“
Tanging yaong nagsisikap na gumawa ng lalong makabubuti para sa kaniyang mga kababayan, mataas man o mababa ang kinalalagyan, ang tunay na makabayan. Nasa kabutihang tinupad ng isang nasa hamak na posisyon ang dangal at luwalhati; samantala,
ang munting kabutihang tinupad ng isang nasa mataas na puwesto ay tanda ng kapabayaan at kawalang-kakayahan. Nakikilala ang tunay na karangalan sa mga payak na palatandaan ng kaluluwang matuwid at matapat, hindi sa kinang ng karangyaan at palamuting bahagya nang maipantakip sa mga kasiraan ng ating katawan. Nakakamit ang tunay na karangalan sa paglinang ng ating talino upang matutuhang kilalanin ang katotohanan at sa pagtuturo sa ating puso upang kasanáyang mahalin ang katotohanan. Sa pagkabatid sa katotohanan, naaarok natin ang ating mga katungkulan at ang katarungan, at sa pagtupad ng tungkulin
at sa pagkamakatarungan, nagiging kagalang-galang at matuwid táyo sa anumang
kapanahunan ng búhay.
”
”