Liham Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Liham. Here they are! All 11 of them:

....let her be loved not only for her beauty and amiable character, but also for her strength of mind and loftiness of purpose, which enliven and raise the feeble and the timid and ward off all vain thoughts. Let her be the pride of her country and let her command respect.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
[D]í kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
[K]ayong mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang pagpapalaki sa batá, samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg anak. Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang maasim.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
[B]inigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Ang kagulañga'y buñga ñg pagkabatá at ang pagkabata'y nasa kanduñgan ñg ina.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
[K]ung walang isdang munti'y walang isdang malaki.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Ang kamangmañga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa talí
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)
Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtagó ñg kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, ñguní at mahirap baliin ang isang bigkis na walis.
José Rizal (Liham para sa Kababaihan ng Malolos)