Mag Aaral Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Mag Aaral. Here they are! All 7 of them:

Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung 'di mo pagtitiyagaan limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.
Bob Ong
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.
Bob Ong (Macarthur)
Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili... Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Bob Ong (Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong))
Makalipas ang ilang taon matapos nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Pilipinas, patuloy pa rin ang pagtulong ng mga international development organizations sa rehabilitasyon. Sa isip ko, mahirap pag-usapan ang tungkol sa sustainable development kung ang mga mag-aaral ay kailangan ipagsapalaran ang kanilang buhay makapunta lang sa paaralan; kung ang mga magsasaka at mangingisda ay napipilitang kunin kung anuman ang inaalok na presyo ng ahente dahil ang paghahatid ng kanilang ani at huli ay napakahirap. Ang ilang mga bayan ay napupuntahan lamang gamit ang mga bangka. Kapag umuulan, kailangang mamili ng mga pamilya kung ipagsasapalaran ang kanilang buhay o mawala ang kanilang kita. Sa puntong iyon ko napagtanto na kung nais natin makamit ang inclusive growth, kinakailangan ang isang mahusay na infrastructure network. Hindi ko akalain na matapos lang ang ilang taon ay sasali ako sa Build, Build, Build ni Pangulong Rodrigo Duterte.” - Night Owl: Edisyong Filipino (p. 10, Bakit ko Sinusuportahan ang Build, Build, Build?)
Anna Mae Yu Lamentillo
[P]angkalahatang ideya lamang ang natutuhan ng mga mag-aaral; hindi nagkakaroon ng masusing pagsusuri at malalim na pag-unawa. Kaya naging ugali na ng maraming estudyante ang mag-aral lamang para makasagot nang tama at pumasa sa pagsusulit para makatapos ng kurso. Napipigil ang malayang pag-iisip sapagkat ang wikang panturo ay iba sa wikang ginagamit sa labas ng klase. Ang isang mag-aaral ay nasisiyahan na lamang sa pangangalap ng impormasyon. Ngunit bihira niyang magamit ang impormasyong ito ara mapalalim ang kanyang pang-unawa sa mga suliranin ng kanyang lipunan. (Mula sa Intelektuwalismo ng Wika ni Renato Constantino)
Pamela C. Constantino (Mga Piling Diskurso Sa Wika at Lipunan)
[A]ng pag-aaral ay hindi lámang maisasagawa sa pamamagitan ng pagmemorya ng datos sa mga libro. Ang totoo, kailangan ang paglabas sa silid-aralan upang tunay na magsaliksik sa paligid o daigdig ng mag-aaral. Ito ang lohika ng field trip na nagbabalatkayong isang uri ng pamamasyal para sa ating mga mag-aaral.
Virgilio S. Almario (Introduksyon sa Saliksik)
nang (ng), manga (mga), Ang mga may-kulóng na katagâ ay anyông dinaglát ng mga buóng salitáng sinusundán. Ang mga tinurang daglát ay siyáng kaugalian nang ginagamit sa mga pagsulat at paglilimbág, upáng bukód sa mapaiklî, ay maiwasan ang pagkakámalî sa ibáng salitáng katulad na may ibáng tungkulin sa pangungusap, gaya ng manga sa pandiwà, at ng mga nang na pang-abay at pangatníg, sa mga pariralang sumusunód: mangatulog na kayó bakâ silá mangagalit nang (noong) kabataan ni Rizal lumakad nang paluhód walâ nang salapî mag-aaral, nang (upáng) dumunong
Lope K. Santos (Balarila ng Wikang Pambansa)