β
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
β
β
Bob Ong
β
Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
β
β
Bob Ong
β
Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soul mates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
Walang pakealam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Mga 3days-3weeks tapos unahan na yan mag-offline kunyari naputol connection ng internet pero naputol na yung mental and emotional connection.
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.
β
β
Bob Ong (Macarthur)
β
Naniniwala ako na may tatlong decision making bodies ang mga tao. Utak, puso at bird.
β
β
Ramon Bautista (Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?)
β
MARAMI ANG MAY AYAW SA PILIPINAS, PERO WALANG NAGTATANONG KUNG GUSTO SILA NG PILIPINAS
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nβya ng pera, o gusto nβyang sumikat, o gusto nβya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga βto, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sβya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin nβyang pagbutihin ang pagkatao nβya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na sβyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yonβ¦
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.
β
β
Bob Ong (Macarthur)
β
Mas madaling manahimik. Mas ligtas magtago ng opinyon. Mas kumportableng hindi magsalita. Pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga "mas" na yan.
β
β
Bob Ong
β
May mga librong magkakasundo ang sinasabi, at meron din namang mga nagpapatayan ng opinyon. May libro para sa kahit anong edad, kasarian, lahi, relihiyon, edukasyon, at katayuan sa buhay. May mahal at mura, malaki at maliit, makapal at manipis, pangit at maganda, mabango at mabaho, may kwenta at wala.
Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng mga tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
Hindi pagkain ang kailangan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay labanan ang tunay na dahilan kung bakit wala silang makain!
β
β
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
β
Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos. (Tranquil shores are only for those who boldly oppose raging waves during storms.)
β
β
Lualhati Bautista (Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon))
β
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal kaβy dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Seems like "all systems go" na 'di ba? Super compatible. Gusto n'yo ang isa't-isa. Pero 'yan ang mga nakakatakot. 'Yung akala mo okay lahat, sabay 'pag sinabi mong mahal mo s'ya. *blam!* Guguho lahat.
β
β
Manix Abrera (Sorrowful, Sorrowful Mysteries! (Kikomachine Komix, #7))
β
Pilipino ako, sapat nang dahilan `yon para mahalin ko ang Pilipinas.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
β
β
Bob Ong
β
Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya."
"Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat."
PERO
"Kung may magsasabi mn sa hinaharap na: "sana nagpatawa ka na lang!" yun ay opinyong handa kong tanggapin.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
I.. I.. I love you."
"Ano ka ba. Bakit ba masyado kang nagiging seryoso? Okay ka lang ba?"
"Because I am serious. Seryoso ako sa mga sinabi ko.. sa nafifeel ko. I love you Kenji."
"Yung binitawan mong salita, parang katumbas sa pag sabing hindi ka na makahinga. Alam mo ba yun? Sige na umuwi ka na. Goodnight."
"You know what? Fine. Just forget everything that I have said. It meant nothing naman diba, kasi I was too serious. Sorry for feeling this way. Goodnight."
"Athena.. Athena wait... I.. I.. I can't breathe.
β
β
Bianca B. Bernardino (She's Dating the Gangster)
β
Alam nyo namang hindi tayo totoo. Gawa lang tayo sa mga letra!
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Iniisip ni Lucas kung gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang writer. Sa pamamagitan ng mga salita ay kaya niyang patigilin ang dyip, ilabas ang lihim ng mga pasahero, pabuhusin ang ulan upang linisin ang mga basura sa palibot, ikulong ang mga opisyal na corrupt at tuluyang i-delete sa bansa ang kahirapan.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Isa pa, pwede nga ring yung TV talaga ang may sumpa. Dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. Isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang pinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? Kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. Para tumakas sa realidad.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. Matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. Kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.
β
β
Bob Ong (Stainless Longganisa)
β
Pero sa Pilipino, magloloko ang teenager, bubuo ng pamilya...pero hindi aalis sa poder ng magulang hanggang magkaapo. Kuhang kuha natin ang mga katarantaduhan ng Hollywood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Nasasaktan ako dahil sa kabila ng lahat, mahal ko ang Pilipinas.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang sarili sa mga posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi at minsan naman, maalat. As in.
β
β
Bebang Siy (It's a Mens World)
β
Kumplikado ang tao, lalo na ang mga bakla, hindi siya dapat ikahon sa labels.
β
β
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
β
kuhang-kuha natin ang mga katarantaduhan ng hollyeood, pero hindi ang kaunting pagiging responsable ng mga kanluraning bansa sa isyu ng pagtayo sa sariling paa.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Ang Pilipino ay pinaghalohalo-halong dugo. Sumasamba kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakakalimutan na nya kung sino siya.
β
β
Ricky Lee
β
Maraming mundo ang bawat tao. Gagawin mo iyon kung wala kang makapa. Dadagdagan mo kung kulang, hahanapin kapag nawawala. Kung matagpuan na, pilit iyong tatakasan ng mga duwag at wawaratin naman ng mga matatapang para makagawa ng iba.
β
β
Edgar Calabia Samar (Walong Diwata ng Pagkahulog)
β
Minsan ang katangahan ay parang sipon. Hindi namamalayan pero kusang dumadapo. Walang gamot. Naiiwasan sa pamamagitan ng tamang life style o pagaalaga sa sarili. Pero hindi 100% na sipon-free kahit ang pinakamalusog na tao. Kapag dinapuan, may mga paraan para mapabilis ang pagtigil. Hindi nakakahiya ang magkasipon. Natural lang yan. Pero wag naman ipagmalaki kung meron na. Wag hayaang tumulo-tulo, lumobo-lobo at ipakitang apektado ang pagsasalita, panlasa, pandinig, at paningin.Wag ipangalandakan ang katangahan, tulad ng sipon, nakakahawa at baka maraming maapektuhan. Eto ako, di lang nagpakita, inirampa pa ang katangahan.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Minsa'y naiisip n'ya na sana kung may operasyon sa utak at may operasyon sa puso sana'y may operasyon din na magbubura ng masasakit na alaala sa utak at puso ng tao magtatanggal sa parte ng utak at puso na sisidlan ng mga gunitang dapat nang kalimutan.
β
β
Lualhati Bautista (Desaparesidos)
β
Ang Pilipino sabi ni Trono kay Giselle, at sa kumpulan ng mga kinkilig na kababaihan, ay pinaghalo-halong dugo. Sumasamba ng sabay-sabay kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakalimutan na niya kung sino siya.
β
β
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
β
Kaugnay nito, tao lang yata ang may insecurities at ayaw nilang makitang may mas mahusay sa kanila. Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung-bulungan o parinigan, upakan at banatan na agad.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Naglalaho sa loob ng klase ang mga hadlang na itinatayo ng politika upang hatiin ang mga lahi, natutunaw wari sa alab ng kaalaman at kabataan.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Pag di mo na nadarama'ng mga kapakinabangan ng buhay at ang buhay ay wala nang kapakinabangan sa'yo, dapat ka nang mamatay. 'Yong pinakamabuting maaaring mangyari sa'yo, sa gano'ng kalagayan.
β
β
Edgardo M. Reyes (Sa Mga Kuko ng Liwanag)
β
Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Walang tigil ang mga tao sa paggamit ng enerhiya. Lahat ng maaaring pagkagastusan ng kuryente, gagawin nila. Nabubuhay sila sa sistema ng pag-aani ng kayamanan ng mundo upang gawing lason at basura.
β
β
Bob Ong (Ang mga Kaibigan ni Mama Susan)
β
Di ko alam kung paano ie-explain, pero, para sa akin, ang bag ng babae ay simbolo ng kanyang daigdig. The mere fact na nag-decide ang babae na yun ang laman at bigat ng bag niya, 'yun ang personal nyang mundo. Kaya niya dinala yun kasi yun ang kaya nyang dalhin. Anytime, anywhere. Nadadala niya yun from point A to point B. Pero kapag nakakita na ng lalake, dapat lalake na ang magpatuloy ng pagdadala from point B to point C? Kapag umalis ba ang babae mula sa kanyang bahay, aware siya na may lalakeng magbibitbit ng bag niya? I don't think so. Even without the guy, dadalhin pa rin naman ng babae yun kahit saan siya magpunta. Kaya ako, hinahayaan ko lang bitbitin ng babae ang kanyang bag. Gusto kong sabihin sa kanya na with or without me, or each other, tuloy lang ang pagbibitbit ng mundo, ng kani-kaniyang daigdig.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa ang magagawa't nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaliwalhati ko'y dapat kong ikahiya.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Totoong mahal pa rin ang galunggong at wala pa ring makain ang mga nagtatanim ng bigas. At iyon mismo ang dahilan kaya patuloy ang pagtatanim ng mga pangarap... patuloy ang pagsulong ng mga adhikain. Pero hindi isang lipunan ng mga desaparesido ang nalikha ng lahat ng pakikipaglaban... kundi isang buong magiting na kasaysayan.
β
β
Lualhati Bautista
β
May problema and bansa, nangangailangan ito ng tulong mo.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Sa alaala'y hindi mamamatay ang mga pangarap.
β
β
AndrΓ©s CristΓ³bal Cruz (Ang Tundo Man May Langit Din)
β
Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na
nakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at
mga bulaklak.
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
Siguro kaya naimbento ang salitaβt konseptong closure ay para sa mga tinatamad malaman ang magiging wakas. Yung mga atat na atat malaman ang ending. Yung mga naburyong na sa pagkainip sa dapat kahinatnan. Kesa nga naman maghintay sa pagkahaba-habaβt pagkatagal-tagal ng ending, mabuti pang putulin nalang.
β
β
Eros S. Atalia
β
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal kaβy dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero pag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
β
β
Ricky Lee (Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin))
β
Kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig kong sabihin
Masaya ako.
Dahil mahal, gaano man kahaba ang araw,
Uuwi ako sa 'yo. (p. 33)
β
β
Juan Miguel Severo (Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig)
β
Walang pakialam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Ang bawa't bayani ay may kaukulang panahon, kung panong ang kapanahunan at mgapangyayaring umiiral ay lumilikha ng mga bayaning kailangan niya.
β
β
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β
Maaari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat, ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Kaloka! Ito ba ang Pilipinas na gustong iligtas nina Lola Sepa at Emil? Iligtas mula saan? Kung sarili nga ayaw nitong iligtas! Ang gusto lang ng mga ito'y kumain, tumae, mag-Glutathione, saka pumunta sa weekend markets, mag-malling para makalibre ng air-con, mag-text ng corny jokes, sumingit sa pila ng bigas, saka umasa ng suwerte sa lotto o sa TV! Kapag may bagyo o lindol o anumang problema'y laban pero susuko din agad at makakalimot, o kaya ay magma-migrate! Ilang taon na ba ang bansang ito pero bakit hanggang ngayo'y wala pa ring pinagkatandaan?
β
β
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
β
Minsan para sumaya ka, kailangang tanggapin mo ang mga bagay na wala na.
β
β
Marcelo Santos III (Move On. Walang Forever!)
β
Mga mamamayan din ang mga bumubuo ng gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral.'
'Ngunit tulad po ng ibang tao, nagkakamali kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Sino nga ba ang learning disabled, βyung mga hirap mag-aral o βyun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman βyung pangalawa?
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
And we don't ask: Anong produkto kaya ang naibenta sa akin ngayong araw nang hindi ko namalayan? Anong kaisipan? Anong ideya? Anong paniniwala? Anong ugali? Anong bagong pananaw sa mundo at sa mga kapwa ko? Hindi natin ito naitatanong pero andali-dali nating maimpluwensyahan.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Sa bandang huli, mas makapangyarihan pa rin ang masang nag-iisip kesa sa awtoridad na nagsasalita.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Marami sana akong dapat maging requirement sa babaeng pwedeng ipalit kay Jen. Kaso nagising na ako sa katotohanan, na sa itsura ko at sa laman ng bulsa ko9, pahirapang makukuha ang lahat ng gusto ko.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Wag mapagod mahalin ang mga taong mahal ka. Malay mo, sa bandang huli, mas okey pala ang ending.
β
β
Jayson G. Benedicto (Ito Na Siguro Ang Pinakamahabang Title Ng Isang Libro Na Ginawa Sa Pilipinas At Nagmula Sa Munting Facebook Page Ni AkOPOSIJAYSON Na Walang Maisip Na Pamagat)
β
Ang dalisay na hanging ito at ang mga batong itong napakalilinis ay mapupuno ng karbon, ng mga kahon at bariles, ng mga bunga ng sipag ng tao.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao.
β
β
Bob Ong (Kapitan Sino)
β
Tama ang pagbangon mo kapag ika'y nadapa, mas tama lalo ito kapag tinulungan mo ang kapwa mong bumangon sa mga pinagdadaanan nila.
β
β
akosiastroboy
β
Dati naman akong masaya bago pa dumating si Jen. Mas sumaya nga lang nang dumating siya. Pero bakit nang umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko si Jen sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago dumating si Jen, pwede rin ako maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Pero kung meron talagang may himala, gusto kong muling makitaβt makausap si Jen. At kapag nangyari βyun, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Huhubarin ko na ang kahihiyan ko. Itatapon ang pag-aastig-astigan. Hindi na baleng iwan nya sa huli kapag nalaman nyang mahal ko sya, na nababaliw na ako sa kanya, na gusto kong maging officially kami na. Kung sakaling magbago sya ng isip, na hindi nya na iiwan ang lahat ng nagmamahal o nababaliw sa kanya, kung sakaling hindi na rin sya nag-astig-astigan o nagmanhid-manhidan, isusumpa ko sa ngalan ng mga lamang lupang hindi matahimik sa pagmumura ko sa gabi at mamatay man ang lasenggero naming kapitbahayβ¦ Pukang amaβ¦ Hindi ko na sya pakakawalan.
β
β
Eros S. Atalia (Ligo Na U, Lapit Na Me)
β
Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak... walang puso.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Siguro ganun talaga ang buhay. May mga bagay na kahit anong buhos mo ng effort o kahit gaano pa ang tindi ng kagustuhan mong makuha ay hindi mapapasaiyo kung hindi nakatakda sa isang invisible na script na kung tawagin ay tadhana.
β
β
Jayson G. Benedicto (Daily Dairy Diarrhea Diary)
β
Hindi din ako nagpi-prisinta na dalhin ang gamit ng mga babae. Lalo na ang bitbitin ang kanilang shoulder bag. Hindi dahil ayokong isiping bading ako. Ang sa akin lang, nabuhat nga nila yung bag mula bahay hanggang school, tapos kapag nakakita ng lalake, bigla silang manghihina.
β
β
Eros S. Atalia
β
Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay nanaisin kang pitasin ng mga tao. gugustuhin ka nila at aariin, nang walang kasiguruhan kung tunay ka nilang iibigin. Aalagaan ka at pagsisilbihan, ngunit para lamang sa sarili nilang kaligayahan. Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga taong nag-aagawan para sa iyong puso. Ibibigay nila ang lahat ng hilingin mo at ipagkakaloob nila anuman ang iyong gusto. Dahil alam nilang sa ganitong paraan nila maipapalimot ang totoong kailangan mo. Ipakikita nila ang hindi nila maipadarama. Ipagmamalaki nila ang hindi naman nasusukat. Ipapangako nila sa'yo ang wala sa kanila.
β
β
Bob Ong (Si)
β
Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinapahayag.
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
At naniniwala ako na kung maging masakit man, kung pagdating sa dulo ay patayin man ako sa sakit ng saya na ibinibigay mo, magiging sulit ang lahat dahil naniniwala ako sa'yo.
β
β
Juan Miguel Severo (Habang Wala Pa Sila: Mga Tula ng Pag-ibig)
β
sanay na siya sa mga damdamin nya, matagal na niya 'yong tinanggap. Na siya'y isang babae: hindi itim hindi puti, hindi masama't hindi mabuti. . basta isang babaing malaya sa kadena ng mga inhibition at pagkukunwari.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi sila yung βibaβ na yon, wala silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay lang ang lahat sa βibaβ, yung hindi nila katulad.
β
β
Bob Ong (Kapitan Sino)
β
...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
β
β
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
β
Salita. Nakasalalay lang ang lahat ng nararamdaman sa narinig na salita, sa mga narinig na salita, sa kapangyarihan ng salita na lumikha ng iba't iba pang ilusyon. Minsan, salita rin, isang salita lamang, ang may kakayahang magwasak ng lahat ng mga binuo, binuno, subalit ng mga salita rin nga lamang.
β
β
Edgar Calabia Samar (Walong Diwata ng Pagkahulog)
β
Naryan ang kaibhan ng armas sa isang ideya. Ang sandata'y nakagigiba't pumapatay lamang; ang ideya'y nakagigiba't nakabubuo, pumapatay at bumubuhay.
β
β
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β
Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
β
β
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
β
Klik! Anak ko 'yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko 'yon! Klik! Narinig n'yo ba? Anak ko 'yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. 'Yong batang konti ko nang tinunaw no'ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
At ang parteng iyon ang masakit, brad... iyong alam mong nasa iyo na ang lahat para lumigaya ka ay hindi ka pa rin maligaya.
β
β
Edgardo M. Reyes (Mga Agos sa Disyerto)
β
Nakapagtatakang nagtataka pa ang nanay at tatay ko kung bakit di ako mapirmi-pirmi sa bahay ng sino man sa kanila. Bakit nga raw ba ako palipat-lipat ng trabaho? Bakit pabago-bago ng karelasyon? At paiba-iba ng mga kaibigan? Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanila na kapag matagal-tagal ka ring naging bola sa pingpong, di mo maiiwasang makasanayan ang pagpapadito at doon, dito, doon at ang pagpapadoon, dito, doon, dito. At sandaan pang pagpapadito-dito at pagpapadoon-doon. Sa sandali namang matapos ang laro o kahit sa pagkakataong datnan lamang ng pagod ang mga manlalaro, hahayaan ka nilang gumulong-gulong sa kung saan-saang sulok, kahit pa nga iyong namumutiktik sa alikabok. Hihingal-hingal ka ngayong maghihintay sa kung sino man sa kanila ang may awa o panahon para yumukod at pumulot.
β
β
Bebang Siy (It's a Mens World)
β
Ilang dantaon po mula ngayon, kapag naliwanagan at natubos na ang sangkatauhan, kapag wala nang mga lahi, kapag malaya na ang lahat ng mga bayan, kapag wala nang nang-aalipin at napaaalipin, mga kolonya at mga metropolis, kapag naghahari na ang iisang katarungan at ang bawat isa'y mamamayan na ng daigdig, tanging ang pagsampalataya po sa siyensiya ang malalabi. Magiging singkahulugan ng bulag na pagsamba ang patriyotismo at sinumang magmagaling na nagtataglay ng katangiang ito ay walang alinlangang ibibilanggo na tulad ng isang may nakahahawang sakit, isang manliligalig sa kaayusang lipunan.
β
β
JosΓ© Rizal (El Filibusterismo (Noli Me Tangere, #2))
β
Sabi ko noon, pag nagkita kami, marami akong itatanong at sasabihin. Pero ngayon, magkasama kami, ito lang ang mahalaga. Saka na halungkatin ang nakaraan. Saka na pagusapan ang hinaharap. Kaya siguro naimbento ang nakaraan para lingunin at kalimutan, ang hinaharap ay para tanawin at pangarapin.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contests? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro, gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.
Karaniwan na ina lan ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya'n mo Baya'n mong mabilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan.
β
β
Lualhati Bautista (Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?)
β
Ipinangako ko sa sarili ko: tulad ng butil ng palay, hindi ako mapupunta sa batuhan o hihipan lang ng hangin. Mapupunla ako sa mayamang bukirin.
β
β
Rene O. Villanueva (Personal: Mga Sanaysay sa Lupalop ng Gunita)
β
May choice naman yata ako na hindi umasa sa pagbabalik ni Jen. Na kalimutan na siya nang tuluyan at maghanap na ng iba o mahanap ako ng iba. O pwedeng ako lang at wala na siya sa sistema ko. Dati naman akong okay nung wala pa siya. Dapat okay pa rin ako kahit wala na siya.
Pero choice ko yata na pahirapan ang sarili ko. At sa ginagawa kong pagpapahirap sa sarili ko, parang nasisiyahan ako. Masaya yata ako na nahihirapan akong mahalin siya mula sa kawalan. Teka, kung masaya ako kahit nahihirapan ako... hindi kaya mas mahal ko ang sarili ko kesa sa kanya?
Kung pinipilit ko siyang magstay para maging masaya ako pero hindi naman siya masaya, hindi rin ako magiging masaya. Kung masaya siya na malaya siya at masaya ako na masaya siya, teka uli... ultimately, ako ang sumasaya sa lahat ng ito? Dapat akong maging masaya! Bakit hindi ako masaya? Masaya ba ako o may sayad na?
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Obligasyon ko bang pasanin ang mga problema ng math? Bakit? Bababa ba ng bill ko sa internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator!
β
β
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β
Hindi masama ang dumayo sa banyagang lupalop upang paunlarin ang sarili. Pero kung ikaw e maunlad na'y dapat bumalik sa pinagmulan at du'n gamitin ang kaunlaran. Walang lupang dayuhan na maaari mong ipalit sa 'yong sinilangan.
β
β
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β
Hindi kokonti ang kababayan nating sa akala nila'y pwede at mabuti ang maging estaranghero sila. Ginagawa nila ito sa wika, sa damit, sa kilos. Pati sa kanilang bahay e di na kinakausap ang mga anak kung di sa Ingles, ikinahihiyang magsuot ng barong katutubo, ayaw manood ng dula ar pelikula sa sariling wika, ayaw kumain ng kanin, at sumasama ang sikmura pagka humithit ng sigarilyong di imported. Subalit nagiging katatawanan lamang sila sa tingin ng kanilang mga hinuhuwad.
β
β
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β
Ba't ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?
β
β
Ricky Lee (Si Amapola sa 65 na Kabanata)
β
pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
β
β
Bob Ong
β
Napakaraming magaling na bagay ang dapat uliranin ng Pilipinas sa Amerika. Sa kasamaang palad, tulad ng ipinangamba ni Rizal, and unang pinulot ay ang masasamang halimbawa, ang mga bisyo at kahinaan. Tinangka ng karamihang Pilipino na magbuhay-Amerikano sa wika, sa damit, sa kilos at ugali, gayong itoβy hindi maaari kalian pa man. Pilit na ipinatatakwil sa kabataan ang huwad ng gaslaw at ikot ng sa banyaga, walang nais panoorin kundi mga laro, pelikula at ibang libangang dayuhan, walang nais basahin kundi mga babasahing sinulat ng dayo at limbag sa labas ng Pilipinas. Saan patutungo ang kabataang may ganitong kamulatan?
β
β
Amado V. Hernandez (Mga Ibong Mandaragit (Birds of Prey))
β
Dati naman akong masaya bago pa siya dumating. Mas sumaya nga lang nung dumating siya. Pero bakit nung umalis siya, hindi na ako naging kasinsaya gaya ng dati bago pa siya dumating? Hindi kaya dahil imbes na isama ko siya sa daigdig ko, siya ang ginawa kong daigdig? Kung naging masaya ako bago siya dumating, pwede rin akong maging masaya kahit wala na siya. Hindi siya ang dahilan ng pag-inog ng mundo ko, hindi rin dapat siya ang dahilan ng pagtigil nito.
β
β
Eros S. Atalia (It's Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012)
β
Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.
Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.
Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.
Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
β
β
Ricky Lee