Mag Aral Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Mag Aral. Here they are! All 5 of them:

β€œ
Sino nga ba ang learning disabled, β€˜yung mga hirap mag-aral o β€˜yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman β€˜yung pangalawa?
”
”
Bob Ong (ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong))
β€œ
Noong nagsimula ang paggawa ng Skyway Stage 3, ako ay freshman sa law school. Halos araw-araw ay dumaraan ako sa ginagawang kalsada na kapag kompleto na ay mababawasan ang oras ng biyahe mula NLEX papuntang SLEX, mula sa dating 2.5 na oras, magiging 30 minuto na lang. Nagtatrabaho pa ako noon para sa United Nations at ang opisina namin ay nasa RCBC Plaza sa Ayala Avenue. Maraming beses kong hiniling na matapos agad ang paggawa. Ang pangakong mas maikling biyahe mula Makati papuntang QC ay magbibigay sa akin ng dagdag na oras para mag-aral, kumain, o matulog. Hindi ko batid na magiging parte ako ng proyektong iyon pagkalipas ng dalawang taon.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 116, Mga Kritikal na Repormang Right-of-Way sa Pagkompleto ng Skyway Stage 3)
”
”
Anna Mae Yu Lamentillo
β€œ
[P]angkalahatang ideya lamang ang natutuhan ng mga mag-aaral; hindi nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim na pag-unawa. Kaya naging ugali na ng maraming estudyante ang mag-aral lamang para makasagot nang tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos ng kurso. Napipigil ang malayang pag-iisip sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang ginagamit sa labas ng klase. Ang isang mag-aaral ay nasisiyahan na lamang sa pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang impormasyong ito ara mapalalim ang kanyang pang-unawa sa mga suliranin ng kanyang lipunan. (Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)
”
”
Pamela C. Constantino (Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan)
β€œ
Kids, hindi masama ang magbasa ng comics, pero 'wag kalimutang mag-aral...
”
”
Jake Vicente (Tonio Tikbalang: Vol. 1 (Tonio Tikbalang, #1))
β€œ
Ang katamarang mag-aral sa Filipino ay sintomas lΓ‘mang ng mababaw (o paimbabaw?) na nasyonalismo sa wika.
”
”
Virgilio S. Almario (Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa)