Laban Ng Buhay Quotes

We've searched our database for all the quotes and captions related to Laban Ng Buhay. Here they are! All 8 of them:

Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman. Ang iba'y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan. May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila. Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili. Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang. Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa. Ang iba'y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba'y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy. Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.
Ricky Lee

Sa Maisan *   * Ang tula ay malayang pagsalin ni Jun Cabochan sa tulang “In Flanders Fields” na sinulat ni Lieut.-Col. John McCrae. �Namatay siya sa digmaan noong January 28, 1918.    Sa maisan umiihip ang damo sa pagitan ng mga lapida, mga tanda ng aming dugo Sa itaas, lumilipad ang mga ibon, patuloy sa pag-awit Halos di madinig sa gitna ng putukan   Kami ang mga patay Kailan lamang ay buhay kami Dama ang bukang-liwayway, Tanaw ang tanglaw ng lumulubog na araw Nagmamahal at minamahal Ngayon, nakaratay kami sa maisan   Ipagpatuloy ang aming laban para sa kapayapaan Mula sa mga namamanhid na kamay ipapasa sa iyo ang sulo Sa iyo na ito para iwagayway Kapag sumira ka sa ating sumpaan Di kami matatahimik, kahit pa Kumakalat ang damo sa maisan
Gerardo V. Cabochan
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak— landas na tinahak ng punit na talampakan, ng pusong paulit-ulit ginugupo ng unos, ng kaluluwang laging kinikiliti ng pangamba. Ang iyong mga mata’y nakamasid lamang, ngunit hindi kailanman sumilip sa kailaliman ng aking katahimikan— kung saan ang bawat ngiti’y bantay lamang sa sugat na ayaw lumantad, at ang bawat luha’y pumapatak kahit bago pa man dumampi ang liwanag ng umaga. Hindi mo batid ang mga laban na isinugal ko nang walang saksi; ang mga pangarap na nilamon ng gabi, at muling itinaguyod ng isang paghinga sa gitna ng pagkawasak. Kaya bago mo ako sukatin at husgahan, isuot mo muna ang aking pagod na hakbang, lakbayin ang dilim na minsan kong niyakap nang walang katiyakan kung may bukas pa. At saka mo sabihin kung sino ang mali, kung sino ang tama— kung sino ang marapat tawaging buo at kung sino ang marapat tawaging durog. Ito ang aking buhay— hindi maringal, hindi malinis, ngunit totoo at hindi kailanman huwad. At sa bawat paglakad, sa bawat katahimikang tila bangin, sa bawat paghinga na parang huling pagkakataon, naroon ang pasya kong magpatuloy. Dahil sa huli, ang pagpapatuloy mismo— kahit sugatan, kahit pagod, kahit wasak— ang pinakamatinding anyo ng aking tagumpay.!
Napz Cherub Pellazo
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak. Sapagkat ang mata mo’y nakamasid lamang, ngunit ang puso ko— araw-araw na sinusubok ng laban. Hindi mo batid ang mga sugat na nakatago sa likod ng aking katahimikan, ni ang mga luha na lumulubog bago pa man sumikat ang araw. Kaya’t bago mo ako hatulan, damhin mo muna ang bigat ng aking mga yapak, lakbayin ang dilim na minsan kong tinahak, at saka mo sabihin kung anong tama, at kung anong mali sa aking pagkatao. Ito ang aking buhay— hindi perpekto, hindi maringal, ngunit tunay. At sa bawat hakbang, bawat katahimikan, bawat paghinga— naroon ang pasya kong magpatuloy, kahit sugatan, kahit pagod, dahil ang pagpapatuloy mismo ang aking tagumpay.
Napz Cherub Pellazo
Wala kang lubos na pag-unawa sa bigat ng landas na ako lamang ang nakayapak. Sapagkat ang mata mo’y nakamasid lamang, ngunit ang puso ko— araw-araw na sinusubok ng laban. Hindi mo batid ang mga sugat na nakatago sa likod ng aking katahimikan, ni ang mga luha na lumulubog bago pa man sumikat ang araw. Kaya’t bago mo ako husgahan, damhin mo muna ang bigat ng aking mga yapak, lakbayin ang dilim na minsan kong tinahak, at saka mo sabihin kung anong tama, at kung anong mali sa aking pagkatao. Ito ang aking buhay— hindi perpekto, hindi maringal, ngunit tunay. At sa bawat hakbang, bawat katahimikan, bawat paghinga— naroon ang pasya kong magpatuloy, kahit sugatan, kahit pagod, dahil ang pagpapatuloy mismo ang aking tagumpay.
napzcherub
Napz Cherub Pellazo (Smile at the Monster: Turn Stress, Anxiety, and Self-Doubt into Motivation, Focus, and Daily Success)
Lahat ng uri ng depresyon ay may pinagmulan. Despite popularity, fame, and money — those things never gave her peace of mind. It was never about what she had, but about how she was wired —differently, uniquely, and sometimes painfully. She was clinically depressed; she functioned in ways the world couldn’t always understand.
Napz Cherub Pellazo (Smile at the Monster: Turn Stress, Anxiety, and Self-Doubt into Motivation, Focus, and Daily Success)