Mag Isa Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Mag Isa. Here they are! All 11 of them:

...pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong (Lumayo Ka Nga Sa Akin)
Ang mga sagot ngayo'y baon-baon mo na sa kung saan ka man papunta. Sa paglisan mo ngayon, hindi ka na talaga babalik. Babalik ka man sa aking isip, nakaapak pa rin ako sa lupa kung saan bawat buhos ng ulan ay magsisimula akong mangarap muli. Ako na lang, mag-isa.
Don Vittorio C. Villasin
Mag-sorry kung ikaw ang may kasalanan. Kung hindi naman, ikaw ang unang mag-reach out. I-tae sa kubeta ang lecheng pride. Kung simpleng away lang naman, kabobohan ang patagalin o palalain pa ito. Tandaan, walang perpektong relasyon. Pero ang "pagbabati" mula sa isang away, ang isa sa pinakamatamis na bahagi nito.
Jayson G. Benedicto
pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay, nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong
Matagal na din akong naghintay dito sa bus stop sa pag-aakalang babalik sya, na muli siyang dadaan at sabay kaming aalis. Lumipas na ang ulan. Mataas na ang sikat ng araw. Pero mag-isa pa rin ako dito. Siguro naman, ito na ang tamang panahon para sumakay, umalis at lumayo. Paunti-unti. Hindi naman biglaan. Konting andar. Konting lakad. Konting kembot pakanan. Darating din ako doon.Kung saan maaliwalas na ang lahat.
Jayson G. Benedicto (Daily Dairy Diarrhea Diary)
Walang komunidad, lalawigan, gobyerno, o bansa na kayang lutasin ang krisis ng COVID-19 nang mag-isa. Higit kailanman, ang pagkakaisa ng tao ay susi. Naghahanda tayo para sa mga digmaan bago pa man ito mangyari. Sa pagkakataong ito, dapat tayong magtulungan, anuman ang lahi, etnisidad, kaakibat sa pulitika, at relihiyon, sa paghahanap ng solusyon sa isang bantang yumanig sa ating mismong kahulugan ng sibilisasyon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 313, Physical (hindi social) distancing)
Anna Mae Yu Lamentillo
Nangako lang ako sa sarili ko! -- Na wala dapat sa ating mamamatay nang mag-isa!
Macoy (School Run: Who are the Black Squadron? (School Run, #6))
Hij mag niet opgeven. Nooit. Ze moeten gewoon steeds weer opnieuw slim zijn, elke keer iets nieuws bedenken. Het is een puzzel die je niet in één keer kunt maken. Je kunt als je schaakt wel de allerlaatste zet voor je zien, maar je weet nooit precies hoe je in die positie komt. Stap voor stap.
Isa Maron
[B]inigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
At kung nakakaramdam ka pa rin ng pag-iisa, huwag mag-alala dahil sa totoo lang, minsan, mas makabuluhan ang mag-isa. -Mula sa Mahal kong Gabriela ni Janet Tauro-Batuigas
Rolando B. Tolentino (Hayskul: Mga Sanaysay Na Hindi Pang-Formal Theme)
Sana maalala mo munang maghilom ang mga sugat mong mag-isa bago ka sumubok ulit, Huwag mo muna ipilit, kung di ka pa handa.
Napz Cherub Pellazo