SANA, NGUNIT BUMALIK SA BALINTATAW KO ANG IYONG TAWA AT MGA NGITI TINUYO NG PAGMAMAHAL ANG LUHA SA AKING MGA MATANG MULI HABILIN MO’Y NAGING DAAN UPANG BUMANGON SA PIGHATI MULI, LUMIWANAG AT NAGKAKULAY ITONG AKING LABI.
Venancio Mary Ann
Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang buntonghininga.
José Rizal (Noli Me Tángere (Touch Me Not))
Ngiti ka lang kahit naiinis ka at kahit hindi nangyayari ang mga gusto mo. Dahil ang ngiti na dinulot nito ang magpapagaan ng buhay mo.
akosiastroboy (Bilog ng Kabutihan)
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak— landas na tinahak ng punit na talampakan, ng pusong paulit-ulit ginugupo ng unos, ng kaluluwang laging kinikiliti ng pangamba. Ang iyong mga mata’y nakamasid lamang, ngunit hindi kailanman sumilip sa kailaliman ng aking katahimikan— kung saan ang bawat ngiti’y bantay lamang sa sugat na ayaw lumantad, at ang bawat luha’y pumapatak kahit bago pa man dumampi ang liwanag ng umaga. Hindi mo batid ang mga laban na isinugal ko nang walang saksi; ang mga pangarap na nilamon ng gabi, at muling itinaguyod ng isang paghinga sa gitna ng pagkawasak. Kaya bago mo ako sukatin at husgahan, isuot mo muna ang aking pagod na hakbang, lakbayin ang dilim na minsan kong niyakap nang walang katiyakan kung may bukas pa. At saka mo sabihin kung sino ang mali, kung sino ang tama— kung sino ang marapat tawaging buo at kung sino ang marapat tawaging durog. Ito ang aking buhay— hindi maringal, hindi malinis, ngunit totoo at hindi kailanman huwad. At sa bawat paglakad, sa bawat katahimikang tila bangin, sa bawat paghinga na parang huling pagkakataon, naroon ang pasya kong magpatuloy. Dahil sa huli, ang pagpapatuloy mismo— kahit sugatan, kahit pagod, kahit wasak— ang pinakamatinding anyo ng aking tagumpay.!
Napz Cherub Pellazo